"Mom, nawala ang cellphone ko. Gusto ko sanang kumustahin si Dad. I miss him, Mom. Pwede naman siguro siyang pumarito kasama natin, hindi po ba?"Nanlumo ang aking puso sa narinig mula kay Ferra. Napansin ko ang panunubig ng mga mata nito. Hindi ko kayang makita na malungkot ito habang kasama kami."Y—Yes, pwede naman," nauutal niyang sagot kay Ferra. Napasulyap siya kina Stacey at Eliza, nanghihingi ng tulong ang kanyang mga mata. Hindi niya napigilang yakapin ang anak. "Alright, uuwi na lamang tayo, okay?"Narinig niya ang pagsinghap nina Stacey at Eliza. "P—Pero...," ani Stacey."Hindi ko kayang makita na malungkot si Ferra," saad niya. Saka bumalong ang mga luha mula sa kanyang mga mata. Bahala na si Batman kung anoman ang naghihintay sa muling pagkikita nila ni Zeus."Are you sure?" pagkompirma ni Eliza sa kanya. "I am, Eliza. Kami lang tatlo. Maiiwan kayo rito. Haharapin ko ito nang mag-isa.""Kaya lang —""Basta iyon ang dapat mangyari," putol niya sa sasabihin pa sana ni Eliz
Last Updated : 2025-10-30 Read more