Lahat ng Kabanata ng Billionaire's Unexpected Heir: Kabanata 41 - Kabanata 50
70 Kabanata
Chapter 41 SAME WOMAN
NANG MAKARATING sa Pilipinas ay ipinahatid si Khaira ni Peter sa mansion. Habang ang asawa ay agad na tumuloy sa hospital. Gusto niya sanang samahan ito pero sinabi na kailangan niya magpahinga lalo pa't mahaba ang binyahe nila. Kaya wala siyang nagawa kundi sumunod dito. Kanina pa siya nakahiga pero hindi niya naman magawang matulog. Kahit sa eroplano ay hindi rin siya nakatulog. Pinapakiramdaman niya lang ang asawa na balisa at sobra ang pag-aalala. Gustong-gusto niyang itanong kung sino ba si Zena. Pero naduduwag siya. Kung gusto nito ipaalam, hindi ba dapat sa asawa manggaling. O, baka stress lang ito kaya hindi na nagawang sabihin sa kanya.Nagdesisyon siyang bumangon at isandal ang katawan sa headboard ng kama. Narito siya ngayon sa silid ni Peter. Wala pa rin pinagbago 'yon at napangiti siya nang makita sa mismong harapan ng kama sa dingding ang kanilang wedding picture frame. Narito pa rin pala ito. Gusto niyang tawagan ang anak kaya lang baka magtaka ang mga ito o malaman n
Magbasa pa
Chapter 42 TEASED HIM
HALOS TATLONG ORAS pa bago nakita ni Khaira ang paglabas ng asawa sa operating room. Halata ang pagod dito habang nag-aalis ng surgical mask. Nang magtama ang kanilang mga mata ay mabilis siyang tumayo at sinalubong ito. Nakasunod din sina Kholeen at Arsen. "What are you doing here?" malakas na pagalit ang boses nito na ikinagulat niya. Nahinto siya at napatulala na lang sa asawa na bakas ang iritasyon sa mukha.Mukhang napansin nito ang inasal bigla na lang lumambot ang mukha ng asawa saka hinawakan ang kanyang mga kamay. "I'm sorry, I didn't mean to shout at you. I was worried. Ang haba ng biyahe natin at hindi ka man natulog baka may mangyari naman masama sayo." Dahil sa sinabi nito ay medyo nawala ang sakit na naramdaman niya kanina. Tipid siyang ngumiti."I'm fine. Hindi ako makatulog, nag-aalala rin naman ako sayo," aniya rito. Huminga si Peter nang malalim saka bumaling sa mag-asawa. Na para bang nagtatanong kung ano ang ginagawa ng mga ito rito."We heard about Zena accident
Magbasa pa
Chapter 43 PAIN
NAALIMPUNGATAN si Khaira nang maramdaman ang masuyong paghaplos sa kanyang pisngi. Gusto niya pa sanang namnamin 'yon pero nang maisip na ang asawa ito ay mabilis niyang iminulat ang mga mata. Sumalubong sa kanya ang matiim na pagkakatigtig ni Peter. Babangon sana siya nang pigilan siya nito. Umayos ito ng higa sa kanyang tabi. Inilagay ang ulo niya sa braso nito dahilan para maging unan niya 'yon. Hindi na naman siya nag-inarte pa at tumagilid ng higa saka yumakap sa asawa. Nakaramdam siya ng kaginhawaan nang maamoy ang pamilyar na amoy ng asawa. Tunay nga na nasa tabi na niya ang asawa. Naramdaman niya ang masuyong paghaplos nito sa kanyang buhok. Walang salitang lumabas sa kanilang dalawa. Para bang sapat na ang kanilang mga puso na lihim na nag-uusap. Ngunit makalipas ang ilang sandali ay binasag nito ang katahimikan."I'm sorry," wika ni Peter. Bakas ang sinseridad sa boses ng asawa. Pero nagtataka siya kung para saan ang paghingi nito ng tawad. "I'm sorry for cutting our vacati
Magbasa pa
Chapter 44 PICTURE
MABILIS NA umatras si Khaira kasabay nang pag-agos ng kanyang mga luha. Malinaw na malinaw niyang narinig ang mga sinabi ng asawa. Mga salitang ninais niyang marinig mula rito. Pero heto, naririnig niya…hindi nga lang para sa kanya.Nanlalabo ang mga mata niyang tinahak ang mahabang pasilyo. Nang makita niya ang isang signage na nagtuturo sa banyo ay mabilis niyang hinakbang ang mga paa ro'n.Inilapag niya ang dalang paper bag kung saan nakalagay ang inihanda niyang almusal ng asawa. Saka, siya pumasok sa isang cubicle. Nanghihina siyang sumandal sa nakasarang pinto. Naitapik niya ang mga palad sa kanyang bibig upang hindi umalpas ang sakit na kanyang nararamdaman. Pero kahit ano ang gawin niyang pagtakip ay kusang kumawala ang kanyang paghikbi na nauwi sa paghagulhol. Pinipilit niya pa rin na kontrolin at baka may makarinig sa kanya.Hindi niya alam kung ilang minuto na siyang umiiyak. Kung hindi pa tumunog ang kanyang cellphone ay hindi pa siya matatauhan. Kinuha niya ang cellphone
Magbasa pa
Chapter 45 OBSESSED
MALAKAS NA TUMIKHIM si Khaira dahilan para maghiwalay ang dalawa at sabay pang lumingon sa kanya. Mabilis na tumayo si Peter saka siya nilapitan. "Qīzi," tawag nito sa kanya. Hinalikan siya nito sa pisngi pero bago pa tuluyan makalayo ang asawa ay hinawakan niya ang pisngi nito saka hinalikan sa mga labi. Ang kanyang mga mata ay nakatingin kay Zena kaya hindi nakaligtas sa kanya ang pagtalim ng tingin nito sa kanya. "Sorry, namiss lang kita," saad niya nang tapusin niya ang kanilang halikan dahil naramdaman niya na nadadala na ang asawa nang yumakap na ito sa kanya. "Nakakahiya kay Doktora," dugtong niya pa dahilan para mabalik sa sarili ang asawa. "Ah, yeah. Humanda ka talaga sa 'kin mamaya," bulong nito saka siya iginiya palapit kay Zena na ngayon ay may ngiti na sa mga labi. Napataas ang kilay niya. Nakakaamoy siya ng malansang isda. "By the way, Zena meet my lovely wife, Khaira," bumaling ang asawa sa kanya, "meet Zena, Qīzi." Inilahad niya ang kamay rito. "It's nice to meet yo
Magbasa pa
Chapter 46 ANSWERED
PINALAGPAS ni Khaira ang araw na 'yon. Nakipaglaro na lang siya sa anak. Tutal ay malaki naman ang mansion ng mga Quazon ay nagawa nilang palipasin ang buong araw. May ngiti sa kanyang mga labi habang pinagmamasdan ang anak na mahimbing ng natutulog. Hindi niya inaasahan na may sarili na ngang silid ang anak dito sa mansion. At puno na iyon ng mga laruan kaya hindi niya alam kung ano pa ang bibilhin ng mga ito sa mall kung sakali magpunta sila. Napatingin siya sa kanyang cellphone nang tumunog 'yon. Bahagya siyang gumalaw upang maabot ito na nasa bedside table. Peter is calling. Huminga muna siya nang malalim at isinandal ang likod sa headboard bago niya sinagot."Hello.""Qīzi, how are you? Si Nyra, gising pa ba?" Bakas ang pagod sa boses ng asawa. Tiningnan niya ang anak. "He's already sleeping.""I'm sorry. I will make it up tomorrow.""Hindi ka uuwi?" Bigla niyang tanong. Natahimik ang kabilang linya pero naririnig niya ang paghinga nito. Kaya alam niya na nasa kabilang linya pa
Magbasa pa
Chapter 47 RUNNING
Chapter 47"MOMMY!" Nabalik sa sarili si Khaira nang marinig ang boses ng anak. Nasa tabi na niya ito at may pagtatakang nakatingin sa kanya. "Are you alright, Mommy?""Ye-yeah. Are you done?" balik-tanong niya sa anak."Yes, Mommy. Let's go. I'm so excited to see Daddy." Natigilan siya sa sinabi ng anak. Ito ang isa sa kinatatakutan niya na mangyari. Ang umasa ang anak. Pinilit niya pasiglahin ang sarili pero hindi pa rin mawala sa isip niya ang mga sinabi ni Zena. She and Peter love each other. Hindi na niya alam kung ano ang paniniwalaan. Naguguluhan na rin siya. At mas malala ni hindi man talaga inisip ni Peter ang pinangako nito."Mom, let's go," untag muli ng anak sa kanya. Nginitian niya ito saka nagpatianod sa anak palabas ng silid nito.Naabutan nila si Amah na nakaupo na habang nagbabasa ng dyaryo. Lumapit ang anak dito, bumati at humalik. "Goodmorning Amah.""Goodmorning, Apo.""Wala pa po si Daddy?" tanong ng anak niya kaya naman napatingin sa gawi niya si Amah. Tipid siy
Magbasa pa
Chapter 48 KISSED
HANGGANG UMABOT ng hapon ay walang mensahe na natanggap si Khaira mula sa asawa. Ni walang pasabi kung matutuloy ang lakad nila o hindi. Nagpadala rin siya ng mensahe rito para ipaalam na uuwi sila bukas ng Zambales pero wala siyang nakuha reply. Gusto niya mag-alala pero sa tuwing sumasagi sa kanyang isipan ang sinabi ni Zena, nauudlot ang balak niya. Mas lalo pa nadagdagan ang pagdududa niya sa sinabi ni Manang Rosy. Paano nga kung ito talaga ang mahal ni Peter? Paano kung lahat nang sinabi ni Zena ay totoo. She can't afford to lose her son. Ipaglalaban niya hanggang kamatayan ang anak. Huminga siya nang malalim saka sinimulan ayusin ang kanyang mga gamit. Konti lang naman ang dala niya. Ang anak naman ay wala rin naman dala dahil halos bagong bili ang mga ginamit nito.Habang nag-aayos siya ay narinig niya ang tila humahangos na mga yabag patungo sa kanya. Hinayaan niya kasi nakabukas ang pinto ng silid nilang mag-asawa. "Senyorita! Senyorita!" sigaw ni Ate Nida at nang makapas
Magbasa pa
Chapter 49 FINDING THE TRUE
MUNTIK na mabitawan ni Khaira ang cellphone nang makita ang ipinadala ng asawa na mensahe—no it was a video. Inulit niya muling i-play ang nasabing video. Maikli lamang 'yon pero kitang-kita kung paano naghalikan sina Zena at Peter. Dahan-dahan niya naibaba ang kanyang cellphone saka isinandal ang likod sa swivel chair. Narito siya ngayon sa kanyang opisina at pinili na lang niya na magtrabaho kaysa isipin pa ang asawa na hindi talaga siya kinontak. Tapos heto ang isasalubong sa umaga na ito? Ano gusto palabasin ng asawa niya? O, isa lamang ito palabas ni Zena? Ano nga ba ang totoo? Naipikit na lang niya ang kanyang mga mata. Gustong-gusto niyang puntahan si Peter at itanong kung ano plano nito? Pero natatakot siya na baka ipamukha nito na tama ang lahat ng sinabi ni Zena. At baka mas bilisan nito ang pagkuha sa anak nila. Alam niya na kayang-kaya gawin ng asawa ang bagay na 'yon pero siguro ay umiiwas ito sa malaking eskandalo kung sakaling umabot pa sila sa korte. Kaya ba kinukuha
Magbasa pa
Chapter 50 ACCUSATION
"WHAT THE HECK!" malakas na sigaw ni Peter ang umalingawngaw sa buong silid na 'yon. Naalimpungatan siya sa malakas na sigaw rin. Pero gano'n na lang ang gulat niya nang makita ang sarili na tanging boxer short lang ang suot at nang ilibot niya ang tingin ay nakita niya sina Zena at…Arsen? 'Ano'ng ginagawa niya rito?'"Why are you here, Arsen?" tanong niya rito bago sinapo ang ulo. Bakit parang nahihilo siya? Hindi naman siya uminom. Ano ba ang nangyari? Dahan-dahan niyang isinandal ang sarili sa headboard ng kama at pinilit na silipin ang dalawa. Nakatayo si Zena sa paanan ng kama habang nasa likuran nito si Arsen. Napakunot ang noo niya sa itsura ni Zena. Bakit nakasuot ito ng daring na damit? Halos kita na ang kaluluwa nito. Bigla siyang natigilan at masamang tiningnan si Arsen. "Arsen, what did you do to Zena?" madiin niyang tanong. Bumakas ang gulat sa mukha nito at tila nalito. Biglang nalipat ang tingin niya kay Zena nang bigla itong humagulhol. Hindi pa ito pwede ma-stress at
Magbasa pa
PREV
1234567
DMCA.com Protection Status