All Chapters of Nabuntis Ako ng Bilyonaryo : Chapter 1 - Chapter 10
82 Chapters
Kabanata 1: Confession
"HI, Kuya Gael," nahihiyang bati ni Tallulah Lopez sa binatang si Gael Ramirez, isang lalaking ubod ng gwapo na lahat ng babaeng kilala niya'y natitipuhan ito dahil sa napakatipuno nitong katawan at sa makakapal nitong kilay kaya paanong hindi rin niya magugustuhan ito?Dahan-dahang humarap sa kaniya si Gael pero imbis na ngiti ang kumawala sa gwapo nitong mukha, tumaas lang ang kilay nito at bumakas ang tila pagkadismaya nito na makita siya.Bumaling ito sa paligid na tila naghahanap ng kasama niya pero walang itong nakita dahil iniwanan niya ang magkapatid na si Brielle at Kendric na nandoon sa malayong table mula sa kinaroroonan niya. Sinadya niya iyon dahil ito na ang naisip niyang tamang panahon para umamin sa binata at ipahayag ang pagkagusto niya rito. Kasalukuyan silang nasa party ni Brielle dahil 18th birthday nito. Maraming tao sa paligid at rinig na rinig ang malakas na tunog ng musika."P-pwede ba tayong mag-usap, Kuya Gael?" halos mautal na tanong niya na hindi nawawala an
Read more
Kabanata 2: Desperate
"HUH? Nahihibang ka na ba, Tali? Ganiyan ka na ba ka-desperada kay Kuya Gael para gawin mo 'yang binabalak mo?" gulat na reaction ni Brielle nang sabihin ni Tallulah na handa siyang ibigay ang sarili sa binata para lang makuha ito.Yumuko siya. Hindi niya alam kung tama ba ang gagawin niya pero wala siyang ibang maisip na paraan para hindi ito tuluyang umalis. "Pero aalis na siya, Brielle? He will leave me! Paano na ako kapag nawala siya? Hindi ko alam kung paano ako kapag tuluyan siyang nawala," aniya na naiiyak na naman dahil iniisip pa lang niyang iiwan siya ni Gael, pakiramdam niya'y mababaliw na siya.Nasapo ni Brielle ang noo nito. Mabuti na lang at nasa silid sila ng dalaga dahil kung marinig ni Kendric ang sinabi niya, baka nabatukan na siya nito."My God, Tali! You're out of your mind at hindi na ako magtataka kung isang araw bigla na lang mawala si Kuya Gael dahil kinid-nap mo," naiiling nitong sabi. "Can you please think before you decide, Tali dahil hindi mo alam ang pwede
Read more
Kabanata 3: Tali's Plan
MARAHANG gumalaw si Tallulah mula sa kaniyang pagkakahiga. Napangiwi pa siya nang maramdaman ang sakit at hapdi sa pagitan ng kaniyang mga hita. Direkta rin niyang naramdaman ang malamig na hangin sa katawan niya.Kapagkuwa'y nagmulat siya ng kaniyang mga mata at sumalubong sa kaniya ang maliwanag na paligid, senyales na mataas na ang sikat ng araw. Ganoon na lang ang gulat niya nang mapansing wala siyang saplot at may matigas na bisig siyang inuunan habang may matipunong braso na nakayakap sa kaniya.Natigilan siya nang maalala kung ano'ng ginawa niya nang nagdaang gabi. Natampal niya ang kaniyang noo at nakagat ang pang-ibabang labi. Bigla niyang na-realize ang kagagahang ginawa niya. Dahan-dahan siyang humarap sa binata at tumambad sa kaniya ang gwapo nitong mukha kahit tulog ito. Dama niya ang init ng katawan nitong nakayakap sa kaniya."Ano ba 'tong ginawa mo, Tali?" gusot ang mukhang tanong niya sa kaniyang sarili. Ano pang mukhang maihaharap niya sa binata gayong ibinaba niya a
Read more
Kabanata 4: Responsibility
"WHETHER you like it or not, Gael you should take your responsibility to my daughter," malumanay pero may diing sabi ni Gilberto sa binata habang kaharap ito at ang pamilya ni Tallulah."Gilberto is right, hijo hindi ka na bata kaya alam mo ang responsibility at ang consequence sa ginawa mong action. You're matured enough to understand everything," segunda naman ng ina niyang si Caroline."Pero Tito, wala akong ginawa. I don't know what happened last night but I know I didn't do anything to her at wala akong gagawin sa anak ninyo. Kahit pa maghubad siya sa harap ko, hindi-hindi ako papatol sa kaniya," balik ni Gael habang magkasalikop ang mga palad nito. Bakas ang frustration sa mukha nito. "Isa pa, I don't love your daughter, parang kapatid na ang turing ko sa kaniya," dagdag pa nito.Nagkatinginan ang mag-asawa habang nanatili lang siyang nakayuko at pinaglalaruan ang sariling mga kamay. Natatakot siyang baka walang magawa ang mga magulang niya at tuluyang iwan siya ni Gael."H-hind
Read more
Kabanata 5: Positive?
"BAKIT kasi hindi pa ako nabuntis ni Kuya Gael? 'Di sana wala na siyang kawala at mapipilitan siyang pakasalan ako—Aray!" Nasapo ni Tallulah ang batok niya na tinamaan ng kamay ni Brielle habang masama ang tingin nito sa kaniya."Nahihibang ka na ba talaga, Tali? Seriously, gusto mong mabuntis ka ni Kuya Gael." Kulang na lang ay sapakin siya nito para magising siya sa katotohanan. "Remember, nag-aaral pa tayo at ganoon din si Kuya Gael, graduating na siya this year at masisira lahat ng pangarap ninyo kapag nagkataon," anito.Ngumuso siya at marahang hinimas ang ulo. "I don't care, Brielle dahil kaya naman kaming buhayin ng pamilya ko, 'di ba? Pwede niyang manahin ang kompanya ni Dad because he's my husband kaya hindi na namin kailangang mangarap dahil ako, si Kuya Gael lang ang pangarap ko," masaya niyang sabi.Napailing si Brielle. "Naririnig mo ba ang sinasabi mo, Tali? Jusko! Mababaliw ako sa iyo!" hagas nitong sabi at nauna na itong naglakad patungo sa sasakyan nito. Katatapos lan
Read more
Kabanata 6: Confirmed!
"DALA mo ba ang pinabili ko sa 'yo, Brielle?" pabulong na tanong ni Tallulah nang makapasok ang kaibigan niya sa kaniyang silid. Pinapunta kasi niya ito roon para bilhan siya ng pregnancy test at nang ma-confirm niya kung bakit palagi siyang nasusuka at nanghihina.Tumango si Brielle. "Hindi ko na alam ang gagawin sa 'yo, Tali! My God! Ako ang kinakabahan sa pinagagawa mong kagagahan. Paano kung totoong buntis ka? Paano na ang buhay mo, you're too young to be a mother, ni wala kang alam sa pag-aalaga ng bata. Paano ang pag-aaral mo?" hagas na anito. Binigay nito ang Pregnancy Test sa kaniya at agad niya iyong kinuha.Umirap siya sa kaibigan. "Don't overreact, ok? Kung buntis man ako, eh, 'di good dahil magagamit ko ang bata para pakasalan ako ni Kuya Gael. Saka, napag-aaralan naman ang pagiging ina, 'no? Sumilay ang excitement at saya sa mga ngiti niya. "Hindi na ako makapaghintay na pakasalan siya, Brielle dahil simula noon, ito lang naman talaga ang pangarap ko. I want to be Mrs. Ra
Read more
Kabanata 7: Pananagutan
"BAKIT niyo ho ako pinatawag, Tito?" basag ni Gael sa katahimikan sa pagitan nilang lahat habang nakaupo sila sa sofa sa sala. Ni isa walang gustong umimik habang labis na kinakabahan si Tallulah sa mangyayari.Tumikhim si Gilberto at hindi magawang tumingin kay Gael dahil kilala nito ang binata at ang buhay nitong puno ng pangarap at ayaw sana nitong sirain iyon. "H-hijo, I'm sorry sa biglang pagpapatawag ko sa 'yo but we need to discuss an important matters," simula nito. Ngumiti si Gilberto sa binata. "Gael, matagal na kitang kilala at alam ko ang lahat ng pangarap mo sa buhay at ang kabutihan mo." Saglit itong natigilan. "And I always support you whatever you wants to do."Nag-angat siya ng tingin kay Gael at kita niyang naguguluhan ito sa mga sinabi ng kaniyang ama. Tahimik lang sila ng kaniyang ina.Nag-aalangang ngumiti ang binata. "S-salamat po, Tito pero bakit ho sinasabi ninyo sa akin ito?"Bahagyang umiwas si Gilberto ng tingin at bumaling sa kaniyang anak pero agad din siy
Read more
Kabanata 8: Pagpayag
DAHAN-DAHAN binukas ni Tallulah ang mga mata niya pero agad niyang nasapo ang kaniyang ulo dahil sa pagkirot niyon. Naramdaman din niya ang pagkahilo at bigat ng katawan niya."M-Mom," tawag niya sa kaniyang ina. Inaninag niya ang paligid at halos puti ang nakita niya. Kinabahan siya. Nasa langit na ba siya? "M-Mom, D-Dad? K-Kuya Gael?" muli niyang tawag. Mayamaya'y mas luminaw na ang paningin niya at napagtanto niyang nasa silid siya at nakahiga sa hospital bed."T-Tali, anak!" narinig niyang boses ni Caroline. Naramdaman niya ang paghawak nito sa braso niya.Bumaling siya sa kaniyang ina at tumambad ito sa kaniya habang nasa likod nito si Gilberto. Kapwa bakas ang pag-aalala sa kanilang mga mukha.Sinubukan niyang gumalaw pero hindi niya tinuloy nang maramdaman niya ang hilo at sakit ng kaniyang ulo. "Just rest, Tali huwag ka munang magparagalaw dahil sabi ng Doctor, kailangan mong magpahinga para bumalik ang lakas mo," paliwanag ni Caroline sa kaniya. Ngumiti ito na bakas doon ang
Read more
Kabanata 9: Decision
"GAEL, I'm sorry kung nandito ulit ako para pilitin kang pakasalan ang anak naming si Tallulah pero wala kaming ibang maisip na paraan para tapusin ang kahihiyang ito. Hindi rin kami papayag na lumaking walang ama ang apo namin at maging disgrasyada si Tali. Kailangan ka niya, Gael kailangan ka ng bata lalo't maselan ang pagbubuntis niya at narinig mo lahat mula sa Doctor. Kaya please, marry my daughter. I'll do everything to support your dreams. You just need to be my daughter's husband. Manatili ka lang sa tabi niya," pagmamakaawa ni Gilberto kay Gael na halos lumuhod na ito sa harap niya.Kasalukuyan silang nasa cafe malapit sa hospital para kausapin siya nito at alam niyang tungkol iyon kay Tallulah.Umiwas siya ng tingin. Kilala niya si Gilberto at alam niyang mabuti itong tao at ginagawa lang din nito ang lahat para sa anak nito. Hindi agad siya umimik dahil kahit mauntog siya, hinding-hindi niya mamahalin si Tallulah dahil sa lahat ng ginawa nito. Ayaw niyang magtagumpay ito sa
Read more
Kabanata 10: Kasal
"P-PO? NEXT week? Pero Tito, hindi ho ba masyado naman ata kayong nagmamadali na makasal kami ni Tallulah?" gulat na ani Gael nang sabihin ng ama ni Tallulah na gusto nitong ikasal agad sila sa susunod na linggo.Tumango si Gilberto habang tahimik lang siyang nakaupo sa sala nang bahay niya. Kahapon pa siya lumabas ng hospital at hindi man lang siya pinuntahan doon ni Gael para samahan siya sa pag-uwi. Tanging si Kendric at ang kaibigan niyang si Brielle ang dumating doon."Gael, ilang linggo na lang at mahahalata na ang tiyan ni Tali at bago pa mangyari iyon, dapat makasal na kayo para maiwasan ang mas malaking kahihiyan ng anak ko," dahilan ng kaniyang ama."Tama si Gilbert, hijo mas maaga mas maganda para mabawasan ang maraming isseus tungkol sa inyong dalawa," segunda naman ni Caroline.Bumuntong-hininga si Gael at bakas ang labis na pagtutol sa mukha nito sa maagang kasal nilang dalawa na kabaligtaran sa nararamdaman niya dahil hindi na siya makapaghintay na ikasal silang dalawa.
Read more
PREV
123456
...
9
DMCA.com Protection Status