"BAKIT kasi hindi pa ako nabuntis ni Kuya Gael? 'Di sana wala na siyang kawala at mapipilitan siyang pakasalan ako—Aray!" Nasapo ni Tallulah ang batok niya na tinamaan ng kamay ni Brielle habang masama ang tingin nito sa kaniya.
"Nahihibang ka na ba talaga, Tali? Seriously, gusto mong mabuntis ka ni Kuya Gael." Kulang na lang ay sapakin siya nito para magising siya sa katotohanan. "Remember, nag-aaral pa tayo at ganoon din si Kuya Gael, graduating na siya this year at masisira lahat ng pangarap ninyo kapag nagkataon," anito.
Ngumuso siya at marahang hinimas ang ulo. "I don't care, Brielle dahil kaya naman kaming buhayin ng pamilya ko, 'di ba? Pwede niyang manahin ang kompanya ni Dad because he's my husband kaya hindi na namin kailangang mangarap dahil ako, si Kuya Gael lang ang pangarap ko," masaya niyang sabi.
Napailing si Brielle. "Naririnig mo ba ang sinasabi mo, Tali? Jusko! Mababaliw ako sa iyo!" hagas nitong sabi at nauna na itong naglakad patungo sa sasakyan nito. Katatapos lang kasi ng klase nila at pauwi na rin sila.
Natawa na lang siya at sumunod sa kaibigan pero napahinto rin siya ng makita niya si Gael sa labas ng gate ng university kung saan sila nag-aaral. Inaninag pa niya kung si Gael ba ang lalaking iyon na masayang kausap ang isang magandang babae na alam niyang kaklase nito.
Agad kumulo ang dugo niya. Hindi siya papayag na may ibang babaeng lalapit kay Gael dahil para lang sa kaniya ang binata. Bumakas ang galit sa mukha niya at mabilis na naglakad palapit sa dalawang iyon.
"Hoy, ikaw babae, bakit mo hinahawakan si Gael, huh?" agad na kompronta niya. Hinawakan pa niya ang braso nito para alisin sa pagkakahawak kay Gael. Nagulat naman ang binata sa pagdating niya maging ang babaeng kausap nito. "Can you please leave him alone, huh! Huwag mong landiin si Kuya Gael dahil ikakasal na siya and you know what, hindi ka naman kagandahan, eh, kaya huwag mong landiin si Kuya Gael kung ayaw mong papulahin ko pa 'yang pisngi mong parang kamatis," inis na sabi niya rito habang matalim ang tingin sa babae.
Suminghap si Gael at ngumisi. Bahagya pa itong kumiling. Napatingin naman ang babaeng kausap nito kanina. "Hanggang dito ba naman guguluhin mo ako, huh, Tallulah? Hindi ka pa ba masaya sa ginawa mo? What's more you can do para makuha ako, huh?" tanong nito habang direktang nakatingin sa mga mata niya.
"You know her, Gael?" malumanay namang tanong ng babaeng kaharap nito na kahit sinungitan niya, mukhang hindi apektado sa ginawa niya.
"Yeah! Kilala niya ako because I'm his fiance so please stop flirting with my boyfriend dahil baka hindi kita—"
"Stop, Tallulah! Huwag mong hintaying maubos ang konting respeto at awa ko sa iyo," pigil ni Gael sa kaniya. Marahas nitong hinawakan ang braso niya at inilayo siya sa babaeng kasama nito. "Hindi mo ba talaga ako titigilan, huh? Hindi ka pa ba tapos sa kahibangan mo? Tallulah, please just leave me alone hanggat may natitira pa akong konting respeto at awa sa 'yo dahil kapag naubos iyon, hindi ko alam kung ano'ng kaya ko gawin sa iyo." Umiling pa ito at matalim na tiningnan siya.
Umiling siya. "I won't stop chasing you, Kuya Gael hanggat hindi mo ako pinapansin at pinapakasalan. Alam kong makulit na ako pero hindi ko kayang makita kang kasama ng ibang babae. Hindi ko kaya! Nasasaktan ako," naiiyak niyang pagtatapat sa binata.
Pakiramdam niya'y sasabog na si Gael sa harap niya. Ngumisi ito at napakiling. Nasapo pa nito ang ulo at naisuklay ang daliri sa buhok. "Damn, Tallulah! How many times do I have to tell you na kahit ano'ng gawin mo, hindi kita pakakasalan. Hindi kita kayang mahalin at alam mo kung bakit? Dahil sa mababa mong pagkatao, dahil sa ginagawa mo ngayon," madiing balik nito. "Wala kang karapatan sabihin sa lahat na boyfriend mo ako, na awayin ang mga babaeng malapit sa akin. I'm not yours at hindi ako magiging sa iyo kailanman, tandaan mo 'yan, Tallulah," madiing anito na kulang na lang ay ipagsiksikan sa isip niya ang lahat ng iyon.
Natigilan siya habang nanatili ang tingin niya rito pero tila ba hindi siya apektado sa masasakit na salitang binato nito sa kaniya pero ang totoo, sa loob niya'y labis siyang nadudurog. Umiiwas siya ng tingin.
Umiling-iling siya. "Hindi ako naniniwala, Kuya Gael dahil alam kong mamahalin mo rin ako. Alam kong magbubunga lahat ng ginagawa kong pagtitiis at pagpaparamdam ng pagmamahal ko sa iyo."
"Pagmamahal? Pagmamahal ba ang tawag mo roon, Tallulah dahil para sa akin wala kong maramdamang pagmamahal. It's not love, it's obsession that might ruin me, Tallulah." Salubong ang kilay nito na tila ba gusto nitong iparamdam sa kaniya ang galit nito.
"It's doesn't matter if it's love or obsession, Kuya Gael dahil isa lang ang alam ko, mahal kita at hindi ko kayang mawala ka sa buhay ko," naiiyak niyang balik.
Bumungad si Gael at marahas na naihilamos ang palad sa mukha nito. Hinawakan siya nito sa braso ng madiin habang madilim ang mga tingin na animo'y tigreng galit. "Tigilan mo na ako, Tallulah bago ko pa makalimutan kung sino ka. Huwag mong hintayin tuluyan kitang kamuhian," puno ng diin nitong banta sa kaniya.
Natigilan siya. Binawi niya ang braso niya dahil nasasaktan siya sa mahigpit nitong paghawak. Hindi niya magawang tumingin sa binata dahil natatakot siya. Nakakatakot ang emosyong nakarehistro sa mukha nito na tila ba ano mang sandali'y sasaktan siya nito. Naramdaman niya ang panunubig ng gilid ng mga mata niya pero pinigilan niya ang tuluyang maiyak sa harap nito.
"Where's your key?" sabay malamig nitong tanong sa kaniya.
Nagtataka siyang nag-angat ng tingin. "B-bakit—"
"Just give me your damn key," pasigaw nitong utos habang nakalahad ang kamay. Dahil sa takot, tarantang kinuha niya ang susi sa wallet niya at iniabot iyon sa binata. "Ihahatid na kita pauwi." Tumalikod ito at naglakad papunta sa kotse niyang nakaparada sa gilid ng kalsada.
Naiwan siyang nakamasid lang sa pagsakay nito sa sasakyan. Hindi niya maiwasang hindi kiligin sa kabila ng labis na sakit na pinaramdam nito sa kaniya. Yumuko siya at kusang umatras ang mga luha sa mga mata niya. Walang kasing tamis na ngiti ang gumuhit sa mga labi niya habang magkahawak ang dalawang kamay niya. Naglakad siya para sundan ang binata na puno ng saya at kilig. Hindi mapawi ang ngiti niya dahil sa pag-asang lumitaw sa kaniya dahil sa pinakita nitong kabaitan sa kaniya. Naniniwala siyang balang araw, matututunan din siya nitong mahalin.
Tahimik lang si Gael habang nagmamaneho ito nang sasakyan niya pauwi para ihatid siya. Palihim naman siyang napapangiti dahil sa ginawa nito. Naramdaman niya ulit ang concern nito sa kaniya kagaya noong hindi pa nito nalalaman ang nararamdaman niya sa binata.
"K-Kuya Gael, I'm sorry for being childish," mahinahon niyang paghingi ng paumanhin. "Alam kong mali ang ginawa ko kanina pero I was just jealous kasi pakiramdam ko kapag may ibang babae sa buhay mo, iiwan mo na lang ako," malungkot niyang segunda.
Nanatili ang tingin ni Gael sa kalsada, ni hindi man lang siya nito tinapunan ng tingin o inimikan man lang. Marahil galit talaga ito sa kaniya dahil sa ginawa niya kanina. Sumimangot siya at marahang pinisil ang sariling mga daliri. Hindi na lang din siya umimik.
—
KINAUMAGAHAN, maagang nagising si Tallulah dahil sa hindi niya maintindihang dahilan. Hindi naman kasi talaga siya nagigising ng maaga dahil nasanay na siya sa ganoong routine lalo't hapon ang pasok niya sa paaralan. Kasalukuyan siyang nasa first year college sa kursong Business administration dahil iyon ang gusto ng pamilya niya. Wala raw kasing ibang mamamahala ng kompanya kung 'di siya kaya kailangan niyang matuto sa pagpapatakbo ng negosyo.
Nasapo niya ang ulo nang bumangon siya sa malambot na kama. Wala pang sikat ng araw kaya naman alam niyang maagap pa. Napangiwi siya nang maramdaman niya ang bahagyang sakit ng kaniyang ulo at ang pagkahilo niya. Hindi maganda ang pakiramdam niya at parang nasusuka siya.
Kumunot ang noo niya. Hinanap niya ang tsinelas, saka bumaba ng kama. Bahagya siyang gumewang dahil pakiramdam niya'y umiikot ang paligid. Kapagkuwa'y napahawak siya sa tiyan niya at naitakip ang palad sa bibig. Pakiramdam niya'y hinalukay ang tiyan niya at ano mang sandali'y susuka na siya.
Nataranta siya at mabilis na tumakbo sa banyo kahit mabigat ang pakiramdam niya. Nang makarating siya sa sink, napapikit siya nang mariin kasunod ng pagsuka niya. Hinawi niya ang kaniyang buhok habang bakas sa mukha niya ang pagkagusot niyon.
Naramdaman niya ang panglalata ng katawan niya. Kagabi lang ay ok naman siya kaya bakit biglang sumama ang pakiramdam niya? Matapos niyang sumuka, napasandal siya sa sink habang nakapikit at sapo ang noo.
"Ano'ng nangyayari sa akin?" nanglalatang tanong niya sa sarili.
Nang pakiramdam niya'y kaya na ulit niyang maglakad, humakbang siya sa kabila ng pagkalula niya. Bumalik siya sa kama at umupo roon. Kapagkuwa'y natigilan siya nang mapansin ang nararamdaman niya at maalala ang nangyari sa kanila ni Gael. Natutop niya ang kaniyang bibig dahil sa gulat sa naiisip niya.
"OMG! Am I pregnant?" Pagkatapos ng gulat, bumakas ang masayang ngiti sa mga labi niya dahil natupad ang hinihiling niya para gamitin upang makuha si Gael. "Thank you, Lord!" masayang sabi niya kahit hindi pa naman iyon kumpirmado.
NIYAKAP NI Tali ang sarili nang umihip ang malamig na hangin mula sa dalampasigan. Palubog na ang araw kaya naisip niyang maglakad muna sa tabi ng dagat bago magsimula ang bonfire ng pamilya.Nasa isang resort sila sa Cavite para roon magdiwang ng birthday ni Callum at ng isang pang magandang balita para sa kanila ni Gael.Ilang buwan na ang nagdaan, marami nang nagbago pero ang pagbabagong iyon ay naging mabuti para sa lahat. Tuluyang nakulong si Serum dahil sa mga kasalanan nito at gayon din ang ama ni Kendrick na siyang sumalo ng lahat. Hindi siya masaya sa nangyari pero kailangan niyang itama ang lahat. Bumuntonghininga siya at lumingon sa palubog na araw. Napangiti siya dahil sa napakaganda niyon. Kumalat ang kulay kahel na ulap habang sumasabay ang alon ng dagat na nagbibigay ng magandang tanawin.Nagpatuloy siya sa paglalakad pero agad siya nagulat nang bigla na lang may yumakap sa kaniyang tela."You should wear jacket, baka malamigan si baby." Napangiti siya nang makilala si
MABILIS na nilapitan ni Gael si Serum at ginawaran ito ng suntok. Natumba ang binata at dahil sa galit niya, pumaibabaw siya at ginawaran ito ng sunod sunod na suntok. Bawat tama ng kamao niya, bitbit niyon ang galit.Ngunit mabilis din niyang pinigilan ng mga naroon. Duguan ang labi ni Serum habang nakalupasay ito at hindi na halos makatayo. Binalingan niya si Hiro na namimilipit sa sakit."H-Hiro! Hiro, are you ok?" Nababahala niyang tanong.Mayamaya pa, dumating na rin ang mga pulis agad nilang inaresto si Serum. Nilapitan niya si Hiro. "I-I'm fine, Sir," sabi nito. Nagawa pa nitong ngumiti."I'm sorry, Serum," ani naman ng kaniyang ina."It's my duty to protect you and Sir Gael, Madam."Ilang saglit pa at may dumating na rin na medical team para kunin doon si Hiro at dalhin sa hospital."A-ano'ng nangyari?"Kapwa napalingon si Gael at Donna nang makita si Tali at Callum na bakas ang labis na pag-aalala sa mukha ng mag-ina. Lumapit si Tali at agad siyang niyakap."Ok lang po ba kay
"SIR, NAGHIHINTAY na ang mga board," ani Hiro habang hindi mapakali si Gael sa kinatatayuan niya. Kinakabahan siya at hindi niya mawari ang nararamdaman. Natatakot siyang matalo at mapunta kay Serum ang lahat ng dapat sa kaniya."Hiro, ano'ng gagawin natin? I-I know most of the boards are now in Serum's hand at wala na tayong magagawa roon," frustrated niyang sambit. "Kahit ano'ng panliligaw ang gawin natin sa kanila, hindi na sila papanig sa atin."Malungkot na yumuko si Hiro. "Sir, hindi pa tapos ang laban and we need to fight no matter what. Kailangan ninyong magtiwala sa kakayahan mo, sa mommy mo at sa mga board na nagtitiwala sa iyo.""Tama si Hiro, Gael at naniniwala akong hindi ang pera o suhol ang rason para iboto ka nila, kung 'di dahil sa kakayahan mo, sa talino mo sa paghawak ng kompanya at sa kaya mo pang gawin. We believe in you, kami ng anak mo at alam kong ganoon din sila sa iyo." Ngumiti si Tali na kakapasok lang silid, akay si Callum.Napangiti si Gael at mabilis na n
MASAYANG ngumiti si Tallulah habang pinagmamasdan niya ang pagkaing niluto niya para kay Gael. Balak niya iyong dalhin sa kompanya para makakain ito dahil nitong mga nakaraang araw ay masyado itong busy sa trabaho at dahil na rin sa nalalapit na board meeting kaya kailangan nitong maghanda para sa pwedeng ibato sa kaniya ni Serum.Matapos niyang ilagay sa lunch box ang pagkain, masaya siyang lumabas na ng bahay. Nasa school naman si Callum at dadaanan na lang niya ito mamaya pag-uwi niya. Nag-commute na lang siya dahil wala namang available na sasakyan sa bahay.Nang makarating siya sa kompanya, agad siyang nagbayad at bumaba sa taxi. Ngumiti siya at tiningnan muli ang dalang lunch bag. Siguradong magugustuhan iyon ni Gael dahil pinuno niya ng pagmamahal ang pagkaing inihanda niya para rito.Naglakad na siya papasok sa ground floo ng building. Ngumiti siya sa guard at ganoon din ito. Kilala na rin naman kasi siya sa kompanya bilang girlfriend ni Gael kaya hindi na rin nakakapagtaka na
"HIRO, how's the investigation?" tanong ni Gael habang nakaupo siya sa kaniyang opisina."We need more time to gather all the evidence we needed, Sir. Hindi pa matibay na evidence ang ilang email and texts mula sa ilang boards para idiin si Serum at ang ilang kasabwat nito," ani Hiro na nakatayo sa tapat niya.Pinatong niya ang siko sa table at marahang hinaplos ang labi niya. "I can't wait any longer, Hiro kailangan nating makahanap ng matibay na evidence para makulong si Serum at mapagbayaran niya lahat ng anomalyang ginagawa niya sa kompanya," galit niyang sabi."Don't worry, Sir gumagawa na tayo ng paraan para makakuha pa ng mas matibay na ebedensiya at hindi magtatagal magagamit natin 'yon para ipakulong si Serum."Bumuntonghininga siya. Hindi siya matatahimik hanggat alam niyang nandiyan pa sa kompanya si Serum. Alam niya ang gusto nitong gawin sa negosyo ng pamilya niya at alam niyang utay-utay na nitong kinakain ang kompanya para tuluyang mapasakaniya ang lahat ng pinaghirapan
"I-I'M sorry, Tali," simula ni Kendrick habang nakaupo ito sa sofa kung saan katapat nito siya. "Sorry for what?" nagtataka niyang tanong. Nagulat na lang siya nang sumulpot ito sa tapat ng bahay nila matapos ang ilang linggo na hindi ito nagparamdam sa kaniya. Si Callum naman ay hinayaan muna niyang maglaro sa labas."Sorry for everything that I've done, sa mga pagkakamali ko, sa mga kasalanan ko." Bumuntonghininga ito, saka nag-angat ng tingin sa kaniya. Mababakas ang lungkot sa mga mata nito. "Sa totoo lang, hindi ko alam kung paano tatanggapin ang nangyari sa ating dalawa. Nahirapan ako, nasaktan ako ng sobra dahil akala ko, ikaw na ang babaeng makakasama ko buong buhay ko." Umiling ito. "I-I don't know how to start again without you, without Callum sa buhay ko. Pakiramdam ko gumuho ang mundo ko, ang pangarap ko dahil kayo lang naman ang bumuo niyon and it's so hard for me to accept everything." Malungkot itong ngumiti.Hindi siya nakakibo. Kumurap siya at marahang yumuko dahil na