Kyoko POV “Ano na naman ang sadya mo sa akin? Hindi ka ba napapagod na sundan ako dito?” Bigla akong nakaramdam ng pagod. Simbilis ng ihip ng hangin na nagbago ang timpla ng mood sa kusina. “Wow, Fiona! Dumayo ka pa talaga dito para manggulo? Hindi ka na nga mahal ng kapatid ko pero pinagsisiksikan mo pa rin ang sarili mo sa kanya?” Kahit si Faustina sumali na rin sa paninita kay Fiona Nabalot ng tensyon ang kusina. Narinig ko ang ilang pagdating ng sasakyan sa garahe. Kita mula sa kinatatayuan ko ang pagbaba ni Terence sa kanyang pick up dahil mababa ng bintana at tanaw ang garahe mula dito, Bumukas ang pinto ng kusina. “May bisita pala tayo. Ikaw pala ang sinasabi ng tauhan ko na bisita ni Kyoko? Tuso ka rin, Fiona. Hanggang dito, ginugulo mo pa rin itong kapatid mo,” saway pa ni Terence kay Fiona “Kapatid? Hindi ko kapatid ang sakang na ito!” Dinuro ako ni Fiona at mabilis na humarang si Terence sa pagitan namin. “Manang, pakitawag si Kuy
Last Updated : 2025-08-27 Read more