"Mabuti naman at naalala niyo pa ako," himutok niya sa dalawang sina Eliza at Stacey. Madalang na rin kasing pumapasyal ang dalawa sa kanya, palibhasay busy sa mga negosyo ang dalawa. "Nagtampo ang bruha," biro naman ni Eliza sa kanya. "Sino ba naman ang hindi magtatampo at tila parang nakalimutan niyo na ako," nakanguso niyang sagot. "Ikaw talaga, alam mo namang kapwa na tayo busy sa mga dapat nating pagka-busy-han, hindi ba?" nakangiting ani Stacey sa kanya. "Oo nga naman, isa pa, wala namang gaanong problema patungkol kay Tatiana, hindi ba?" singit ni Eliza. "Minsan na lang, na bad trip nga lang ako don sa mapagpanggap na madrasta ni Zeus," turan niya kina Eliza at Stacey. "Naku, iwas ka don at sigurado akong mapahamak ka sa bruhàng iyon." "Iyan nga rin ang naisip ko, kaya 'yon tinarayan ko na," aniya. Kahit paano ay hindi naman siya na-bored sa bahay dahil busy siya sa pag-aalaga kay Baby Zach, mas lalong naging makulay nang sa wakas ay naisipan na rin ng mga kaibigan ni
Last Updated : 2025-12-09 Read more