All Chapters of The Three Little Guardian Angels: Chapter 2001 - Chapter 2010
2111 Chapters
Kabanata 2002
Pilit na ngumiti si Freyja at sinabing, “Tulog na siya ngayon.”“Anong problema ni Colton? Bakit bigla siyang umalis? Nag-away ba kayo?” tanong ni Daisie.Nakatikom ang labi ni Freyja. Hindi niya alam kung paano sasagutin ang tanong ni Daisie.Totoo ba nag-aaway sila pero ang tanong, bakit siya nag-aalala sa pagbabago ni Colton?Maingat na tinaning ni Daisie, “Nga pala, bakit sinabi ni Deedee na ayaw mo na sa kaniya? Ano bang nangyari?”Sinabi ni Freyja kay Daisie na gusto niyang ibalik si Deedee sa Pruitt pero akala ni Deedee na ayaw na sa kaniya ni Freyja. Siguro, gusto lang manatili ni Deedee kay Freyja pero naisip niya na mas ikabubuti ni Deedee kapag pinadala niya pauwi doon. Siguro kailangan niya rin isipin ang nararamdaman ni Deedee? Hindi niya alam ang tungkol doon.“Selfish ba ako?” tanong ni Freyja.Natahimik sandali si Daisie bago sumagot, “Hindi, syempre, hindi ka selfish. Ginawa mo ang lahat para alagaan siya.”Hindi sumagot si Freyja.Nang paalis si Daisie sa Se
Read more
Kabanata 2003
Nagulat si Daisie.Sa sobrang lapit ni Zephir ay mabibilang ni Daisie ang pilikmata niya. Malamig ang daliri niya sa balat niya at kahit na pinupunasan niya ang sabaw sa sulok ng labi ni Daisie, pakiramdam niya ay hinahaplos niya ang kaniyang girlfriend.Kung nangyari ito noon, iisipin ni Daisie na ginawa niya yon para sa kabaitan o inaalagaan niya lang nakababata niyang kapatid. Pero, pakiramdam niya ay iba ito ngayon.Dahil siguro sa nakakapaso ang hininga niya sa kaniyang balat. Kinuha ni Daisie ang tissue paper palayo sa kamay ni Zephir at lumayo. “Ayos lang, Zephir. Kaya ko ‘to gawin.”Walang sinabi si Zephir. Ngumiti lang siya.Pagkatapos nila kumain, umalis sila sa restaurant.Huminto ang sasakyan ni Zephir sa harap ni Daisie. Pero, hindi siya nag maneho kahit nakasakay na si Daisie. Habang nag-iisip siya kung ano ang ginagawa ni Zephir, biglang itong lumapit sa kaniya at nagulat siya.Kusa niyang nilaga ang kamay niya sa balikat ni Zephir para itulak siya palayo at sinab
Read more
Kabanata 2004
Nakatikom ang labi ni Freyja at walang sinabi na kahit ano.Ang totoo, wala itong kinalaman sa mga bagay na nangyari ngayong araw.Nag-squat si Colton sa harap niya at nilapit ang pisngi niya sa tiyan ni Freyja. Habang pinapakinggan ang galaw sa loob, tumawa siya. “Kaya bang gumalaw ng isang buwan na embryo sa loob?”Nagulat si Freyja. Ito ang unang pagkakataon na makita niya ang ganitong side ni Colton. Maingat siya at yumuko siya para tingnan si Colton. Pagkatapos, mahinahon niyang sinabi, “Isang buwan pa lang. Kaya hindi pa makakagalaw ang baby natin.”Inangat ni Colton ang tingin niya kay Freyja. “Nahihilo ka ba nitong mga nakaraan?”Umiling si Freyja. “Hindi na pagkatapos kong uminom ng gamot.”Mahina niyang hinaplos ang tiyan ni Freyja at sinabing, “Kumuha na rin tayo ng marriage certificate, Freyja.”Nagulat si Freyja. Akala niya ay namali ng rinig ang tainga niya habang tinatanong, “Anong sinabi mo!?”Nakatitig siya kay Freyja habang dinidiin ang mga salita na lumalabas
Read more
Kabanata 2005
Binaba ni Colton ang dokumento at tinapik ang desk. “Kumusta siya?”Sumagot ang therapist. “Base sa obserbasyon at test ko sa mga nagdaang araw, masyado nga siyang sensitibo. Siguro ay dahil sa pagpapalaki sa kaniya na introvert at mababa ang tiwala sa sarili. Pakiramdam niya lagi mag-isa siya kaya gusto niyang nakadikit sa mga gusto niyang tao.”Kumunot si Colton at malalim ang iniisip. Pagkatapos ng ilang sandali, tinanong niya, “Pwede ba kitang tanungin?”“Sure,” sagot ng therapist.“Kaya bang saktan ng 4-year-old na bata ang tao na mahal siya? Tulad ng pagiging dahilan para makunan siya?”Kahit na mali ang pagkaintindi ni Deedee sa usapan nila nang gabing yon, kahit na galit siya sa kanila, bakit niya itutulak ang tiyan ni Freyja?Nagsimula siyang mag ingat kay Deedee pagkatapos makita ang ginawa niya nung araw na yon.Hindi niya pinakita yon dahil ayaw niyang ilagay sa mahirap na posisyon si Freyja. Kung tutuusin, si Freyja ang nagpalaki kay Deedee mula nang ipinanganak ito
Read more
Kabanata 2006
Kung noon ito, bakit magkakaroon ng pakialam si Colton?Sa loob niya, puno ng halo halong pakiramdam ang puso ni Freyja at hindi niya yon maintindihan. Sa kabila, si Deedee na umaasa at gusto lang siyang makasama. Sa kabila naman, ang ama ng anak niya at ang lalaking mahal niya.“Bakit nakatayo ka sa pinto?” Bumalik siya sa reyalidad dahil sa boses.Nagkatinginan sila ni Colton, nagdalawang isip siya sandali at pumasok sa study. “Anong sinabi sa'yo ng therapist?”“Wala naman siya gaanong sinabi.” Nilayo ni Colton ang mga dokumento. Nang may maalala, idinagdag niya, “Maghahanap ako ng bata na pupunta dito para samahan siya bukas. Kahit na mas matanda yon sa kaniya nang kaunti, magkakasundo naman siguro sila.”Nagulat si Freyja at mukhang may napagtanto.Noong nasa Yaramoor siya, bukod kay Freyja, gusto lang kasama ni Deedee ay ang nanny. Kapag sa kaibigan, gusto lang niya kalaro ang apo ng nanny pero hindi sila magkalaro buong araw. Iniisip niya na ayaw ni Deedee sa mga bata na ka
Read more
Kabanata 2007
Bumaba ang tingin ni Daisie. “Nakabalik na nga si Zephir sa Zlokova.”‘Ang tagal na at ayaw pa rin ni Colton kay Zephir. Nung una, ayaw niya rin kay Nollace pero kunwari lang yon. Pero, ayaw na ayaw niya talaga kay Zephir.’“Dahil asawa ka ni Nollace ngayon, huwag mo na siya kausapin madalas. Pinatigil ko na ang balita para sa'yo.”Pinatay ni Colton ang tawag, minasahe ang ilong niya at timawag si Leonardo sa opisina niya.Pumasok si Leonardo sa opisina. “Mr. Goldmann, hinahanap niyo ako?”Binigay niya ang utos. “Magpadala ka ng mga tao na magbabantay kay Zephir Gosling na kababalik lang sa Zlokova. Huwag niyo siya bigyan ng pagkakataon na samantalahin ang relasyon ni Daisie kay Nollace.”‘Kumpara kay Nollace, mas ayaw ko kay Zephir. Kung tutuusin, si Nollace iniisip niya ang kapalit ng gagawin niya at nang magiging epekto non kay Daisie. Pero iba si Zephir. Na-expel si Lisa sa school dahil sa kaniya. Ginawa niya pa na huwag papasukin si Lisa sa kahit anong paaralan sa Bassburgh
Read more
Kabanata 2008
Kung sinadyang pitikin ni Deedee ang babae gamit ang rubber band, may rason siguro sa likod non.Sa hindi inaasahan, sinabi ni Deedee na, “Hindi ko siya gusto.”Nagulat si Freyja at kumunot. “Pinitik mo siya gamit ang rubber band dahil lang sa ayaw mo sa kaniya?”Malakas na sumigaw si Deedee, “Siya ang unang tumulak sa akin!”“Deedee!” Agad na sumigaw sa kaniya si Freyja habang bumibigat ang atmosphere sa kwarto.Nang makabalik siya sa huwisyo, nakalabas na si Deedee sa kwarto.Bumaba si Freyja kasama siya. “Deedee, huwag kang tumakbo—”Biglang sumakit ang tiyan niya dahilan para huminto siya sa pinto. Agad lumapit ang nanny at sinuportahan siya. “Young lady!”Nagngalit ang ngipin ni Freyja at namuo ang malamig na pawis sa noo niya at pisngi. “Sundan mo si Deedee…”Nakatanggap si Colton ng tawag at bumalik sa villa.Pagkatapos marinig ang nangyari mula sa nanny, pumasok siya sa kwarto na may seryosong ekspresyon.Nakasandal si Freyja sa head ng kama habang may unan sa kaniya
Read more
Kabanata 2009
Hinila ni Sandy ang upuan, umupo at ngumisi. “Anong problema? Nagsimula ka na bang ayawan at palayasin ng tita mo?”Nalaman niya kung saan nakatira si Freyja at naisip kung paano sila hahanapin nang hindi nalalaman ni Colton ang plano niya. Hindi niya inakala na makakasalubong niya si Deedee na tumakas sa villa.Mahinang umiling ang ulo ni Deedee.Tumayo si Sandy, naglakad sa harap niya at pinisil ang baba niya. “Deedee, kung nakinig ka sa akin noon, bakit kita sasaktan? At kung hindi dahil kay Nollace Knowles, iiwan ka ba ng magulang mo?”“At ang tita mo. Bago pa tayo pumunta dito, sinabi ko na sa'yo na hindi ka na niya papansinin kapag kinasal siya sa lalaking yon pero hindi ka naniwala sa sinabi ko.”Umiyak si Deedee at mahinang humikbi. “H-hindi sinabi ni Tita Freyja na ayaw niya na sa akin… sadyang may baby lang si Tita Freyja.”Nagulat si Sandy pagkatapos ay naningkit ang mata niya. “Totoo ba ang sinabi mo?”‘Buntis ang m*landi na yon?’Bigla niyang naalala ang pagsusuka
Read more
Kabanata 2010
Tumigil sa pagtibok ang puso ni Freyja.Niyakap siya ni Colton at pinatong ang baba niya sa ulo ni Freyja. “Ayaw kong mag-away tayo dahil kay Deedee at ayaw kong isipin mo na may pakialam lang ako sa sanggol sa sinapupunan mo, at kaya pinipilit kitang ilayo ang sarili mo kay Deedee.“Alam kong kasama ka niya mula nang ipinanganak siya at ginawa mo ang tungkulin mo bilang tita kaya hindi pa naman huli kung maggde-desiyon ka pagkatapos mong manganak sa baby.”Ayaw niyang pilitin si Freyja na mag desisyon ngayon kaya binigyan niya ito ng oras para mag isip.Basta nakatira si Deedee sa kaniya at binabantayan siya ng mga nanny, panatag siya.Gumalaw ang dibdib ni Freyja at namuo ang luha sa mata niya. “Colton, salamat.”Mahinahon na pinunasan ni Colton ang luha sa gilid ng mata niya. “Kaya, huwag mo na isipin yon. Gusto ko maging maayos kayo ng baby natin. Mangako ka sa'kin na maniniwala ka sa akin kahit anong mangyari.”Binuhat ni Colton si Freyja pabalik sa kwarto, binaba siya sa
Read more
Kabanata 2011
Mahigpit na nakahawak si Daisie sa phone niya. “Pero ilang araw na ang nakalipas, sobrang nag-aalala na ako…”“Okay.” Dahan-dahan at malambing siyang hinaplos ni Nollace, “Pangako ko sayo na babalik talaga ako. Kaya ang dapat mo lang gawin at hintayin ako sa bahay.”Pinatay ni Nollace ang tawag, dalawang lalaki ang biglang pumasok sa kwarto matapos ang ilang sandali.Dahan-dahan na lumingon si Nollace, at isang maliwanag na ilaw ang makikita sa bintana na para bang naging umaga. Dahil doon, malinaw niyang nakita ang galit na mukha ng mga lalaki nang pumasok sila sa pinto.Hinaplos ni Bear ang kutsilyo gamit ang daliri niya at ngumiti. “Mr. Knowles, kumusta ka naman?”Parang isang laslas ang pagbati ni Bear na maghahati sa dagat at mag-aangat ng mga alon. Hindi gumalaw si Nollace at biglang tumutok sa mukha niya ang ilaw habang ang mukha niya ay kalmado. “Sabi nila na sobrang galing mo raw, Mr. Bear. Dahil isang tauhan mo lang ang dinala mo siguro malakas ang loob mong madudurog
Read more
PREV
1
...
199200201202203
...
212
DMCA.com Protection Status