All Chapters of Living With The Ruthless: Chapter 11 - Chapter 16
16 Chapters
Chapter 11
AndreaNakangisi kong pinanood si Naomi na tumigil sa paggalaw at tuluyang lumubog. "Suit you," asik ko at tumayo na. She deserve it naman. Dapat lang 'yon sa katulad niyang malandi. At saka, pabor lang naman 'yong ginawa ko sa kaniya. Sinubukan niyang magpakamatay 'di ba nga? Iyon nga lang ay hindi natuluyan kaya ngayon ay tinulungan ko na lang siya.Pumasok na ako sa loob at sa hagdan ay nakita ko si Quinn na pababa pa lang."You're here already? Papunta pa lang ako sa pool," aniya.Ngumiti naman ako at sinalubong s'ya. Pinulupot ko ang braso ko sa kaniyang baiwang. "Malamig na. Let's just go back to our room. Isa pa ay madumi ang tubig ng pool.""Madumi? Kapapalit lang ni Christian ng tubig no'n kanina."Pinapihit ko s'ya pabalik. "Can we just go back? Tinatamad na rin naman ako. I just want to cuddle with you instead." Niyuko naman niya ako habang ang mga mata'y parang nagsususpets'ya. Fine. Matalino s'ya. Alam kong malalaman niya ang ginawa ko anytime from now. Tsk. Bakit ba? S
Read more
Chapter 12
NaomiNeon blue light ang bumungad sa amin na k'warto na nirentahan ni Jacob dito sa Karaoke house. Malawak din ito at luwag na luwag kaming tatlo."Wow. Ang ganda rito. Bakit ngayon mo lang sinabi na mayroon palang lugar na ganito rito?" sabi ni Clarissa at agad inatupag ang song book. "Gusto niyo bang uminom?""Oo," sagot ko na ikinalingon ni Clarissa sa akin."Nag-iinom ka na ngayon, Nao? Wow. Goodnews iyan."Ngiti lang ang isinagot ko sa kaniya at umupo na sa pulang sofa."Bibili ako," presinta naman ni Jacob. "Magpapaluto na rin ako para sa lunch.""Sige. Sagot mo naman lahat e," ani Clarissa at pumindot na sa remote. Tumugtog ang isang kanta na paborito naming dalawa."Tara, Nao. Duet tayo!"Tumayo naman ako ulit at dinampot ang isang michrophone at kumanta nga kaming dalawa. Pareho kaming sintunadong dalawa kaya nagtawanan kami nang matapos dahil sa huling lyrics ibinirit namin kahit pumipiyok na."Hahaha!" malakas na tawa ni Clarissa sa michrophone. "Hindi ka pa rin nagbabago,
Read more
Chapter 13
Quinn"What's this?"Nag-iinstruct ako kay Boboy na siyang in-charge sa paggawa ng t-shirt para sa pangampanya nang lumapit sa akin si Mama.Iginalaw niya ang envelope na inaabot sa akin kaya naman napatingin ako roon. At sa paraan pa lang ng pagtingin niya sa akin ay alam ko na kung ano 'yon. Pero paano niya ito nakuha?"I went to your house yesterday and found this. Ipaliwanag mo nga," mataray na aniya.Kinuha ko naman ang envelope at tiningnan ang nasa loob. Hindi nga ako nagkamali. Marriage Contract namin ito ni Naomi."Kinasal ka na pala at hindi mo kami sinabihan ng Papa mo? Hindi mo manlang ako nirespeto bilang ina mo?Napabuntong-hininga ako. "I'm sorry.""At sino ba ang babaeng 'yon ha, Quinn? Napulot mo lang ba 'yon kung saan? Wala manlang yata 'yong magandang background?""Background is not important for me, Ma," sagot ko.Inikutan niya ng mata ang sinabi ko. "Nagkakamali ka do'n. Kung gusto mong maging makapangyarihan pa sa mata ng mga tao, kailangang maganda at mataas ang
Read more
Chapter 14
QuinnHours earlier . . ."Ipaghanda niyo sila ng meryenda, Yaya Armen." Nagsalin ako ng tubig sa baso at uminom."Sige po, Sir."Lumabas na uli ako ng kitchen."Aalis na ba kayo, Sir? Maghapunan po muna kayo.""Sa bahay na lang. Pakisabi na lang kay Papa na umalis na ako.""Sige po."Lumabas na ako ng mansion at pumasok sa kotse pero hindi ko muna iyon pinaandar. Kinuha ko ang nabasag kong cellphone at tinawagan ang number ni Andrea. Kung kanina ay nagri-ring ito, ngayon naman ay out of coverage na.Mabigat akong bumuntong hininga at basta na lang inilagay ang cellphone sa tabing upuan. Pinaandar ko na rin ang kotse at umalis na.Sa condo ako dumiretso. Naligo lang at lumabas na rin. Pupuntahan ko si Andrea sa penthouse. Hindi ko alam kung naroon siya o nasa mansion ng mga ito pero gusto ko pa ring magbakasakali.Pumasok na ako sa loob ng elevator at kunot noong tumingin lang sa espasyo.At nang marating ang pinakataas ay bumukas na ang elevator kaya lumabas na ako at tinungo ang pin
Read more
Chapter 15
NaomiGabi na nang matapos kami sa pagbabalot. Nakapag-dinner na rin kami at nakaalis na ang mga tumulong ay hindi pa bumababa si Congressman simula nang dumating kanina. Siguro ay nagpapahinga pa ito. Mukha kasing pagod na pagod ito kanina. At saka baka kumain na ito sa labas kasama si Andrea."Akyatin mo na ang asawa mo sa k'warto," sabi ni Manang Armen sa akin na katatapos lang maghugas ng mga plato."P'wede ho ba?" tanong ko."Oo naman dahil asawa mo siya," may pagtataka sa boses niyang sagot. Agad ko namang narealize ang sinabi ko. Dapat hindi ko 'yon itinanong."Ah oo naman po. Sige po Manang Armen," pagbawi ko naman. "Pahinga na rin po kayo. Ako na ang bahala rito." Ngumiti lang naman siya sa akin kaya lumabas na ako at umakyat sa taas. Nagdadalawang-isip pa ako kung kakatok o hindi. Baka natutulog siya at maistorbo ko at magalit pa sa akin.Naidikit ko ang tainga ko sa pinto nang may marinig na parang umuungol. Iyong ungol na parang nananaginip. Hindi na ako nagdalawang isip
Read more
Chapter 16
Naomi"Umalis ka na sa kaniya, Nao," sabi ni Jacob matapos naming mag-order ng pagkain. Nasabi ko na sa kaniya ang dahilan kung bakit napunta ako kay Congressman Quinn. Pero hindi ko sinabi ang mga kababuyang ginawa ng mga ito sa 'kin. Ang tanging sinabi ko lang ay hindi ganoon kaganda ang pagtrato ni sa akin ni Congressman.Malungkot akong ngumiti. "H-Hindi p'wede. Hindi papayag si Nanay.""Bakit ka ba ganiyan?"Napatingin ako sa kaniya dahil sa inis sa kaniyang boses. "Hanggang kailan mo gagawin 'yan?""Ang a-alin?"Nagsalubong ang kilay niya. "Iyan. Iyang kabaitan mo? Naaabuso ka na, Nao. At hindi lang nila, inaabuso mo na rin 'yang sarili mo. Bakit mo ba sila ginagawang mundo?"Nag-iwas ako ng tingin sa kaniya. "Mahal ko sila, Jacob.""Naroon na nga tayo sa mahal mo sila. Pero ikaw, inaalala manlang ba nila ang nararamdaman mo? Kahit hindi mo sabihin sa 'kin, alam kong may maling nangyayari. Hindi iyon kayang itago ng mga mata mo."Agad namasa ang mga mata ko pero pinigilan ko a
Read more
PREV
12
DMCA.com Protection Status