Share

Chapter 12

Naomi

Neon blue light ang bumungad sa amin na k'warto na nirentahan ni Jacob dito sa Karaoke house. Malawak din ito at luwag na luwag kaming tatlo.

"Wow. Ang ganda rito. Bakit ngayon mo lang sinabi na mayroon palang lugar na ganito rito?" sabi ni Clarissa at agad inatupag ang song book. "Gusto niyo bang uminom?"

"Oo," sagot ko na ikinalingon ni Clarissa sa akin.

"Nag-iinom ka na ngayon, Nao? Wow. Goodnews iyan."

Ngiti lang ang isinagot ko sa kaniya at umupo na sa pulang sofa.

"Bibili ako," presinta naman ni Jacob. "Magpapaluto na rin ako para sa lunch."

"Sige. Sagot mo naman lahat e," ani Clarissa at pumindot na sa remote. Tumugtog ang isang kanta na paborito naming dalawa.

"Tara, Nao. Duet tayo!"

Tumayo naman ako ulit at dinampot ang isang michrophone at kumanta nga kaming dalawa. Pareho kaming sintunadong dalawa kaya nagtawanan kami nang matapos dahil sa huling lyrics ibinirit namin kahit pumipiyok na.

"Hahaha!" malakas na tawa ni Clarissa sa michrophone. "Hindi ka pa rin nagbabago,
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status