Matapos manggaling sa unit ni Zandra ay bumalik na rin ako sa bahay. Sakto namang naroroon na rin si Dad, kaya hindi na ako nagdalawang-isip na kausapin siya.Nagbihis muna ako matapos mag-shower bago tumungo sa private office kung saan siya naroroon at abala sa pagtatrabaho. Hanggang dito'y trabaho pa rin talaga siya. Kahit si Mommy, kapag andito, ay walang inatupag kundi ang pagtatrabaho."Dad," kinuha ko ang attention niya bago ako tuluyang pumasok. Kaagad namang bumaling sa akin ang tingin niya."Mild, bakit hindi ka pa natutulog?""We need to talk, Dad." Napaayos ito ng upo at hinintay akong makaabot sa harapan niya."What is it?" he asked curiously."I... I don't want to marry Leon, Dad." Nagsalubong ang kilay niya dahil sa sinabi ko."We already talked about this, Mild. Nakausap na rin natin ang Dad ni Leon. Nagkasundo na tayo, hindi ba? Susuwayin mo na naman ba ako?"Umiling-iling naman ako at marahang ipinatong ang isang brown envelope at dalawang pregnancy test na nakalagay s
Magbasa pa