Iris's POVNapakusot ako sa aking munting mga mata. Tila walang katapusan ang pagpatak ng aking mga luha. Mga mata ko'y nananakit at namumugto na.Hindi ako makapaniwala. Ang taong gusto kong makasama ay wala na. Iniwan niya akong nag-iisa. Luhaan sa mga alaala. Siya ay umalis at hindi na babalik pa.Isang kwento na puno ng saya. Ngunit napalitan ng lungkot at pangungulila. Tunay nga siyang isang makata. Handang makipaglaban sa kahit anong gera.Kung ang pag-ibig ay sugatan? Siya ang aking makata. Handa niyang ibuwis ang kaniyang buhay mailigtas lang ang kaniyang Maria Clara.Ang pangalan niya ay Lucas hindi Ibarra. Pero kasing tapang siya ni Juanito Alfonso at Ibarra. Handa akong ipaglaban kahit sa huli niyang hininga. Napahinto ang mga paa ko nang makarating kami sa hukay niya. Malakas lamang ang bugso ng ulan sa paligid.Tila ang panahon ay nakikiisa at nakikiramay sa pagdadalamhati ng puso ko. Ang lamig ng simoy ng hangin parang yelong naninigas sa balat ko.Malaking tent ang nags
Read more