All Chapters of Midnight Lover: Chapter 71 - Chapter 80
96 Chapters
KABANATA 71
CRYSTAL'S POV"I can't believe you, Raphael," mahinang sambit niya.Binitiwan nito ang siko niya. Umigting ang panga nito at malamig na tumitig sa kanya."Ipa-DNA natin pagkapanganak mo," walang emosyong deklara nito na nagpabagsak sa mga luha niya.Nanlabo ang paningin niya dahil sa masaganang luha. Basta lang din siya nitong tinalikuran at iniwan sa kusina. Sumubsob siya sa mesa at humagulhol.Buong gabi siya roon at ang akala niya nga ay sa mesa siya nakatulog ngunit hindi, nalingat siyang nasa kama. Ramdam na rin niya ang init ng paligid senyales na mataas na ang sikat ng araw.Nanghihina siyang bumangon, sakto sa pagbukas ng pinto. Niluwa noon si Yaya Lilit na may dalang tray ng pagkain."Bago na 'to. Tanghali na. Ibababa ko na rin ang nilagay kong almusal diyan at sobrang lamig na," panimula nito.Wala sa loob na napalingon siya sa mesa. May tray ng almusal doon. Ginilid iyon ni Yaya Lilit upang mailagay ang panibagong dalang pagkain."Kumain ka at magpalakas. Kailangan mo iyan,
Read more
KABANATA 72
COURTNEY'S POVIlang beses niyang sinipat ang sarili sa salamin habang nasa loob ng banyo. Bagong ligo siya, gusto niya ay maganda at mabango siyang lalabas sa banyo lalo pa't may naghihintay sa kanya.Napangisi siya. Hindi siya makapaniwalang naisama niya ito sa condo niya. Akala niya ay mahihirapan siya ngunit hindi, mukhang plano din nito ang plano niya.Inalis niya ang tuwalyang nakabalot sa kanyang basang buhok at agad na pinasadahanan ng blower upang matuyo. Inayos niya rin ang robang suot. Nag-spray din siya ng mamahaling pabango sa buong katawan. Maging ang mga labi ay hindi niya kinalimutang lagyan ng pulang lipstick.Isang tingin pa sa salamin bago niya tinahak ang pinto palabas ng banyo. Agad siyang napangisi muli matapos itong makita sa sofa. Bagong paligo din ito. Mamasa-masa pa ang matigas nitong d*bdib at makintab na buhok. Hawak nito ang cellphone na agad tinaob sa sofa noong mapansin siya."I'm sorry, I used the common bathroom," malamig na imporma nito.Mabagal siyan
Read more
KABANATA 73
CRYSTAL'S POVSince that dinner, akam niyang hindi na kanya si Raphael. Hindi naman sa inaako ang lalaki pero asawa pa rin niya ito. Kaya lang, alam niyang... wala na itong interest sa kanya. Hindi na ito ang Raphael na nakilala niya.Labis siyang nasaktan sa pag-iwan nito sa kanya at piliing sumama kay Courtney. Pakiramdam niya tuloy napakalayo na ng asawa niya. Mas lalo pa siyang nagduda sa palagiang pag-alis nito ng bahay at pag-uwi ng disoras. Noong una ay pinapansin niya pero kalaunan ay nasanay na siya.Para siyang hangin sa bahay nito. Nag-aalala na nga sa kanila si Yaya Lilit pero sinabihan niya itong hayaan na lang si Raphael sa gusto nito. Kung wala itong oras para sa kanila ay ayos lang kahit na.... masakit."Hindi na ako natutuwa sa asawa mo. Para bang binata at nakalimutan yatang may asawa na. Magdadalawa na nga ang anak ninyo. Niyaya ka man lang ba niyang magpatingin sa doktor?" litanya ni Yaya Lilit.Nilingon niya ito at pilit na ngumiti. Pekeng ngiti lang ang kaya niya
Read more
KABANATA 74
"N-ay ang anak ko po," paulit - ulit niya iyong iyak kay Yaya Lilit noong makarating sila sa ospital.Mahigpit na yakap at h*god sa kanyang likod ang sagot nito. Maging ito ay kanina pa umiiyak. Katulad niya ay nanghihina rin ito sa nangyari kay Serenity."H-intayin natin ang sasabihin ng doktor, Hija," halos hindi pa nito mabigkas iyon.Tahimik siyang humagulhol habang naghihintay sa labas ng emergency room. Nanginginig ang mga kamay niya at halos ayaw tingnan ang mga iyon. May bahid pa kasi ng dugo mula sa pagkakabuhat niya sa anak. Ulo ang napuruan dito pero ayaw niyang mag-isip ng masama. Panalangin niya ay makaligtas ang anak niya."H-indi ko alam kung ano'ng oras darating ang asawa mo. Hinabilin ko sa driver na tawagin ito at ipaalam kung nasaan kayo—""Huwag na po tayong umasa sa kanya."Natahimik ang Ginang sa desisyon niya. Ayaw niya pang makita si Raphael. Kung hindi dahil dito ay wala sana sa ospital ngayon si Serenity.Kinuyom niya ang mga nanginginig na kamay ngunit agad
Read more
KABANATA 75
Kinurap niya ang mga nagbabadyang luha matapos marinig ang iilang katok sa kwarto kung nasaan sila. Nagkatinginan pa sila ni Yaya Lilit."Baka si Raphael na," maingat na sambit nito.Tumig*s ang puso niya sa narinig, maging ang mukha niya ay tumapang. Higit niyang kailangan ang lakas ngayon. Hindi pwedeng mahina siya lalo na sa harap ng taksil na lalaking nagpabilog sa ulo niya."Idiretso niyo po sa doktor at ipakuha niyo lahat ng dugo niya," malamig niyang utos.Kumibit balikat si Yaya Lilit ngunit agad din tumango. Siya naman ay sumandal sa sofa at humalukipkip. Pinag-iisipan niya kung isasampal niya ba kay Raphael ang mga ibidensya ng pambabae nito at pagpatol sa kapatid niya.Napataas ang kilay niya ngunit naging kunot noo noong muling pumasok si Yaya Lilit. Mukha itong hindi sigurado sa sasabihin."Hija, may bisita ka," mahinang sambit nito.Marahas siyang bumuntong hininga, "Ayoko po siyang makausap—""Ganyan ba kitang pinalaki, Crystal?!" galit na singhal ng ama niya na kapapas
Read more
KABANATA 76
"Kumalma ka nga, Crystal! Nagiging masama ang ugali mo!" galit na sigaw sa kanya ng kanyang Mama.Pumirmi ang mga labi niya. Wala na siyang pakialam kung maging masama siya sa mga mata nilang lahat, ang mahalaga lang sa kanya ay ang mailigtas ang anak niya."Sabihin niyo na lang kung nasaan sila. Ako na nga mismo ang pupunta roon—""You don't need to do that. I'm here."Mabilis siyang natigilan sa malamig na boses. Kumalabog ang puso niya. Agad niya ring nilingon ang nagsalita. Nanliit ang mga mata niya rito. Nakasandal ito sa hamba ng pinto."At sino ka namang damuho ka?" naguguluhang tanong ng Mama niya na siya ring tanong niya.Tinitigan niyang mabuti ang lalaki. Kasing katawan ito ni Raphael. Pamilyar din ang mukha nito at sa tingin niya ay minsan na niya itong nakita.Umangat ang gilid ng labi nito at umalis sa pagkakasandal sa hamba ng pinto."Don't look for Raphael, Missy. He won't come here," swabeng bigkas nito na tila ba wala sila sa problemadong sitwasyon.Nagtagis ang mga
Read more
KABANATA 77
RAPHAEL'S POV"I guess we're trapped on this island," nakangising panimula ni Courtney na lumapit sa kanya.Saglit niya itong sinulyapan bago muling binalikan ang hawak na cellphone. Kanina pa siya hindi makakuha ng signal. Kanina pa rin niya tinatawagan si Yaya Lilit."Come on, Raphael, napaka-aloof mo. May ibang mga businessman naman tayong kasama pero hindi tayo kilala, hindi mo kailangang lumayo sa akin at hindi mo kailangang magpanggap na hindi mo ko kilala," pamimilit nito na pilit pumunta sa harapan niya para magpapansin."I don't have time for this, Courtney. Tumawag ka ng driver at magpasundo na," mariin niyang utos.Umirap ito noong sulyapan niya kaya't napailing siya."For what? Nandiyan ka naman. As if namang may magbabawal sa ating dalawa dito—"Mabilis niyang hinaklit ang braso nito, "We're not supposed to be seen together, Courtney," madiing bulong niya."Too late. Kalat na sa balita na tayo ng dalawa. I bet, naglulupasay na sa iyak si Crystal."Nanliit ang mga mata niya
Read more
KABANATA 78
Tila umalingawngaw sa kanya ang sinabi ng guwardiya. Literal na dumilim ang tingin niya dahil sa narinig."Saang ospital siya dinala at bakit walang nagsabi sa akin?!"Kumuyom ang kamao niya. Umaakyat ang galit niya. Ni wala siyang alam na nag-aagaw buhay na pala ang anak niya."S-ir, hindi po kayo matawagan. Nahulog po sa hagdan si Serenity matapos nilang mapanood ang balita tungkol sa inyo ng kapatid ni Miss Crystal," kwento ng katulong."F*ck it! D*mn!" Mabilis niyang nasipa ang sofa dahil doon. Napasigaw ang katulong ngunit hindi siya lumingon. Nagtagis ang mga bagang niya at mabilis na lumabas muli ng bahay. Tuloy-tuloy siya sa sasakyan at agad iyong pinagana.Hindi niya alam kung saang ospital pero wala siyang ibang maisip kun'di ang pinakamalapit. Matalim din ang tingin niya sa daan. Dumiin ang hawak niya sa manibela. Umigting din ang panga niya, hahanapin niya kung sino man ang nagpakalat ng balita na iyon!Sandali siyang bumagal sa pagmamaneho matapos tumunog ang cellphone n
Read more
KABANATA 79
"You should stop looking for her."Malamig niyang nilingon si Martin bago tinaob sa mesa ang report ng imbestigador niya. Wala pa ring malinaw na lead kung saan man napadpad si Crystal."It's been a week. She might be dead by now—""Shut up, Martin. She's sane and not crazy. She might be hiding or someone is hiding her."Sumandal siya sa kanyang swivel chair. Ganoon ang naiisip niya ngayon. Imposibleng agad na makalayo si Crystal lalo pa't kinalat niya ang mga tauhan sa buong Manila.Sumimsim sa alak si Martin bago nagdekwatro sa sofa."Bakit mo pa ba hinahanap? She's not your wife—""I just registered our marriage, technically, she is my wife now," mariing sagot niya dito.Mahinang tumawa ang kaibigan niya na hindi makapaniwala sa ginawa niya."Why tied yourself to a dead woman? Nandiyan naman si Courtney, naghahanap ka pa ng iba," naging sarkastiko ang boses nito."She's not dead and I don't care about Courtney.""Really? Hindi ba't sinabi niyang in-process of dating kayo at um-oo k
Read more
KABANATA 80
CRYSTAL'S POV"Ihanda mo ang sarili mo dahil gaya ng sabi ko, maaaring may ibang kumplikasyon ang nangyari sa bata. Ipanalangin na lang natin na hindi malala," mabigat na paalala sa kanya ng doktor.Pilit siyang ngumiti rito at hinawakan sa kamay si Serenity. Hanggang ngayon ay tulog pa ito pero wala na sa I. C. U. Maayos na rin ang kalagayan nito at hinihintay na lang niyang magising."Thank you, Doc. Salamat din po at pinagbigyan niyo kaming lumipat."Muli itong bumuntong hininga, "Kung alam mo lang ay napakalaking gulo ng nangyari sa ospital. Hindi ko rin alam ang rason mo kung bakit mas pinili mong lumayo pero makatutulong naman sa paggaling ng anak mo, handa akong tumulong, Miss Crystal."Agad na nagtubig ang mga mata niya sa sinabi nito. Hindi niya ito kilala o ka-ano ano. Nakiusap lang siyang lumipat ng ospital. Ni hindi siya nagbigay abiso kay Yaya Lilit o kanino pa man. Ang gusto niya ay matahimik na ang buhay nila."Thank you pa rin po."Tumango ito. Isang sulyap pa kay Sere
Read more
PREV
1
...
5678910
DMCA.com Protection Status