Mahigpit na nakahawak si Daisie sa phone niya. “Pero ilang araw na ang nakalipas, sobrang nag-aalala na ako…”“Okay.” Dahan-dahan at malambing siyang hinaplos ni Nollace, “Pangako ko sayo na babalik talaga ako. Kaya ang dapat mo lang gawin at hintayin ako sa bahay.”Pinatay ni Nollace ang tawag, dalawang lalaki ang biglang pumasok sa kwarto matapos ang ilang sandali.Dahan-dahan na lumingon si Nollace, at isang maliwanag na ilaw ang makikita sa bintana na para bang naging umaga. Dahil doon, malinaw niyang nakita ang galit na mukha ng mga lalaki nang pumasok sila sa pinto.Hinaplos ni Bear ang kutsilyo gamit ang daliri niya at ngumiti. “Mr. Knowles, kumusta ka naman?”Parang isang laslas ang pagbati ni Bear na maghahati sa dagat at mag-aangat ng mga alon. Hindi gumalaw si Nollace at biglang tumutok sa mukha niya ang ilaw habang ang mukha niya ay kalmado. “Sabi nila na sobrang galing mo raw, Mr. Bear. Dahil isang tauhan mo lang ang dinala mo siguro malakas ang loob mong madudurog
Nalaman na ni Nollace ang mga paraan ni Bear. “Sabi ng iba nlayas mo raw napapatay ang kalaban mo sa isang galaw lang dahil parang hindi yun accomplishment para sayo. Gusto mo silang laruin, at pag pagod na sila aalisin mo na ang huling pagkakataon nila para mabuhay, “Kaya kung magiging kalmado ako, hindi ka magiging masaya sa laban na ito. Kaya hindi mo hahayaan na mamatay ako agad.”Tumayo si Bear, hinubad niya ang damit niya, at inatake si Nollace gamit ang kutsilyo. “Hindi ka pa rin babagay sa akin pagdating sa fistfight!”Ipinaglaban ni Nollace ang sarili niya gamit ang kaniyang mga kamay, iniiwasan niya ang dulo ng kutsilyo at ang mga atake ni Bear habang isang lalaki ang nakaabang sa likod niya. Agad niyang sinipa ang mesa para harangan ang hita ni Bear, tumalikod siya, hinawakan ang kamay ng lalaki at tinupi ito pababa kaya nabali ang balikat ng lalaki.Sinipa ni Bear ang mesa at mabilis na lumapit kay Nollace. Hinila ni Nollace ang lalaki at ginamit ang katawan nito par
Nag-igting ang ngipin ni Nollace, binalot niya ang braso niya kay Bear at walang awang hinigpitan ito habang nasa matinding sakit. Nalaslas sa kamay niya ang kutsilyo, lumabas ang dugo mula sa sugat kaya naging imposibleng ikumpara ang laman niya mula sa dugo.Nakahawak pa rin si Bear kay Nollace, hindi siya bumibitaw.Sumigaw si Edison, “Tulungan siya!”Mabangis na tumawa si Bear, hinila niya si Nollace, tumalikod, at tumama sa likod ni Bear ang bala ng pulis.Malakas siyang sumigaw, hinila niya si Nollace na walang pagkakataon na makatakas sa pagkakahawak ni Bear nahulog silang dalawa sa dagat.Mabilis na tumakbo si Edison. “Mr. Knowles!!!”Mabilis na nilamon ng malaking mga alon ang anino ng dalawa at hindi na sila makita sa dagat.Noong umaga, sa Seaview Villa…Lumabas ng banyo si Colton ng tumunog ang phone niya. Tiningnan niya si Freyja na natutulog pa din, naglakad siya at sinagot ang tawag. May sinabi sa kaniya ang taong nasa kabilang linya, at agad na nagdilim ang mu
Nagrenta ng bangka ang pulis mula da malapit na mangingisda para kunin ang bangkay na nasa tabing-dagat, nagdala siya ng mga forensic sa senaryo para malaman ang sanhi pati ang pagkuha ng ebidensya, nilagay nila sa bag ang katawan.Nagalit si Edison sa mga tao at kumunot ang noo niya. “Nakumpirma na ba ang katawan ng tao?”Tumingin sa kaniya ang detective. “Si Bear yun.” Nagulat si Edison habang binababa ang zipper ng body bag. Kay Bear nga ang maputla at namamaga na mukha ng tao. ‘Namatay talaga si Bear.’Tumayo ang detective at seryosong sinabi, “Ang katawan pa lang ng suspek ang nakikita namin pero hindi kami titigil sa paghahanap at pagligtas sa biktima.”Tumango si Edison at nagbigay ng text message kay Colton.…Nang dumating na si Colton sa kumpanya, nakatanggap siya ng text message mula kay Edison na nagsasabi na nakita na ang katawan ni Bear pero ang tungkol sa katawan ni Nollace ay wala pa ring nakikita.Binaba ni Colton ang phone niya sa mesa, sumandal sa kaniyang
Nag-igting ang ngipin ni Freyja. “Mom, inosenteng si Deedee! Hindi mo dapat siya tinatrato ng ganito!”“Inosente?” Ngumisi si Sandy at inangat ang baba ni Freyja gamit ang sigarilyo na hawak niya. “Ibinigay ng walang kwentang babae ang buhay niya para ipanganak ang hayop na ito. Hindi nga man lang niya namana ang katiting na katalinuhan ng ama niya. Sinong may kasalanan nun?”Nanginginig sa galit si Freyja. “Namatay na nga ang Dad niya dahil sayo! Plano mo bang gawin din yun sa nag-iisa niyang anak?”Galit siyang sinampal ni Sandy.Ang kalahati ng mukha niyang tumagilid ay talagang namanhid.“Manahimik ka!” Nakakatakot ang mukha ni Sandy. “Si Nollace Knowles ang pumatay kay Ken!”Inangat ni Freyja ang ulo niya at tumawa nang malakas, hindi niya pinansin ang namamaga niyang pisngi. “Talagang nawalan ka ng matinong pag-iisip. Lagi mong sinasabi na si Nollace ang pumatay kay Ken pero paraan mo lang yun para mapagaan mo ang loob mo.”“Ang kapal ng mukha mo!” Hinawakan ni Sandy ang b
Masaya si Sandy nang makita niya kung gaano kalungkot si Freyja. “Mali ba ako? Magugustuhan ba ng mga Goldmann kung kasama mo siya? Fey, kailangan mong malaman ang lugar mo.”Tinaas ni Sandy ang baba ni Freyja na parang dudurugin niya ang panga nito, puno ng galit ang mata niya. “Patay na ang kapatid mo, kaya bakit ka magiging masaya? Pinanganak ka para tulungan ang kapatid mo, kaya dapat maging mabuti ka na lang na kapatid. Bakit kailangan mo magtrabaho kasama ang mga Knowles at patayin ang kapatid mo!”Tinulak siya ni Sandy.Natumba si Freyja pero prinotektahan niya ang tiyan niya. Tumingin si Sandy sa kaniya. “Bibigyan kita ng pagkakataon. Kung gusto mo iligtas si Deedee, kailangan mo isakripisyo ang nasa sinapupunan mo.”Nanliit ang mga mata ni Freyja at namutla siya. “Anong sabi mo!?”“Sa tingin mo ba hahayaan ko na magpakasal ka sa mga Goldmann? Hindi maaari!” Ngumisi siya habang masama ang tingin. “Kung hindi lang dahil kay Nollace, siguro napunta ka na kay Donald. May ut
Tiningnan ni Freyja ang likod ni Colton. Sobrang lapit na niya pero napakalayo pa rin niya. Siguro isa talaga silang pagkakamali mula noong umpisa. Isang makasariling babae si Freyja at hindi siya karapat-dapat mahalin ni Colton. Tumalikod si Colton at sinabi sa bodyguard, “Dalhin niyo na ang bata sa hospital.” Nagulat si Sandy dahil hindi siya makapaniwala. “Ano!? Mas inaalala mo pa ang bata kaysa sa ibang—” “Sa mata mo, hindi karapat-dapat mabuhay ang anak ng ibang tao. Kahit ang sarili mong anak ay hindi nararapat. Kung sobrang galit ka sa mga babae, bakit kaya hindi ka pinatay ng nanay mo noong ipinanganak ka.” Nakatingin si Colton kay Sandy at may blanko siyang ekspresyon. Kakaiba ang ekspresyon ni Sandy, bumilis ang paghinga niya pero hindi siya makapagsalita. Kinarga ni Colton si Freyja at tumalikod siya. “Mrs. Pruitt, ito na ang katapusan ng maganda mong buhay.” Kinuha ng bodyguard si Sandy habang nanlalaban siya at sumisigaw, “Freyja Pruitt! Hindi ka magiging m
Alam iyon ni Freyja simula noong una. Hinayaan niya lang na masunod ang nararamdaman niya noong lasing sila ng gabi. Siguro totoo ang sinabi ng mom niya at hindi siya karapat-dapat na sumaya. Hindi niya pwedeng iwan si Deedee kaya naging problema iyon sa pagitan nila. Siguro ito na ang pinaka huli nila. Pinikit niya ang kaniyang mata at nilunok ang sakit. “Colton, kukunin ko si Deedee.” Nagdilim ang mukha ni Colton. “Anong ibig mong sabihin?” Tiningnan siya ni Freyja na parang wala siyang sa dugo, ang ngiti niya ay malalim at mahina na parang nahulog siya sa black hole. “Magiging mabuti kang ama. Magiging masaya ang bata kung makakasama ka niya.” “Freyja Pruitt!” Mahigpit siyang hinawakan ni Colton, at lumabas ang mga ugat sa likod ng kaniyang kamay. “Kung ito ang gusto mo, naging masaya ka ba sa paglalaro mo sa nararamdaman ko mula noong nakaraang tatlong taon?” Humiga si Freyja sa dulo ng kama habang ang ekspresyon niya ay hindi maintindihan. “Hahayaan mo ang sarili mon