—Zeus— "Ano'ng balita?" "Pasensiya na sir pero wala parin akong mahanap na lead kung sino ang nagpakalat, but don't worry sir dahil naagapan agad namin ang pagkalat ng naturang video." "Good, huwag kayong titigil hangga't hindi niyo matukoy kung sinong may pakana no'ng video. Kailangang mabigyan ng matinding leksyon ang taong iyon," aniya kasabay ng pagkuyom ng kanyang kamao. Pagdakay pinàtày niya ang tawag. Nang mapasulyap siya sa couch kung nasaan si Ferra ay nakatulog na ito. Sumilay ang matamis na ngiti sa kanyang mga labi. Narinig niya ang katok mula sa pinto ng naturang office/library. "Yes, come in," utos niya. Bumukas ang pinto at pumasok ang isang kawaksi. "Sir, may bisita po kayo." "Bisita?" takang-tanong turan niya. "Sino raw?" Nang sagutin ng kawaksi ang kanyang tanong ay agad siyang tumayo mula sa kanyang swivel chair at tumayo. Lumabas siya ng sariling opisina saka tinungo ang salas. Naabutan niyang nagkausap na ang lima. Kasama sina Eliza, Stacey, Joshua, Yna
Last Updated : 2025-11-02 Read more