Lahat ng Kabanata ng Nabuntis Ako ng Bilyonaryo : Kabanata 31 - Kabanata 40
82 Kabanata
Kabanata 30: Galit
TAHIMIK na nakaupo si Gael sa sofa ng silid niya. Kanina pa siyang tahimik dahil sa maraming bagay na gumugulo sa kaniya. Kahit pilit niyang itaboy ang nangyari sa kanila ni Tallulah sa bathroom, hindi ito mawala sa isip niya. Maraming alaala nang nakaraan ang nagbalik at muling nagpabuhay ng galit at poot sa puso niya. May bagong damdamin na hindi niya alam kung saan nagmula. "Sigurado ka na ba sa gusto mong gawin, Sir Gael?" Napapitlag siya nang marinig ang boses ni Hiro na alam niyang nasa harap niya ngayon. Sa loob ng ilang araw na bumalik siya sa Pilipinas, sinubukan niyang kabisaduhin ang lugar na kinaroroonan niya para magawa niyang makapa ang bawat hakbang niya. Sa pitong taon na pagkawala ng kaniyang paningin, natutunan niya kung paano iakma ang sarili sa kinaroroonan niya dahil ayaw niyang umasa sa mga taong nasa paligid niya sapagkat hindi niya alam kung kanino dapat magtiwala. Kumurap siya. Kapagkuwa'y sumilay ang ngisi sa mga labi niya. "This is what she deserves, Hiro.
Magbasa pa
Kabanata 31: Game
BUMUNTONG-HININGA si Tallulah matapos niyang ayusin ang mga gamit sa silid kung saan siya mananatili habang nandoon sa mansyon ng mga Lopez. Nasa business meeting kasi ang ina ni Gael at nakiusap itong doon muna siya habang hindi ito umuuwi. Gusto niyang tumanggi dahil hindi siya sanay na malayo kay Callum pero wala na rin siyang nagawa dahil alam din niyang kailangan siya ni Gael.Ngumuso siya at sumimangot. Kanina pa siyang nagtataka sa kakaibang kilos ni Gael sa kaniya. Hindi kasi niya narinig na sinigawan siya nito sa buong araw at hinayaan nitong tulungan niya ito sa tuwing may kailangan ang binata."Hindi kaya nadapa si Kuya Gael at bumagsak ang ulo kaya bumait siya?" nagtataka niyang tanong. "He was strange today." Kapagkuwa'y bumuga na lang siya ng hangin dahil wala naman siyang makuhang sagot mula sa sarili. Ok na rin siguro iyon kaysa lagi silang mag-away pero imbis na makapante siya, mas kinakabahan siya."This would be the most exciting part and you should prepare yourself
Magbasa pa
Kabanata 32: Mood
"I MISS you, Anak!" Nakangiting sabi ni Tallulah habang kausap niya sa cellphone sa pamamagitan ng video call ang anak niyang si Callum habang nasa terrace siya ng mansyon. Wala pang isang araw na nalalayo ito pero labis na niyang nami-miss ang bata. Hindi kasi siya sanay na malayo ito sa kaniya."Mama kailan po kayo uuwi? Sabi po ni Tito Kendric, hindi pa raw po kayo uuwi bukas," malungkot na sabi ni Callum.Ngumiti siya na may bahid ng lungkot. "I'm sorry, Anak pero hindi pa makakauwi si Mama bukas dahil sa trabaho pero hayaan mo, kapag nakauwi ako, babawi ako, ok ba 'yon? Kakain tayo sa labas with Kendric," aniya para kahit pa paano'y i-comfort ang anak.Ngumiti si Callum. "Talaga po, Mama? Tatandaan ko po ang sinabi ninyo," masayang sabi nito.Hindi niya maiwasang hindi malungkot. Yumuko siya at umiwas sa camera para hindi nito makita ang lungkot sa mga mata niya. Hanggang kailan sila magiging masaya? Paano kung malaman ni Gael ang tungkol sa anak nila at dahil sa galit nito ay ku
Magbasa pa
Kabanata 33: Trust
"A-ANO'NG ginagawa niyo rito?" kinakabahang tanong ni Tallulah nang makarating siya sa sala at nadatnan doon si Kendric at Callum. Imbis na pananabik ang bumakas sa kaniyang mukha, napuno iyon ng pagkabahala at kaba. Paano kung makita ni Kendric si Gael? Hindi nito pwedeng malaman na si Gael ang inaalagaan niya. Ayaw niyang magalit ang binata.Ngumiti si Kendric pero tila may kakaiba roon. Bahagya itong yumuko. "I'm sorry, Talu kung hindi ako nakapagsabi na pupunta kami rito. Nakiusap sa akin ang anak mo na puntahan ka at hindi ko naman kayang tiisin si Callum," sagot nito. Kita niya sa mga mata nito ang kakaibang emosyon doon na pilit nitong tinatago. Napakiling siya at bahagyang yumuko. Kinagat niya ang pang-ibabang labi. Pakiramdam niya'y lalabas na sa dibdib niya ang kaniyang puso dahil sa mabilis niyong tibok. Lumapit siya sa mga ito. "N-no, hindi mo kailangang mag-sorry, Kendric mabuti rin na dinala mo rito si Callum dahil nami-miss ko na siya." Nilapitan niya ang kaniyang ana
Magbasa pa
Kabanata 34: Pagtatanong
TAHIMIK na bumaba ng sala si Tallulah habang nagpapahinga si Gael sa silid nito. Kahit gusto niyang batukan ang binata dahil sa pagsusungit nito, hindi niya magawa dahil boss niya pa rin ito."Hello, Ate Jo, Ate Mary," bati niya sa dalawang katulong na nasa kusina. Abala naman sa paglilinis sa labas ang dalawa pang katulong.Ngumiti ang mga ito. "Kung nandito ka para tumulong sa amin, hindi mo na kailangang gawin, Tali kaya na namin 'to," agad na ani Jo sa kaniya.Napakamot siya sa noo dahil mukhang nahulaan na ng mga ito ang gagawin niya. "Siya nga pala, Tali hindi ba't anak mo 'yong dumating kahapon?" usisa ni Mary sa kaniya.Sumeryoso ang mukha niya at dahan-dahan tumango. "O-opo.""Ang gwapo naman pala ng asawa mo, eh," tila kinikilig na ani naman Jo.Alangan siyang ngumiti. "Naku po! Hindi ko pa po asawa si Kendric, boyfriend ko pa lang po siya," paliwanag niya."Ganoon ba? Pero alam mo, Tali ang cute ng anak mo. Naalala ko sa kaniya si Sir Gael no'ng bata pa siya kasi ganoong-ga
Magbasa pa
Kabanata 35: Truth
"MAMA!" puno ng pananabik at sayang salubong ni Callum kay Tallulah nang makapasok siya sa bahay Pasado-alas otso na ng gabi pero hinintay pa rin siya nito dahil alam nitong uuwi na siya. Sinalubong niya ito ng mahigpit na yakap na puno ng pagkasabik at pagmamahal."I miss you so much, 'nak!" Pumikit siya para damhin ang yakap ng anak. "Kumusta ka na? Hindi ka ba nagpasaway sa Lolo at Lola mo?" tanong niya matapos itong yakapin.Magiliw itong tumango. "Mabait naman po ako sadya kay Lolo at Lola, eh," confident nitong tugon.Natawa siya. Marahan niyang ginulo ang buhok nito. "Very good naman ang Callum ko, mukhang binata na talaga," pagbibiro niya.Ngumuso ito. "Bata pa ako, 'Ma kaya nga po gusto ko pang maglaro, eh," katuwiran nito. "Saka ayaw ko pa po, 'Ma maging binata kasi naririnig ko po sa inyo at nakikita ko kung gaano kahirap maging isang adult. Gusto ko pong i-enjoy ang pagiging bata ko," masayang anito.Kumunot ang noo niya. Sa murang edad ito, naisip na nito ang mga bagay na
Magbasa pa
Kabanata 36: Proposal
"SI GAEL, alam kong si Gael ang lalaking inaalagan mo sa mansyong iyon."Natigilan si Tallulah sa narinig mula kay Kendric. Paano nito nalaman ang tungkol doon? Napaawang ang bibig niya. Bumigat ang dibdib niya dahil sa katotohanang nagsinungalin siya kay Kendric. Niloku niya ito at hindi naging tapat at hindi niya iyon itatanggi sa binata."Paano—"Kinuha nito ang cellphone sa bulsa nito at may pinakita sa kaniya. "I saw his picture," anito. Nagulat siya nang makita ang larawan kuha sa sala ng mansyon. Nakalimutan niyang may mga larawan nga pala si Gael doon. "Hinintay kong sabihin mo sa akin ang tungkol sa trabaho mo, Talu. Naghintay ako kasi may tiwala ako sa iyo p-pero...pero pilit mong itinago sa akin ang katotohanan at hindi ko maiwasang hindi mag-isip," puno ng hinanakit at sakit na anito.Napayuko siya kasabay ng pagtulo ng luha sa mga mata niya. Alam niyang mali ang ginawa niya pero wala siyang ibang choice dahil alam niyang pipigilan siya nito kung sinabi niya iyon sa binata
Magbasa pa
Kabanata 37: Yes or No?
HINDI AGAD nakagalaw si Tallulah sa mga naging tanong ni Kendric sa kaniya. Halo-halong emosyon ang nararamdaman niya. Kinikilig siya sa ginawa nitong effort para sa proposal nito kahit alam nitong nagsinungalin siya sa binata pero sa loob niya'y hindi buo ang desisyon niya para sa tanong nito.Handa na ba siya para tanggapin ang binata bilang magiging asawa niya at makakasama habang buhay? Ito na ba ang tamang panahon?Tinikom niya ang kaniyang bibig at napalunok. Tiningnan niya si Kendric na nakaluhod pa rin sa harap niya habang may hawak itong box na mayroong singsing. Maraming bumubulong sa isip niya at hindi niya alam kung bakit kailangan niyang isipin si Gael sa magiging desisyon niya."Yes! Yes!" sigaw ng mga guro at magulang na naroon. Bakas ang kilig sa kanilang mga mukha. Sino nga ba namang hindi kikiligin sa ginawa ni Kendric. Bukod kasi sa gwapo na ito, makikita rin ang pagmamahal nito sa pamamagitan ng mga ginagawa nito."Talu, masaya ako sa bawat araw na kasama kita, na
Magbasa pa
Kabanata 38: Reveal
"TALI, anak," narinig niyang tawag sa kaniya ng kaniyang ina habang tahimik siyang nakaupo sa sala ng bahay. Malalim na ang gabi pero hindi pa rin siya makatulog dahil sa patuloy na gumugulo sa isip niya ang lahat ng sinabi ng ina ni Kendric. Humarap siya kay Caroline at ngumiti. "Bakit gising ka pa?" Yumuko siya at marahang hinaplos ang braso niya na nakahalukipkip. "Hindi pa po kasi ako inaantok, Mom," dahilan niya.Lumapit ito sa kaniya at umupo sa kaniyang tabi. Bumuntong-hininga ito. "Dahil ba 'to sa pamilya ni Kendric? Hindi mo sa akin maitatago ang nararamdaman mo, 'nak dahil kung ano'ng nararamdaman mo, ganoon din sa akin. Everything changed hindi lang sa buhay na mayroon tayo, kung 'di maging sa mga taong kaibigan natin noon," malungkot na pagtatapat ni Caroline.Kumawala siya ng hangin at malungkot na tiningnan ito. "Mom, lahat ba ng nararanasan ko, ng pamilya natin ay dahil sa pagkakamaling nagawa ko noon?" Nanubig ang mga mata niya at bahagyang kumiling. "I'm sorry, Mom!
Magbasa pa
Kabanata 39: Pag-amin
NGUMISI si Gael nang marinig nito ang pagtawag ni Tallulah ng Kuya sa binata. Hindi na ito nagulat at tanging ang makahulugang tingin ang pinukol nito sa kaniya."I know it's you, Tallulah Lopez! I won't never forget you and all the things you've done to me." Ang seryoso nitong mukha ay napalitan ng galit at poot. Tumalim iyon na nagbigay sa kaniya ng takot. "Tapos na ang pagpapanggap, Tallulah dahil kahit hindi kita nakikita at kahit hindi ka magpakilala sa akin, kilala kita." Suminghap ito at sarkastikong ngumiti. "Sa tingin mo ba hindi kita makilala? Hindi kita makakalimutan dahil ikaw ang dahilan ng lahat ng ito!" madiin nitong sambit na nangangalit ang mga ngipin.Mahigpit na napahawak siya sa laylayan ng kaniyang suot na damit. Binalot siya ng kaba at takot sa pwedeng gawin ni Gael sa kaniya. Hindi naman na siya nagulat sa pagtatapat nito dahil iyon naman ang inaasahan niya pero ang galit nito, hindi na niya kayang takasan pa.Natigilan siya at hindi agad nakasagot. Napalunok si
Magbasa pa
PREV
1234569
DMCA.com Protection Status