"Kumusta ka mommy?" "Ito, nahihirapan ako anak, namimiss ko ang daddy mo, namimiss ko ang pagsilbihan siya. Hindi ako sanay matulog na wala siya sa tabi ko. Kahit na minsan mainit ang ulo n'ya ay sanay na ako, dahil minahal ko siya kahit na gano'n siya... hindi naman niya pinaramdam sa akin na hindi niya ako mahal, palagi siyang nag-aalala kapag may sakit ako. Palagi niya akong inilalabas sa tuwing may free siyang oras. Hindi ko naramdaman na nagkaroon siya ng ibang babae, dahil ramdam ko naman na mahal niya ako. Hindi ko akalain na magkakaroon pa siya ng babae, sa kabila ng magandang pagsasama namin." Umiyak si Mommy, at maging ako'y naiyak na rin. Hinawakan ko siya sa kamay at pinisil-pisil iyon. "Mahal ko rin po si Dad, kaya naman hindi ko rin siya kayang tiisin," nagtatakang tumitig sa akin si Mommy. "Kasama ko po siya, mom." Nagulat ito at napalingon sa likod. Nakatayo si Dad sa bukana ng pinto. Sinenyasan ko siya, kaya lumapit si Dad at tumayo kami ni Mommy. Nang nasa harapan
Read more