Lahat ng Kabanata ng The Sadist Billionaire: Kabanata 71 - Kabanata 80
84 Kabanata
Chapter 71
Sa magkatabing private room dinala sina Sydney at Kelly. Nakaupo ngayon si Ryker sa silya habang nakatingin sa kaniyang cellphone. Nagdadalawang isip siya kung tatawagan ba niya ang pamilya nito o hindi. Alam niyang kailangan niyang sabihin sa kanila ang nangyari sa dalaga pero natatakot siyang aminin sa kanila kung bakit ganito ang kalagayan ngayon ng anak nila. Kung malaman nilang dahil sa kaniya kaya may nanakit kay Kelly ay baka ilayo nila si Kelly at baka tumutol pa sa relasyon nila.At ang pagdadalang tao nito? Paano niya sasabihin iyon sa magulang nito. Ang alam nila ay nandito at nagtatrabaho ang dalaga sa kompanya niya pero ang katunayan ay hindi pala. Inaasawa na pala niya ang dalaga na lingid sa kaalaman nilang lahat. Lalo na at ang alam nila ay trabaho ang dahilan ng pagpunta ni Kelly dito.Humigpit ang hawak niya sa cellphone bago huminga ng napakalalim. Nagdisisyon siyang kontakin ang kapatid nito. Ipapaalam lang niya muna na narito si Kelly sa hospital at 'pag nandito n
Magbasa pa
Chapter 72
Groggy pa rin ang pakiramdam ni Kelly nang magmulat siya ng mata. Blangko ang tingin na naapatitig siya sa puting kesami at hindi pa nag-sink in sa kaniya kung nasaan siya. Ang naglalaro pa rin sa isipan niya ay ang nangyari sa kanilaa ni Sydney habang hinihintay na umuwi sina Ryker. Nagbibiruan pa sila noing nag-doorbell ang estrangherong laalaaking 'yun.Hindi sila nagkaroon ng suspetsa na baka masamang tao iyon at basta na lamang pinagbuksan. Pero dahil sa ginawa nito sa kaniyang paghila ng buhok niya ay nakita niya ito ng close-up. Hindi niya makakalimutan ang nunal nito sa may sentido dahil kahit nakasuot ito ng mask ay hindi naman 'nun matatakpan iyon.Ang takot niya kahapon na baka papatayin sila ng lalaki ay animo naka-engrave na sa kaniyang katawan. Kaya pagkaalala sa paghablot nito sa kaniya at iuntog siya sa pader ay nagsimula na namang mangatog ang kalamnan niya. Alertong inilibot din niya ang mata at baka na-kidnap na sila ni Sydney. Pero ang mga nakita niya ay mga kagami
Magbasa pa
Chapter 73
Kasalukuyang kinakain ni Kelly ang orange na binalatan pa ni Rhian para kainin niya nang bumukas ang pinto at pumasok si Ryker. Kanina kasi habang hinihintay niyang bumalik ito ay ang kapatid nitong si Rhian ang dumating. Nahihiya pa nga siya dahil inasikaso agad siya nito at tinanong kung ano mga kailangan niya. Kahit na tumanggi siya ay nagpumilit ito at gusto raw nitong bumawi sa pagsusungit nito sa kaniya minsan.Nagkuwentuhan din sila at nalaman niya na mas matanda ito ng isang taon sa kaniya. Pero huwag na raw niya itong tawagin na ate at kinikilabutan ito sapagkat kuya nito ang kasintahan niya. Nagiging palagay na rin kapagdaka ang loob niya dahil sa mga pagbibiro nito. Hindi niya ito pinigilan nang ipagbalat pa siya nito ng orange nang sabihin niyang gusto niyang kainin ang dinala nitong prutas."Saan ka ba pumunta at iniwan mo itong si Kelly mag-isa? Kung hindi lang mahigpit ang seguridad ng hospital ay baka nag-utos na naman ang bastardong 'yun na saktan ang kasintahan… mo—"
Magbasa pa
Chapter 74
Kanina pang paggising ni Kelly ay parang nasusuka siya at naiinis siya sa amoy ni Ryker. Kapag nasa malapit ito ng sickbed at tatama sa ilong niya ang natural na amoy nito ay naduduwal siya. Wala naman itong ibang amoy pero siguro ay sinusumpong siya ng morning sickness niya. Maamoy lang niya ito ay pakiramdam niya'y nandidiri na siya.Nang muling lumapit ito para punasan ang mukha niya ay tinabig niya ang kamay nito pagkatapos ay tinakpan ang bibig at ilong. Magkasalubong din ang kilay na tinignan niya ito. Nagulat ito sa naging kilos niya kaya napatitig ito sa kaniya. Dumaan ang sakit sa mata nito sa ginawa niya."Nagtatampo ka pa rin ba sa'kin?" usal nito. He helplessly sighed.Ang alam ba nito ay galit pa rin siya sa disisyon nila kahapon na uuwi siya ng Santa Rosa? Iba pala ang pagkakaintindi nito sa ginawa niya."A-Ang baho mo kasi," nahihiya at mauffled na saad niya. "H-Hindi ka ba naligo?"Sandali itong natigilan at tulala siyang tinitigan. Para siyang tangang nakatayo lang ro
Magbasa pa
Chapter 75
Maagang naasikaso ang discharge paper ni Kelly kaya wala pang alas dose ay nakalabas na siya ng hospital. Bago sila umuwi ay binisita muna nila si Sydney na maayos na ang pakiramdam maliban sa naka-cast na paa nito. Binisita din nila si Lolo Jones na ngayon ay nagkakaroon na ng kaunting response sa pamamagitan ng paggalaw ng daliri nito. Hindi sila nagtagal sa ICU na 'yun at agad nagyayang umuwi si Ryker. Kailangan daw niyang magpahinga kahit isang oras lang bago sila nito ihatid sa Santa Rosa.Hindi sa townhouse sila dinala ni Ryker kundi sa binanggit ni Sydney noon na binili ng binata. Mas malaki pa ang mansion na 'to kaysa sa dating mansion ng binata na regalo ng lolo nito. May isang fountain sa harap ng mansion at mga bulaklak sa paligid ng mansion.Nang huminto ang sinakyan nila sa mismong harap ng pinto ay nagulat siya nang makita si manang, si Gemma at si ate Anne. Subalit hindi siya nagmadaling bumaba kahit na miss na niya ang tatlo, lalo si Gemma na siyang naging kaibigan at
Magbasa pa
Chapter 76
Katatapos lamang nilang kumain ng hapunan at nasa may sala sila habang nagpapababa ng kanilang kinain. Nandito rin ang kaibigan niyang si Arthur na todo iwas sa kaniya dahil ginigisa talaga niya ito ng tingin. Kung hindi lang dahil kay Ryker na palaging nakahawak sa kamay niya ay kanina pa niya hinila ang kaibigan para piliting magkuwento ito.Nang makita niyang nagtago na naman si Arthur kay William ay naningkit ang kaniyang mata at aktong tatayo na pero ginagap ni Ryker ang palad niya. Akmang babawiin niya ang kamay pero humigpit ang pagkakahawak doon ni Ryker. Nang balingan niya ito ay ngumiti ito at bumulong."You're making your friend uncomfortable," he whispered."But it's his fault for hiding his relationship with my kuya," She wrinkled her nose as she blamed Arthur. Tinatawagan naman niya ito pero hindi nito binabanggit iyon. Balak talaga nitong itago ang tungkol doon. "Hmp!! Humanda siya dahil marami na akong chance para iprito siya sa kumukulong mantika. Kukurutin ko ang sin
Magbasa pa
Chapter 77
Mariing kinagat ni Kelly ang kaniyang labi para pigilan ang sariling umiyak nang makitang nasa himpapawid ang chopper ni Ryker. Maagang gumising ang binata dahil babalik na ito sa syudad. Ang plano sana nito ay hindi na siya gisingin pero pagbaba pa lang nito ng kama ay bumangon na siya at mahigpit na niyakap patalikod ang binata. At kahit na anong pilit nitong bitiwan niya ito para makapaghanda na ito ay umiling siya at sinubsob ang mukha sa likod nito. Halos mag-iisang oras na masuyong kinausap siya nito bago siya pumayag na bumitaw dito at hinayaan na maligo at makapalit ng damit.In fact, she's suppressing herself to stop him from going back. Gusto niyang makiusap na bukas na lang ito babalik o kaya ay sa susunod na araw pero alam niyang hindi puwede.Namumula ang matang nagyuko siya nang tuluyang lumiit na ang chopper at 'di na niya iyon matanaw. Kahit anong pilit na pigilan niya ang luha ay nalaglag pa rin iyon at napahikbi siya. Pinunasan niya ang mukha niya pero nabasa lang mul
Magbasa pa
Chapter 78
Tumaas ang sulok ng labi ni Ryker nang makita niya ang isang anino sa walang ilaw na parte ng parking lot ng hospital. Nasa loob siya ng kaniyang sasakyan na nakaparada sa parking lot sa likod hospital. Dito niya piniling maghintay. Ang sasakyan na gamit niya ay isang rental car. Kailangan niyang gumamit kasi ng ibang sasakyan dahil alam niyang makikilala agad siya kung ang sasakyan niya ang gamitin niya.Hindi sana siya dapat na payagan ng uncle niya na tumulong ngayong gabi subalit nagpumilit siya. Gusto niyang siya mismo ang makahuli kay Dino o kahit na sino sa binayaran ni Morello para patayin siya.Ang mga kasama niyang Police na naghihintay na mahuli nila si Morello o kahit si Dino ay nagtatago rin sa ibang sulok at parte ng hospital. Paano niya nalaman na ngayong gabi kikilos si Morello? Simple lang, pagkatapos ng board meeting nila kanina ay lumapit si Morello at binantaan siya. He said he will never let him get away from trampling his face and would not admit defeat. Sinabi p
Magbasa pa
Chapter 79
Hindi maipinta ang mukha ni Kelly habang nakatingin sa kaniyang cellphone. Tatlong araw nang hindi niya makontak si Ryker at hindi rin ito sumubok na tumawag sa kaniya. Sinubukan din niyang tawagan si Rhian at ang Tita Lana pero walang sumasagot sa dalawa. Ni hindi sila nagbalita sa kaniya kung ano na ang nangyari sa kaso ni Morello. Hindi niya alam kung nahuli na ba ang lalaki o hindi pa.Ang huling tawagan lang nila ay nung gabing inaantok na talaga siya. Sa una ay sinabi niya sa sariling baka abala ito. Pero nang lumipas na ang tatlong araw na wala itong paramdam ay nakaramdam na siya ng panibugho. Hindi lang 'yun, binabaha na rin siya ng pag-aalala para sa binata at kay Sydney. Paano kung may masamang nangyari na sa kanila? At kaya hindi sinasagot ni Ryker ang tawag niya ay dahil ayaw nitong malaman niya ang nangyari sa kanila.Kanina ay nagpumilit siyang lumuwas pero tinutulan at pinigilan siya ng magulang niya lalo na ang kuya niya na mas matindi pa ang reaksyon sa sinabi niya.
Magbasa pa
Chapter 80
"Birthday mo sa sabado, hindi ba?" tanong ni Arthur kay Kelly. Nasa likod ng bahay nila silang dalawa at nakaupo sa wicker chair na binili ng kaniyang ina. Malamig kasi dito sa bandang 'to lalo 'pag hapon na kaya dito sila tumambay na magkaibigan. Nakaka-relax din siya rito 'pag nilalanghap niya ang malinis na simoy ng hangin at dinadala pa 'nun ang bango ng mga bulaklak na tanim ng kaniyang ina. Nagpasadya pa siya sa kaniyang ama ng hammock dito at kapag inaantok siya ay dito siya matutulog maghapon. Kung hindi siya gigisingin ng magulang at kuya niya ay baka hindi pa siya magigising at papasok sa loob."Oo, ang sabi ni mama ay maliit na salu-salo silang ihahanda kaya kailangan ay dumalo ka," tugon niya. Sinabi na niya na huwag na silang mag-abala pang mag-celebrate pero iginiit iyon ng kaniyang magulang kaya hindi na siya komontra pa."Aba! Siyempre, dadalo ako!" bulalas nito kaya natawa siya. Ang boses kasi na ginamit nito ay animo isang teenager na excited na pupunta sa isang prom
Magbasa pa
PREV
1
...
456789
DMCA.com Protection Status