All Chapters of HIRAYA The Blind Lady: Chapter 11 - Chapter 20
71 Chapters
CHAPTER XI: STALKER
“Bakit parang latang-lata ka?” bungad na tanong ni Teacher Ann nang magkita sila sa simbahan kung saan gaganapin ang kasal nina Mikaela at Daniel. “Hindi ako masyadong nakatulog kagabi,” maikling tugon ni Haya. “Kakaisip ba 'yan kay Kuya Albert, nakokonsensya kana ano?” pang-aasar sa kanya ni Teacher Ann. “Hindi ah!” tangging saad ni Haya, “tara na nga sa taas para makapag-prepare na tayo,” patuloy pa niyang pahayag. “Oy defensive,” pang-aasar pa sa kanya. Ngunit hindi na iyon pinansin ni Haya na una na siyang umakyat sa itaas dahil alam niyang hindi siya titigilan ni Teacher Ann sa pang-aasar sa kanya. Naging abala sa pagpe-prepare sina Teacher Ann at Haya sa taas kung saan sila naka pwesto, kaya naman hindi nila namalayan ang pagdating ng mga bisita sa ibaba. Sa pagkakataon na iyon ay si Haya ang kakanta habang tumutugtog siya ng piano pagpapasok ang bride habang si Teacher Ann naman ang kakanta habang pumapasok ang mga abay at sponsor. Hindi nagtagal at nagbigay na ng hudy
Read more
CHAPTER XII: SPECIAL VISITORS
“Hello Sister Lucy, Sister Bea,” masayang bungad ni Lyza at Haya nang makarating sila sa Orphanage.“Magkasama pala kayo ni Haya buti naman at napasyal ka rin dito,” saad ni Sister Lucy.“Opo Sister,” maikling tugon ni Lyza.“Sakto dahil personal ka namin na maiimbita,” saad ni Sister Bea.“Para po saan?” tanong ni Lyza.“Hindi pa ba nabanggit sayo ni Haya? may gaganapin na thanksgiving party rito sa Orphanage sa susunod na Linggo darating yung mga matatagal na namin na Sponsor,” patuloy na pahayag ni Sister Lucy.“Sa susunod na po palang Linggo yun? Paglilinaw ni Haya.“Ou, diba matagal na namin na nabanggit sayo,” saad ni Sister Bea.“Opo, nalimutan ko po kasi Sister. Pero ok lang po, may 1week preparation pa naman po,” tugon ni Haya.“Salamat Haya, hindi ka nagsasawang tulungan kami ni Sister Bea sa paghahanda sa mga ganitong okasyon.”“Wala po yun Sister, kulang pa nga po iyan sa mga naitulong n’yo sa amin ni Mama,” saad naman ni Haya.Mabilis na lumipas ang araw, naging abala man
Read more
CHAPTER XIII: GETTING TO KNOW EACH OTHER
“Napakahusay wala talagang kupas,” saad ni Sister Bea nang ibalik ni Haya ang mike sa kanya. “Salamat po Sister,” magalang na tugon ni Haya. Saka siya nagtungo sa table nila Teacher Ann at Sir Bryan nang bumaba siya sa stage. Muling nagpasalamat si Sister Bea iyon na rin ang hudyat na tapos na ang kanilang program at ang natitirang oras ay para sa pagkain ng mga bisita, kumustahan, kwentuhan at paglalaro naman ng mga bata. “Ang husay naman, pang championship ang performance,” saad ni Sir Bryan sa kanya. “Salamat, pero mas mahusay ka pa rin ikaw kaya nagturo sa akin,” nakangiting pahayag ni Haya. “Parehas kayong mahusay, tagapalakpak n’yo nga lang ako,” saad ni Teacher Ann. “Lahat tayo mahusay dahil produkto tayo ng Music School,” pahayag ni Sir Bryan. Natigil ang kanilang pag-uusap nang lumapit sa kanila si Lyza, “Hello!" nakangiting bati niya. “Lyza, halika rito,” paanyaya ni Haya saka niya hinila ang isang upuan sa tabi niya. “Ang ganda ng boses mo Haya, napalakas mo ang he
Read more
CHAPTER XIV: THE LAST WILL
“Hello Miss Haya good morning,” masayang bati sa kanya ni Richard nang makarating siya sa opisina ng mga Sebastian. Iyon ang unang pagkakataon ni Haya na makapunta sa company ng mga Sebastian. “Good morning Richard, ang laki pala ng opisina ninyo,” pahayag ni Haya habang naglalakad sila patungong elevator. “Opo Miss Haya." “Ang dami rin ninyong empleyado." “Nagkataon na nandito silang lahat, pero madalas na sa mga site sila,” paliwanag ni Richard. “Ah ok, ang laki rin pala talaga ng minamange ni Galen,” mangha niyang pahayag. “Opo magkakahiwalay, may iba’t-ibang site po ang SCC (Sebastian Construction Corp.) sa magkakaibang lugar." Napatango siya sa mga sinabi ni Richard, “pasensya na sa mga tanong ko, medyo na curious lang kasi ako.” “Ok lang Miss Haya, part ka ng family Sebastian kaya may karapatan kang malaman.” Natigil ang kanilang pag-uusap ni Richard nang makasabay nila sa elevator sina Galen at Tricia. “Good morning Sir Galen,” bati ni Richard. Tumango lamang si Gal
Read more
CHAPTER XV: THE REVELATION
“Importanteng iniwan?” ulit na tanong ni Haya. Natuon ang atensyon ni Donya Ysabel at Don Samuel kay Galen na tumayo mula sa kinauupuan niya maging sina Richard at Tricia na seryosong nakikinig sa kanila ay nakatitig din kay Galen nag-aabang kung ano ang kanyang sasabihin. “Anung importanteng iniwan?” muling tanong ni Haya nang hindi agad sumagot si Galen sa kanyang tanong. “Diba isa sa pangarap mo ang makakita ang mga mata mo?” paalalang tanong ni Galen. “Ou,” matipid na tugon ni Haya. “Tinupad ni Gaius ang pangarap mo,” walang emosyon na saad ni Galen. PAGGUNITA SA MGA PLANO NI GAIUS: “Dr. Flores may iba pa bang option para sa karamdaman ko? tanong ni Gaius. “Ang ma operahan ka, pero sa ibang bansa yun pwedeng gawin,” may mga kakilala akong doctor sa ibang bansa na makatutulong sa kundisyon mo,” paliwanag ni Dr. Flores. “Sige payag ako doc, pero ok lang ba na ‘wag na lang muna natin sabihin kina mommy at daddy ang tungkol sa kundisyon ko ngaun lalung-lalo na kay Haya?” paki
Read more
CHAPTER XVI: KINDNESS OF GALEN
“Ok lang naman sa akin kahit hindi mo na ako ihatid Galen para hindi kana rin maabala,” muling saad ni Haya habang binabaybay nila ang daan pa labas sa building.“Huwag kana tumanggi. Ayaw mo bang pagsilbihan ka ng brother-in-law mo?” walang emosyon na pahayag ni Galen.Walang nagawa si Haya kundi ang sumunod kay Galen. Paglabas nila ng elevator sa mismong ground floor na sila lumabas kung saan naka park ang kulay black na Ford Everest.Habang nasa biyahe ay hindi maiwasan na mailang ni Haya na kung saan napansin naman iyon ni Galen.“Masanay ka na dahil hindi ito ang una at huli na makakasama mo ako o isa sa family Sebastian,” saad ni Galen.Naibaling ni Haya ang kanyang tingin kay Galen, “maraming salamat,” maikli niyang tugon hindi na niya kinontra pa ang sinabi sa kanya.“Gusto ko rin humihingi sayo ng paumahin kaya nag-volunteer akong ihatid ka,” pahayag ni Galen sa maamong tinig.Nang marinig iyon ni Haya ay tila may malamig na hangin ang humamplos sa kanyang puso, “paumanhin pa
Read more
CHAPTER XVII: NEW SUPERIOR
“Ano nga kaya ang sasabihin ni Don Bernardo?” tanong ni Haya habang naglalakad sila patungo sa meeting. “Mukhang mahalaga ang sasabihin sa atin,” tugon ni Teacher Ann. Pagpasok nila sa loob ay halos nandoon na rin ang iba nilang mga kasamahan, halos tahimik silang lahat habang hinihintay ang pagdating ni Don Bernardo. Ilang sandali nang pumasok si Don Bernardo kasunod niya ang isang babae na medyo may edad na ngunit bakas sa kanyang mukha ang likas na kagandahan at ang isang kasama niya ay isang lalaki na halos ka edad lamang ni Sir Bryan. “Good morning teachers!” bungad na bati sa amin ni Don Bernardo at bumati rin kami sa kanila ng sabay-sabay. “Maraming salamat sa inyong lahat dahil kahit na biglaan ang aking pagpapatawag ay nakapunta kayong lahat,” pagpapatuloy niyang saad. “Malugod kong ipinapakilala sa inyo ang aking anak si Cynthia Silvestre. Mula sa susunod na Linggo ay siya na ang mamahala rito sa ating eskuwelahan. Umaasa ako na tulad ng ating samahan ay ganun din kayo
Read more
CHAPTER XVIII: THE PAST
“Nakakapagod na maghapon,” saad ni Haya sa kanyang sarili pagpasok niya sa kanyang bahay at pabagsak niyang inihiga ang kanyang pagod na katawan sa mahabang sofa na nasa sala. Mariin kong ipinikit ang aking mga mata, habang ginugunita ang mga nangyari sa buong maghapon. “Walong taon ang lumipas Hiraya bago mo nalaman ang totoo na si Gaius ang naging daan para makita ang tunay na kulay ng mundo. Inihanda n’ya lahat para magkaroon ako ng magandang kinabukasan.” “Bakit mo ba kasi ako iniwan mahal ko (Gaius)? kung nandito ka hindi ako mag-iisa ng ganito, mas ok pang hindi ko makita ang mundo basta kasama kita. Sobrang buti mo. Sobrang buti ng pamilya mo sa akin kahit na walong taon na wala akong komunikasyon sa kanila pero patuloy pa rin nilang tinutupad yung bilin mo.” Halos hindi na namalayan ni Haya na nakatulog na s’ya mula sa kanyang paghiga sandali sa kanyang sala. Nagising na lamang siya sa alarm ng kanyang cellphone 6:00am na nang umaga at suot pa rin niya ang kanyang unifor
Read more
CHAPTER XIX: CARBON COPY
“Galen?” saad ni Haya habang sinisigurado na hindi multo ang nasa harapan niya. Hindi siya agad sumagot kay Haya, bagkus ay nanatili lamang nakatitig sa kanyang mukha. “Hipan ka sana ng masamang hangin,” madiin na saad ni Haya habang masuri niyang tinititigan ang lalaking nasa tabi niya. Napakurap si Galen saka hindi napigilan ang matawa sa reaksyon ni Haya, “anu ba kasing ginagawa mo? kanina ka pa nakapikit hindi mo man lang namalayan ang pagdating ko,” nangingiti pa niyang saad. “Kausap ko si Gaius.” “Sumagot ba s’ya sayo?” saad ni Galen na tila nang-aasar. Tinignan lamang siya ni Haya saka muling ibinalik ang atensyon sa kandilang malapit ng matunaw.“Alam mo malulungkot si Gaius kapag nakita ka n’yang nakasimangot,” pahayag ni Galen saka na upo sa tabi niya. “Alam mo rin ba na baka bumangon d’yan si Gaius kapag narinig ka n’ya na inaasar mo ako,” naiinis na saad ni Haya. “Sa pagkakaalam ko ibinilin kana n’ya sa akin, sabi n’ya “Galen ikaw na ang bahala sa mahal ko,”seryoson
Read more
CHAPTER XX: FAVOR
“Sir Galen, aba napasyal ka rito sa amin, kumusta kana?” bungad sa kanya ng care taker. “Mabuti naman po, kayo po kumusta na?” tugon ni Galen. “Ayos lang din, eto malakas pa ang tuhod,” nakangiting saad ng care taker. “Mabuting balita po ‘yan,” nakangiti rin na pahayag ni Galen. Pagkatapos nilang magkumustahan ay kinuha ni Galen ang pagkain na binili niya saka na sumunod kay Haya. “Kaya pala s’ya bumili ng pagkain may plano pala talagang mag-stay rito,” bulong ni Haya sa kanyang sarili habang papalapit sa kanya. “Ang famous mo naman pati kapitbahay ko kilala mo feeling close rin?” “Hindi naman, siguro talagang mabait lang ako kaya nila ako kilala,” mahangin na saad ni Galen. “Ang cute naman ng bahay mo Haya, wow! “Cute rin kasi yun nakatira,” sinabayan ni Haya ang pagiging mahangin ni Galen. “Agree ako dyan,” nakangiting saad ni Galen. Maliit ang kanyang bahay ngunit talaga naman hahangaan ng kahit sinong nakakapunta doon dahil sa malinis at naka-organize rin ang mga pagkaka
Read more
PREV
123456
...
8
DMCA.com Protection Status