All Chapters of ETERNAL SERIES: MARRY ME, TRAVIS!: Chapter 21 - Chapter 30
53 Chapters
CHAPTER TWENTY
Ang sabi nila natuturuan daw ang puso na magmahal. Sinungaling sila. Ilang beses ko nang tinuruan ang sarili ko noon na kalimutan si Travis. Ilang beses ko na ring sinubukan na magmahal ng iba ngunit kahit na anong gawin ko, si Travis at si Travis pa rin ang tinitibok nito.Ang sabi ko masaya ako. Masaya ako dahil sa wakas ay ikakasal na siya. Masaya ako dahil nagpatuloy lang ang buhay niya kahit na wala ako sa tabi niya. I wonder kung naging tahimik nga ba ang buhay niya noon simula nung nawala ako. Baka nga nagpapasalamat pa iyon dahil kung hindi ako nawala sa path, niya baka nga naging disaster pa ang buhay niya nang dahil sa akin.Wala naman akong ibang hatid kung hindi puro kamalasan para sa kanya. Siguro nga tama ang sinasabi nila. Na sadyang malas lang talaga ako. Swerte nga ako sa pamilya, malas naman ako sa pagmamahal mula sa ibang tao. Sa mga taong mahal ko na hindi naman ako mahal.Nagpatuloy lang si Nathalie sa pagkukwento sa akin tungkol sa naging buhay ni Travis simula n
Read more
CHAPTER TWENTY-ONE
May parte sa akin ang natuwa dahil natitiyak kong hindi na ako mahihirapan lalo na't hindi naman pala siya interesado sa akin. Ibig lang sabihin no'n ay wala siyang pakialam. May parte rin naman sa akin ang nalungkot nang dahil sa narinig. Nalungkot nga ba ako nang dahil lang sa sinabi niyang wala siyang pakialam sa akin, o baka naman nalungkot lang ako nang dahil sa nasaksihan ko kanina?Maraming nagbago kay Travis. Medyo nagkaroon siya ng laman ngayon. Bahagyang tumangkad at naging matipuno ang katawan. Aaminin ko na medyo gumwapo nga siya ngayon at hindi ko ipagkakaila ang bagay na iyon. Tulad ng dati, naroroon na naman ang walang kwenta niyang emosyon. Lastly, ito pa lang ang kauna-unahang pagkakataon na nakita ko siyang ngumiti, hindi nga lang sa akin. Ngumiti siya sa girlfriend niya.Ang buong akala ko dati, magagawa ko siyang pangitiin noon. Sa bagay, sino nga bang matutuwa sa mga paghahabol ng ginawa ko sa kanya noon? Wala naman akong ibang ibinigay sa kanya kung hindi ang dis
Read more
CHAPTER TWENTY-TWO
Si Travis?Imposibleng magpunta sa ganitong klase ng lugar yung lalaking iyon kaya imposible yung bulto ng lalaking nakita ko kanina sa dulong bahagi ng service island. Travis.Ano nga bang gagawin niya sa ganitong klase ng lugar? Hindi ba't kill joy iyon? Nandito ba siya para guluhin ang night out naming tatlo ng mga kaibigan ko?"What the fuck?" singhal ko nang bigla na lamang may humatak sa braso ko palayo sa lugar na iyon. "Ano ba!" sigaw ko pa.Kunot noo kong nilingon si Travis na ngayon at tiim bagang na nag-iwas ng tingin sa akin. Gusto kong magulat dahil hindi ko inaasahan na magkakasalubong kami sa lugar na ito, pero nanaig sa akin ang galit nang dahil sa ginawa niyang paghatak sa braso ko.Pakiramdam ko ay ito pa lang ang kauna-unahang pagkakataon na hinawakan niya ako. Tama, hindi ba? Ito pa lang ang kauna-unahang pagkakataon na hinawakan niya ako. Dati rati ay para siyang babae kung makapandiri sa tuwing magkakadikit kaming dalawa. Nakakagulat lang talaga.Sandali lang. A
Read more
CHAPTER TWENTY-THREE
"Kung wala ka talagang pakialam sa akin, sana hinayaan mo na lang ako. Sana hinayaan mo na lang akong ipagtanggol ang sarili ko..."Wala akong ibang nagawa kung hindi ang ilubog ang namumula kong mukha sa mga pillow na nasa gilid ko. Nandito ako ngayon sa kama ko, abala sa paggulong habang inaalala ang sitwasyon namin ni Travis kanina. Fuck! Gusto kong tumili nang dahil sa pinaghalong inis at kahihiyan. Natatawa nga ako sa sarili ko sa tuwing maaalala kong umiyak na naman ako sa harapan niya! Naiinis ako sa sarili ko dahil bakit sa dinami-rami ng pwede kong sabihin, bakit iyon pa ang pumasok sa isip ko?Bakit iyon ang sinabi ko?Hindi ko na mabilang kung ilang beses nang umugong sa tenga ko ang katagang iyan ngayong umaga. Bakit pakiramdam ko ako pa ang hindi makatulog ngayon sa halip na siya?Tama iyan, Travis. Tamaan ka sana ng konsensya at humingi ka ng sorry sa akin. I fucking deserve your apology! Hindi ako bato tulad ng dati na animong walang nararamdaman kahit na ilang beses mo
Read more
CHAPTER TWENTY-FOUR
Why is he asking me? Of course, I'm fucking okay!May posibilidad nga ba na nag-aalala siya sa akin?Pakiramdam ko ay may mga paru-parong paulit-ulit na lumilipad sa sikmura ko nang marinig ko ang sinabi niya. Hindi ko alam pero tila ba kinikilig ako sa itinanong niya sa akin. God, Empress! Ano 'tong nararamdaman ko ngayon? Why is he asking me?"W-What do you mean?" nalilito kong tanong.Kunot noo siyang nag-iwas ng tingin kaya naman hindi ko naiwasang pagmasdan ang itsura niya. Kagabi ay hindi ko man lang nakita nang buo ang mukha niya nang dahil sa labis na iritasyon. Tila ba ngayon ko lang nakita ang mga galos na nasa mukha niya.Ang sabi ni Nathalie ay nakipagsuntukan daw si Travis kagabi sa dance floor. Imposible namang humatak lang siya ng kung sino sa loob at sinuntok niya nang walang dahilan, di ba? And besides, mukha namang wala siyang kilala sa bar kagabi. Kung may kaibigan nga siya roon o kung talagang may sinadya siyang puntahan doon, then I think hindi naman siya gagawa
Read more
CHAPTER TWENTY-FIVE
I used to like him, oh no, erase that thing...I used to love him dati, pero ngayon... sa lahat ng mga ginagawa niya sa akin ngayon at sa mga salitang naririnig ko sa kanya ngayon, hindi ko alam. Tila ba nagbago lang ang pananaw ko nang dahil sa mga salitang naririnig ko sa bibig niya tungkol sa akin.Makitid ang utak? Ganyan ba talaga ang tingin niya sa akin? Makitid ang utak?Oo, gusto ko siya noon at hindi ko maipagkakaila ang bagay na iyon. Mysterious type kasi siya at bihira lang siya kung makisalamuha sa ibang tao, which is my type. Hindi siya mahirap mahalin, sa totoo lang, lalo na kung mananahimik lang siya. Siya yung klase ng lalaking mananatiling walang kibo kahit na ilang beses mo na siyang pagtripan at ipahiya sa ibang tao. Ngayong nag-iba ang ugali niya, tila ba mas lalo lang nag-iba ang pagtingin ko sa kanya. Hindi ko alam na may pag-asa pa palang magbago ang nararamdaman mo sa isang tao kahit na baliw na baliw ka sa kanya noon.Tsk. Oo, baliw na baliw ako sa kanya at hi
Read more
CHAPTER TWENTY-SIX
Unang apak ko pa lang sa department ay ang makahulugang tingin agad ni Nathalie ang nakakuha sa atensyon ko. May larong umuukit sa labi niya nang dumako roon ang tingin ko kaya naman wala akong ibang nagawa kung hindi ang bumuntong hininga na lang bago ako nagtungo sa mesa ko."Good morning, Empress Faye—""Walang maganda sa araw ko, Nathalie," sagot ko sa kanya na natatawa niyang inilingan lalo na nang pabagsak kong inilagay sa mesa ang bag na dala ko. "Umalis ka kung ayaw mong masabon yang budhi mo.""Seryoso ka? Hindi ba talaga maganda ang araw mo o baka nasira lang dahil sa kanya?" tanong niya patungkol kay Travis na hindi ko sinagot. "At nasaan nga ba siya? Bakit hindi kayo magkasamang pumasok?"Agad na nakagat ni Nathalie ang dila niya nang pumasok si Travis. Tulad ng nakagawian niya na, madilim ang titig niya sa akin nang magkrus ang mata naming dalawa. Naroroon na naman ang galit na hindi ko alam kung saan nga ba nanggagaling. May ginawa na naman ba akong labag sa kagustuhan n
Read more
CHAPTER TWENTY-SEVEN
Minsan ay hindi ko mapigilang kwestyunin ang sarili ko. Sa lahat ng taong pwede kong magustuhan, bakit siya pa ang nagustuhan ko? Bakit siya pa ang minahal ko?Arogante. Mayabang. Bastos. Makitid kung mag-isip. Lahat halos ng mga ugaling ayaw ko sa lalaki ay nasa kanya na. Oo, misteryoso siya. Matalino. Gwapo siya pero maliban sa mga ugaling nabanggit ko, wala ng iba pa. Minsan ay hindi ko mapigilan ang sarili kong kwestyunin sa kung bakit ko nga ba siya nagustuhan? Bakit sa dinami-rami ng mga lalaking umaaligid sa akin noon, sa kanya ako nagkaroon ng interes?"Bakit, Travis?" bulong ko sa sarili ko bago ako umiling na tila ba dismayado sa inakto niya kanina sa harap naming dalawa ni Lucas. "Ano bang mayroon sa akin at bakit ganito mo na lang ako kung patunguhan?"Pagkatapos naming mag-lunch ni Lucas ay hinatid niya na ako sa lobby ng company namin. Minsan ay nag-uusap kami pero mas madalas pa yung oras na hindi siya kumikibo. Tulad ko ay tila ba malalim din ang iniisip niya. Ayaw ko
Read more
CHAPTER TWENTY-EIGHT
Nawala lahat ng pagpapantasyang nasa isip ko nang makita ko kung paanong nangunot ang noo niya. Hindi ko namalayan na unti-unti na pa lang sumilay ang ngiting nasa labi ko pagkatapos kong .arinig ang sinabi niya kanina."Why are you smiling?" kunot noo niyang tanong.Wala akong ibang nagawa kung hindi ang mapaglarong ngumiti sa kanya na mas lalo lamang nitong ikinakunot ng noo."Naaalala ko si Lucas sa 'yo," saad ko.Kitang kita ko kung paanong nagdilim ang mga mata niya pagkatapos kong banggitin ang pangalan ni Lucas sa harap niya. Wala tuloy akong nagawa kung hindi ang mas lalo lang matawa habang nakatitig sa reaksyon niya."I wonder kung ano na nga bang ginagawa namin ngayon kung sumama lang ako sa kanya—""Bakit hindi ka sumama kung ganoon?" inis niyang tanong dahilan upang mas lalo lang maglaro ang ngiting nakaukit sa labi ko.Wala naman akong ibang intensyon nang binanggit ko ang pangalan ni Lucas. Oo, naalala ko si Lucas sa sinabi niya kanina dahil madalas akong biruin ni Lucas
Read more
CHAPTER TWENTY-NINE
Mula sa pwesto ko, amoy na amoy ko ang mint mula sa chewing gum na nginunguya niya. Medyo madilim sa departamento. Nakapatay na halos lahat ng ilaw at ang computer lang na nasa harap namin ang kaisa-isang bagay na nagbibigay liwanag sa mesa namin. Dahil nga sa paminsan-minsan akong nawawala sa katinuan nang dahil sa presensya niya, minsan ay siya na halos ang gumagawa sa trabaho ko. Alas kwatro na ng madaling araw ngunit sa halip na umuwi, nandito siya sa gilid ko. Minsan nga ay nahihiya na ako dahil mukhang nahihirapan na siya sa pwesto niya. Sa halip kasi na ako ang magtrabaho, siya ang naririto. Siya ang nagpapatuloy sa trabahong ako dapat ang tumatapos."Kumportable ka ba sa posisyong iyan?" tanong ko sa kanya nang hindi na ako nakapagpigil pa. "I mean, hindi ka ba... nangangawit.""Nangangawit, but I'm okay," sagot ni Travis habang nananatili pa ring nakatutok sa computer screen.Paminsan-minsang sumasagi ang braso niya sa braso ko. Minsan ay tumatagal pa iyon doon kaya naman hi
Read more
PREV
123456
DMCA.com Protection Status