Share

CHAPTER XI: STALKER

“Bakit parang latang-lata ka?” bungad na tanong ni Teacher Ann nang magkita sila sa simbahan kung saan gaganapin ang kasal nina Mikaela at Daniel.

“Hindi ako masyadong nakatulog kagabi,” maikling tugon ni Haya.

“Kakaisip ba 'yan kay Kuya Albert, nakokonsensya kana ano?” pang-aasar sa kanya ni Teacher Ann.

“Hindi ah!” tangging saad ni Haya, “tara na nga sa taas para makapag-prepare na tayo,” patuloy pa niyang pahayag.

“Oy defensive,” pang-aasar pa sa kanya.

Ngunit hindi na iyon pinansin ni Haya na una na siyang umakyat sa itaas dahil alam niyang hindi siya titigilan ni Teacher Ann sa pang-aasar sa kanya.

Naging abala sa pagpe-prepare sina Teacher Ann at Haya sa taas kung saan sila naka pwesto, kaya naman hindi nila namalayan ang pagdating ng mga bisita sa ibaba.

Sa pagkakataon na iyon ay si Haya ang kakanta habang tumutugtog siya ng piano pagpapasok ang bride habang si Teacher Ann naman ang kakanta habang pumapasok ang mga abay at sponsor.

Hindi nagtagal at nagbigay na ng hudy
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status