Lahat ng Kabanata ng LOVE SERIES#1 [LOVE AND LIES]: Kabanata 21 - Kabanata 30
92 Kabanata
21. Pagtakas
[Kiara]"CHEERS!" Magkapanabay na sigaw nilang magkakaibigan. Narito sila ngayon sa isang bar para magcelebrate. Magandang balita kasi ang natanggap niya kaninang umaga, may bago siyang supplier para sa negosyo niya."Ano kaya ang magiging reaksyon ng magiging biyenan mo kapag nalaman na hindi niya natibag ang business mo?" Sumimsim ng alak si Dina at muling nagsalita. "Baka nagwawala na 'yon ngayon." "Kung ako sa'yo, Kiara, magpa-practice na ako ngayon para inisin 'yang hilaw mong biyenan. Sabi nga nila, kung galit ang isang tao sayo ay mas lalo mong inisin!" Ani naman ni Klea."Girls, mabait si tita Graciela, believe me. Nagbago lang siya ng mawala si Tito George. Lahat naman ng tao nagbabago di'ba? May pinagdaanan lang siguro 'yong tao." Pagtatanggol ni Bea sa matalik na kaibigan ng ina nito."Enough, girls. Narito tayo para magcelebrate, right?" Itinaas niya ang hawak na basong may laman na alak. "Samahan niyo ako mag inom ngayong araw, baka nakakalimutan niyo na nagcecelebrate
Magbasa pa
22. Olivia
NILAKUMOS ni Tanya ang papel na iniwan ni Walter ng tumakas 'to."I can't wait see to my beautiful sister" Iyon ang nakasulat sa papel."Baliw talaga ang hayop! Hindi nag iisip!" Galit na sigaw niya. Paano na ang plano niya ngayon? Si Walter at Kiara ang gusto niyang gamitin pero mukhang mabubulilyaso pa dahil sa kabaliwan ni Walter. Napangiti si Tanya ng may idea na pumasok sa isip niya. Ano ba ang kinakagalit niya kung maaari naman niyang sundan si Walter at tulungan sa plano nito? 'Pakawalan niyo siya! Maawa kayo!'Tinakpan ni Tanya ang tenga niya ng marinig ang paulit-ulit na sigaw sa utak niya. 'Maawa kayo, wag po!' "Ahhh! Tumigil kayo!" Malakas na sigaw ni Tanya na tila nababaliw. Malakas na hinagis ng forty-four years old na babae ang anumang mahawakan. Oo, matanda na siya pero hindi iyon halata dahil sa taglay niyang ganda. Ilang beses na rin siyang nagparetoke at nagpapalit-palit ng mukha.Luhaan na lumuhod siya. "Hayop ka! Magbabayad ka sa ginawa mo! Sinusumpa ko magbaba
Magbasa pa
23. Kiss
[Kiara]"Mi, mabait po ba si Lola? Love niya po kaya ako katulad ni Daddy?" Magkasunod na tanong ni Kian sa kanya.Natigilan siya sa tanong ng anak. Ngayon araw ay susunduin sila ni Grant para pormal na ipakilala ang anak niya sa ina nitong si Graciela. Gusto ni Grant na makilala ng Mama nito ang anak niya dahil para sa binata ay tunay na anak na nito ang anak niyang si Kian. Masaya siya sa pagmamahal na binibigay ni Grant sa anak niya. Pero hindi niya masisiguro kung pagtanggap ba ang gagawin ng ina nito.Nagpakawala siya ng isang malalim na buntonghininga bago lumuhod sa harapan ng anak niya. "Wag kang mag alala, baby. Sigurado ako na magugustuhan ka niya dahil isa kang mabait na bata. Saka ang cute-cute mo kaya mas lalo ka niyang magugustuhan." Sabi niya pa at saka pinisil-pisil pa ang matambok na pisngi nito.Sabay silang napangiti ni Kian ng marinig ang isang malakas na busina na alam nilang sasakyan ni Grant."Si Daddy!" Masayang sambit ni Kian at saka tumakbo papalabas para s
Magbasa pa
24. Sunshine Children's Orphanage
KANINA pa nakatingin si Graciela sa anak ni Kiara na si Kian. Narito sila ngayon at kumakain sa malawak na dining hall ng mansion. Hindi niya mapaniwalaan ang nakikita ng kanyang mata. Kamukhang-kamukha 'to ni Grant noong bata pa ito. Biglang sumagi sa isip ni Graciela ang sinabi ng kanyang kapatid na si Paul tungkol sa haka-haka noon na pagkakaroon ng relasyon ni Kiara at ng kanyang anak. Impossible! Kailanman ay hindi maglilihim ang kanyang anak. Hindi dapat siya magpadala sa kanyang nakikita! Sigurado na nagkataon lang ang bagay na 'to. Kapag lumambot ang puso niya sa batang 'to ay sigurado na matutuwa ang ina nitong si Kiara.Gumuhit ang kakaibang ngiti sa labi ni Graciela. 'Di bale, malapit na rin namang mawala ang disgrasyadang babaeng 'to sa buhay ng kanyang anak na si Grant. Ang kailangan lang niyang maghintay na magawa ni Olivia ang gusto n'yang mangyari.[Kiara]KANINA pa niya napapansin na panay ang tingin ng ina ni Grant sa anak n'yang si Kian. Bakas ang gulat sa mukha
Magbasa pa
25. Somana's Secret
KULANG nalang umusok ang ilong ni Graciela sa sobrang galit. Umalis ang anak niyang si Grant kasama ang mag ina! Nagawa pang ipamukha sa kanya ni Kiara na handa itong pakasalan ng kanyang anak sa kabila ng pagiging disgrasyada nito."Napakatuso talaga ng babaeng 'yon! Masyado na niyang nabilog ang ulo ng aking anak!" Ani Graciela. Ang mga kasambahay sa paligid ay nakaramdam ng takot sa Ginang dahil kita nila ang sobrang galit sa mukha nito."Relax, Tita Graciela —""Relax? Don't tell me to relax, Olivia! Gawin mo ang inutos ko sayo dahil hindi kita binayaran para lang sabihan ako na mag-relax!" Nais ni Olivia na itirik ang mata sa sinabi ng matanda sa kanya. Kung hindi lang talaga dahil sa pera ay hindi papayag si Olivia na utus-utusan lang ng matandang 'to. Kumuha ng ubas ang dalaga at saka kinain ang isa roon. "Hmm, bakit hindi mo ako patirahin dito, Tita Graciela?" Suhestiyon ni Olivia. Tinaasan ng kilay ni Graciela si Olivia. Hindi gusto ng Ginang ang sinabi ni Olivia. Wala siya
Magbasa pa
26. Heart
HUMIGPIT ang hawak ni Wilbert sa kamay ng asawang walang malay na nakahiga sa kama. Matagal nilang itinago ang sekretong 'yon sa kanilang pamilya, ang hindi nila alam ay kung paano 'yon nalaman ng kanilang anak na si Walter. [[[FLASHBACK]]]"Sigurado po ba kayo na si Heart ang gusto ninyong ampunin? Marami pang ibang bata na narito, Mrs. Somana—""Siya ang gusto namin, Sister Monica." Putol ni Kendra rito. Tumingin ng puno ng pagmamahal si Kendra sa hawak na sanggol. "Hindi ba't napakaganda niya, Wilbert?" Ngumiti ang sanggol kaya naman lalong tumalon ang puso ng mag asawang Kendra at Wilbert sa tuwa. Matagal na nilang pangarap na magkaroon ng babaeng anak. Sumubok sila ng ilang beses ngunit palaging bigo. Palagi nalang nalalaglag ang ipinagbubuntis ni Kendra. Kaya ngayon ay nagdesisyon sila na mag ampon sa malayong probinsya. At narito na nga sila ngayon, sa Sunshine Children's Orphanage. Ang alam ng kanilang mga anak ay buntis na siya tatlong buwan bago sila nagpasyang magbakasy
Magbasa pa
27. Olivia's Plan
[Olivia]TUMINGIN muna siya sa paligid bago umakyat sa itaas. Tiyak na nag iinit na ngayon ang katawan ni Grant dahil sa gamot na inilagay niya sa inumin nito. Alam niya na darating ngayon si Kiara. Kaya naman itinaon talaga n'yang gawin ang plano ngayong araw. "Tingnan nalang natin kung ano ang magiging reaksyon mo kapag nakita mo kami ng mapapangasawa mo." Mahinang sabi niya na tila sarili ang kausap. Tanging roba lang ang suot niya. Bakit pa siya magdadamit kung huhubarin din naman niya.Pagdating sa tapat ng kwarto ni Grant ay hindi na siya kumatok. Dahil hindi naman naka-lock 'yon ay pumasok agad siya. Nagtataka man siya kung bakit patay ang ilaw ay hinayaan na lamang niya 'yon.Pagkasara ng pinto ay nangapa si Olivia sa dilim. Halos mapunit ang ngiti sa labi niya ng bumangga siya sa isang tao, na alam niyang si Grant. Hindi na siya nagsayang ng oras. Agad na yumakap siya sa malaking katawan ni Grant at saka hinalikan ang labi nito.Nabuhay ang init sa katawan ni Olivia ng guma
Magbasa pa
28. Share Bed?
[Olivia]GALIT na galit na nagwawala siya sa kwartong pinagamit sa kanya ni Graciela. Hindi niya maintindihan kung bakit pumalpak ang plano niya. Tumayo siya at lumabas ng kwarto para hanapin ang kasambahay na inutusan niya."Hoy, ikaw." Turo niya sa kasambahay na si Mercy."Bakit po?" Nakayukong tanong nito. Halatang ayaw makasalubong ang galit n'yang tingin."Binigay mo ba talaga kay Grant ang juice na pinabibigay ko sa kanya?" Nanlalaki ang mata na tanong niya habang may pagdududa na nakatingin kay Mercy. Walang mali sa plano niya kaya naman ito lang ang maari niyang pagdudahan. "O baka naman ikaw ang uminom!" Gigil na bintang niya.Agad na umiling ang kasambahay na si Mercy. "Hindi ko po ininom. Sa katunayan ay nakita ko 'yong ininom ni Sir Grant. Kung gusto niyo ay maaari mo siyang tanungin. Nagsasabi po ako ng totoo." Nakayuko na paliwanag ni Mercy.Natigilan siya. Gigil man ay pinili niyang kumalma. Walang salita na tinalikuran niya ang kasambahay na si Mercy. Samantala.....
Magbasa pa
29. Pagbisita
Naikuyom ni Walter ang kamao ng makita si Kiara na kasama si Grant. Narito siya ngayon sa labas ng paaralan ni Kian. Gusto niyang makausap si Kiara dahil nasasabik siyang makita 'to.Tama nga ang hinala niya noon na may pagtingin si Grant kay Kiara. Napapansin na niya ang bagay na 'yon noon. Kaya naman tinuring niya itong karibal. Hindi niya akalain na sa paglipas ng mga taon ay may gusto pa rin si Grant kay Kiara, at ikakasal pa ang mga ito ngayon."Hindi mapupunta si Kiara sa'yo, Grant, dahil sa akin lang siya." Wika niya bago pinaandar ang sasakyan palayo.[Kiara]"Daddy, I told to all my friends na may Daddy na po ako and they are all happy for me po!" Masayang kwento ng anak n'yang si Kian pagkapasok palang nila sa sasakyan."Really? Nai-kwento mo ba sa kanila kung gaano ka-gwapo ang Daddy mo?" May pagyayabang sa boses na tanong ni Grant. Napairap nalang siya. Samantalang kanina lang ay nag iba bigla ang mood nito.Gutom na nga siguro 'to."Yes, Daddy! I told them your name po. P
Magbasa pa
30. The Mother
"Masyado kang mabagal, Olivia! Hanggang ngayon ay hindi mo pa rin nagagawa ang inuutos ko sayo!" Gigil na wika ni Graciela sa dalaga. Matapos waldasin lahat ng pera na paunang bayad niya ay nararapat lang na gawin nito ang utos niya. Pero dalawang linggo na ang nakalipas ay wala pa ring nangyayari."Tita Graciela, believe me, ginagawa ko naman lahat ng magagawa ko—""Ginagawa?" Agad na putol matanda kay Olivia. "Kung ginagawa mo nga ang utos ko ay hiwalay na sana ang punyetang babaeng 'yon sa anak ko!" Nanggagalaiting dinuro ni Graciela si Olivia na ngayon ay nakaramdam na ng inis sa matandang kaharap. "Gawin mo ang trabaho mo! Hindi puro pagwawaldas lang ng pera ang alam mong gawin! Remember this, Olivia. You will return to me all the money you spent, kapag hindi mo tinupad ang napag usapan." Maanghang na pakli ni Graciela bago iniwan si Olivia."Shit!" Malakas na mura ni Olivia ng makaalis si Graciela. Kung hindi lang talaga dahil sa pera ay hinding-hindi siya papayag na tratuhin si
Magbasa pa
PREV
123456
...
10
DMCA.com Protection Status