LOGIN"Inakit mo ako para sa pera. Ikaw rin ang dahilan kung bakit naghiwalay kami ng girlfriend ko. Ito ang tandaan mo, ni kakarampot na pagmamahal, wala akong mararamdaman para sa 'yo. Gusto mong lumaya? Tss! Magdusa ka muna at pagbayaran ang ginawa mo!"
View MoreNaomi"Umalis ka na sa kaniya, Nao," sabi ni Jacob matapos naming mag-order ng pagkain. Nasabi ko na sa kaniya ang dahilan kung bakit napunta ako kay Congressman Quinn. Pero hindi ko sinabi ang mga kababuyang ginawa ng mga ito sa 'kin. Ang tanging sinabi ko lang ay hindi ganoon kaganda ang pagtrato ni sa akin ni Congressman.Malungkot akong ngumiti. "H-Hindi p'wede. Hindi papayag si Nanay.""Bakit ka ba ganiyan?"Napatingin ako sa kaniya dahil sa inis sa kaniyang boses. "Hanggang kailan mo gagawin 'yan?""Ang a-alin?"Nagsalubong ang kilay niya. "Iyan. Iyang kabaitan mo? Naaabuso ka na, Nao. At hindi lang nila, inaabuso mo na rin 'yang sarili mo. Bakit mo ba sila ginagawang mundo?"Nag-iwas ako ng tingin sa kaniya. "Mahal ko sila, Jacob.""Naroon na nga tayo sa mahal mo sila. Pero ikaw, inaalala manlang ba nila ang nararamdaman mo? Kahit hindi mo sabihin sa 'kin, alam kong may maling nangyayari. Hindi iyon kayang itago ng mga mata mo."Agad namasa ang mga mata ko pero pinigilan ko a
NaomiGabi na nang matapos kami sa pagbabalot. Nakapag-dinner na rin kami at nakaalis na ang mga tumulong ay hindi pa bumababa si Congressman simula nang dumating kanina. Siguro ay nagpapahinga pa ito. Mukha kasing pagod na pagod ito kanina. At saka baka kumain na ito sa labas kasama si Andrea."Akyatin mo na ang asawa mo sa k'warto," sabi ni Manang Armen sa akin na katatapos lang maghugas ng mga plato."P'wede ho ba?" tanong ko."Oo naman dahil asawa mo siya," may pagtataka sa boses niyang sagot. Agad ko namang narealize ang sinabi ko. Dapat hindi ko 'yon itinanong."Ah oo naman po. Sige po Manang Armen," pagbawi ko naman. "Pahinga na rin po kayo. Ako na ang bahala rito." Ngumiti lang naman siya sa akin kaya lumabas na ako at umakyat sa taas. Nagdadalawang-isip pa ako kung kakatok o hindi. Baka natutulog siya at maistorbo ko at magalit pa sa akin.Naidikit ko ang tainga ko sa pinto nang may marinig na parang umuungol. Iyong ungol na parang nananaginip. Hindi na ako nagdalawang isip
QuinnHours earlier . . ."Ipaghanda niyo sila ng meryenda, Yaya Armen." Nagsalin ako ng tubig sa baso at uminom."Sige po, Sir."Lumabas na uli ako ng kitchen."Aalis na ba kayo, Sir? Maghapunan po muna kayo.""Sa bahay na lang. Pakisabi na lang kay Papa na umalis na ako.""Sige po."Lumabas na ako ng mansion at pumasok sa kotse pero hindi ko muna iyon pinaandar. Kinuha ko ang nabasag kong cellphone at tinawagan ang number ni Andrea. Kung kanina ay nagri-ring ito, ngayon naman ay out of coverage na.Mabigat akong bumuntong hininga at basta na lang inilagay ang cellphone sa tabing upuan. Pinaandar ko na rin ang kotse at umalis na.Sa condo ako dumiretso. Naligo lang at lumabas na rin. Pupuntahan ko si Andrea sa penthouse. Hindi ko alam kung naroon siya o nasa mansion ng mga ito pero gusto ko pa ring magbakasakali.Pumasok na ako sa loob ng elevator at kunot noong tumingin lang sa espasyo.At nang marating ang pinakataas ay bumukas na ang elevator kaya lumabas na ako at tinungo ang pin
Quinn"What's this?"Nag-iinstruct ako kay Boboy na siyang in-charge sa paggawa ng t-shirt para sa pangampanya nang lumapit sa akin si Mama.Iginalaw niya ang envelope na inaabot sa akin kaya naman napatingin ako roon. At sa paraan pa lang ng pagtingin niya sa akin ay alam ko na kung ano 'yon. Pero paano niya ito nakuha?"I went to your house yesterday and found this. Ipaliwanag mo nga," mataray na aniya.Kinuha ko naman ang envelope at tiningnan ang nasa loob. Hindi nga ako nagkamali. Marriage Contract namin ito ni Naomi."Kinasal ka na pala at hindi mo kami sinabihan ng Papa mo? Hindi mo manlang ako nirespeto bilang ina mo?Napabuntong-hininga ako. "I'm sorry.""At sino ba ang babaeng 'yon ha, Quinn? Napulot mo lang ba 'yon kung saan? Wala manlang yata 'yong magandang background?""Background is not important for me, Ma," sagot ko.Inikutan niya ng mata ang sinabi ko. "Nagkakamali ka do'n. Kung gusto mong maging makapangyarihan pa sa mata ng mga tao, kailangang maganda at mataas ang
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
reviews