All Chapters of Betraying the Heiress: TAGALOG: Chapter 51 - Chapter 60
66 Chapters
Chapter 50
Pinilig ko ang ulo ko, at gustong tawanan ang sarili. Bakit naman mapupunta si Stefan dito, right? Siguro at ay nagkamali lang ako kanina nang tingin, at baka kaya siya ang nakita ko ay dahil naalala ko ang anak ko.Dalawang linggo ang lumipas, at sobrang sakit na naman nang naramdaman ko. After kong ma-grant ang mga wishes ni Gio ay namatay siya. Sobra akong umiyak nang araw na 'yon, at pakiramdam ko ay muli akong nawalan ng anak.Halos isang linggo rin akong nagluksa dahil sa pagkawala niya, pero pinilit kong maging malakas kahit na sinisisi ko minsan ang sarili ko. Pakiramdam ko ay hindi ko na kayang mawalan pa muli ng pasyente. Tama nga rin ang sinasabi ng karamihan na 'wag kong masyadong i-attach ang sarili ko sa mga nagiging pasyente ko para hindi ako masyadong masaktan, pero ano ba ang magagawa ko? Gio is such a nice kid at hindi ko magawang hindi mapalapit sa batang 'yon.Nakakainis lang dahil mas maraming dumagdag sa isipin ko. Hindi pa ako nakaka-get over sa pagkamatay ni G
Read more
Chapter 51
Aalis na sana ako roon kaya lang ay muli akong pinigil ni Josiah kaya muli akong napatingin sa kaniya."Nakita mo naman kung gaano kahina ang loob ko, hindi ba? Nakita mo 'yon kanina, that's why I'm asking for your help," sabi niya.Alam ko kung ano ang tinutukoy niya, at 'yon ang pag-opera ko sa asawa ni Stefan kaya naman napahugot ako nang malalim na hininga bago umiling sa kaniya."Jos, I can't say yes pa agad sa'yo dahil may iniisip akong isang bagay," sabi ko sa kaniya."What is it?" kunot noo niyang tanong sa akin."Natatakot ka kasi hindi ka naniniwala sa kakayahan mo, at gano'n din ang nararamdaman ko ngayon," sagot ko sa kaniya.Agad naman siyang napailing sa akin bago muling magsalita."No, Eli. Alam natin na sa ating dalawa ay ikaw ang mas magaling-" pinutol ko naman agad siya sa pagsasalita dahil hindi naman 'yon ang reason ko."Wala akong tiwala kay Stefan." Diretsyong sabi ko sa kaniya."What do you mean?" tanong naman niya.Napabuntong hininga ako roon, at napatingin sa
Read more
Chapter 52
Binilisan ko ang paglalakad ko pababa sa hagdan hanggang sa tuluyan nang bumagsak ang mga luha ko. Kahit ano'ng pilit ko na 'wag lumabas ang mga 'yon ay hindi ko ma-control ang emosyon na nararamdaman ko. Sinabi ko na sa sarili ko noon na hindi na ako dapat magpaapekto sa mga nangyari sa nakaraan ko, pero kapag naiisip ko ang anak ko ay hindi ko maiwasang masaktan. "E-Eli! Wait!" muling tawag sa akin ni Stefan. Muli siyang nakalapit sa akin, at muli akong hinila para matigil sa paglalakad. Napayuko ako, dahil ayaw kong makita niya akong umiiyak pa rin doon. Napatakip ang isang kamay ko sa bibig ko pagkatapos ay mabilis kong pinalis ang mga luha ko. "T-Totoo ba? Totoo ba ang sinasabi mo or ayaw mo lang na makita, at makilala ko siya?" tanong niya at bakas sa boses niya ang pag-aalinlangan. Suminghap ako, at humugot nang malalim na hininga para tignan siya nang direstyo. Ramdam ko ang hapdi sa mga mata ko, at aaminin ko na sa tuwing nakikita ko siya ay naaalala ko ang pagmamakaawa k
Read more
Chapter 53
"I love this, Stella! Pero mukhang masyadong revealing," sabi ko kay Stella nang ipasuot niya sa akin ang binili niyang pang night out dress. I'm wearing a hot pink cut out shoulder ruched bodycon dress, and Stella put some light make-up on my face. Sa buhok ko naman ay blower lang, at kaonting plantsa dahil short hair ako ngayon. Bagay sa akin ang dress kaya lang ay pakiramdam ko hindi na siya bagay sa personality ko ngayon. Simula kasi nang maging doctor ako ay naging conservative ako sa pananamit. "No, it's not! Mas gumanda ka nga sa suot mo ngayon, at namimiss na rin kita makita na magsuot ng mga gan'yang damit. Puro na lang kasi scrubs suit ang suot mo araw-araw!" sunod-sunod na sabi sa akin ni Stella pagkatapos ay napairap sa akin. Napailing na lang tuloy ako at nagkibit ng balikat para pagbigyan siya sa gusto niya. Nagsuot na lang din muna ako ng white coat dress dahil kakain pa kami ng dinner. Mamaya ko na lang aalisin 'yon kapag nasa bar na kami. "Isasama mo pa ba ang mga
Read more
Chapter 54
After namin kumain ng dinner ay nagpasiya na kaming pumunta sa bar. Sa BGC lang din 'yon, at halos marami ng tao sa bar nang makarating kami. Hindi ko naman maiwasang ma-excite, dahil sobrang na-miss ko ang mag-bar. Kung noon ay madalas ako sa bar, ngayon ay hindi na dahil mas marami ang oras ko sa hospital.Nauna sila Allison na pumasok sa loob kasama ang iba naming mga kaibigan habang si Clara ay nakadikit sa akin. Si Elijah at Lance ngayon ang magkasama at may pinag-uusapan silang dalawa."Nagkausap na ba kayo ni Stefan? Kinausap ka na niya ba about sa past niyong dalawa?" tanong sa akin ni Clara.Dumiretsyo kami sa VIP table na pina-reserve ni Allison. Nag-order na rin sila agad ng maraming alak doon. Napatango naman ako kay Clara bago tuluyang sumagot."Yup, and he apologize to me sa mga nangyari before. He told me na kaya niya nagawa 'yon ay dahil naipit siya sa sitwasyon ng family niya. I don't know what he's talking about his family situation," pagkukwento ko sa kaniya pagkatap
Read more
Chapter 55
Hindi ko alam kung ano'ng klaseng mga alak ang nainom ko na. Ang alam ko lang ay masaya ako roon na nag-iinom. Marami na rin akong nainom na alak, pero hindi pa rin ako nalalasing. Iyon talaga ang advantage ng pagkakaroon ng high tolerance sa alcohol.Habang nagkakasiyahan ang lahat ay naramdaman ko ang pag-vibrate ng phone sa likuran ko kaya kinuha ko 'yon mula sa bulsa ng coat ko. Kinabahan ako agad nang makita ko na pangalan ni Josiah ang nakalagay sa screen ng phone ko.Napatayo ako kaagad sa kinauupuan ko bago ko sagutin ang tawag niya. Bahagya rin akong lumayo, dahil sobrang ingay roon."Jos, why? May problema ba?" tanong ko kaagad."Wala naman, Eli. I just want to ask kung kumusta si Stella. She's not picking up her phone. Lasing na ba siya?" tanong ni Josiah.Halos makahinga naman ako nang maluwag nang sabihin niyang walang problema, at tanging concern niya lang ay si Stella. "Oh, thanks to God. Akala ko ay may emergency na," sabi ko pagkatapos ay natawa dahil sa kapraningan
Read more
Chapter 56
Lance got shot at nagulat na lang ako nang natumba siya kaya kahit na nahihirapan ako ay pilit ko siyang inalalayan. I also shouted there for help, at si Julius na bumaril sa kaniya kasama ang dalawa pang lalaki ay nagtatakbo paalis doon.Umiiyak ako roon dahil sa takot na baka kung ano ang mangyari sa kaniya."Lance!" tawag ko sa kaniya dahil nakikita kong papikit na ang mga mata niya."Why did you do that?!" sabi ko habang umiiyak.Hindi ko na alam ang mga sumunod na nangyari, at hindi ko alam kung paano kami nakaalis doon. Basta ay na-realize ko na lang na nasa hospital na kami habang nakahiga si Lance sa rescue bed. Tumutulong ako sa pagtulak doon habang umiiyak hanggang sa naipasok siya sa operating room.I was about to go inside but Josiah blocked my way. Siya ang tumulong sa akin kanina para madala namin si Lance agad dito sa hospital. Natawagan na rin namin sila Stella para hindi sila mag-alala masyado kung bakit bigla kaming nawala sa bar."I'll take care of him, Eli. Hindi k
Read more
Chapter 57
Dumiretsyo ako sa room ni Lance at naabutan kong gising na siya. He was talking with Criza, his sister. Sabay silang napatingin sa akin nang makapasok ako roon kaya naman ngumiti ako."Doc, Eli." Bati sa akin ni Criza.Nginitian ko naman si Criza at hindi ko maiwasan na maalala ang nalaman ko sa nangyari sa kaniya. Lumipit ako kay Criza para makipagbeso sa kaniya, pagkataos ay napatingin ako kay Lance na tahimik lang na nakatingin sa akin."Iwanan ko muna kayong dalawa rito. May bibilhin lang ako sa labas," sabi ni Criza para magpaalam.Tumango naman ako sa kaniya, at pinanood ko siya hanggang sa makalabas siya sa hospital room ni Lance. Nang tuluyang makaalis si Criza ay muli akong bumaling kay Lance. Napangisi siya na para bang magsisimula na naman na asarin ako kaya agad akong lumapit sa kaniya, at bahagya kong hinampas ang braso niya."Ouch! Eliana! Nagpunta ka ba talaga rito para saktan ako?" tanong niya pagkatapos ay bahagyang natawa."Yeah, dahil nakakainis ka! Bakit mo sinalo
Read more
Chapter 58
Hindi rin ako tumagal sa nursery room at nakapagkwentuhan naman kami roon ni Stefan, kaya nang natapos kami ay bumalik ako muli sa trabaho ko."Nakita mo na?" tanong sa akin ni Josiah nang muli kaming magkita/Napahugot ako nang malalim na hininga pagkatapos ay tumango bilang sagot sa kaniya. Tipid naman siyang ngumiti sa akin pagkatapos ay bahagyang tinapik ang balikat ko."Magaan ang loob ko sa bata, Jos. Nang makita, at mahawakan ko siya kanina ay parang nakasama ko ulit si Margaret," sabi ko sa kaniya pagkatapos ay hindi ko naiwasang mapangiti.Nakita ko naman ang agad na pag-iling ni Josiah habang nakatingin sa akin kaya naman bahagya ko siyang tinaasan ng kilay."Ilang ulit ko bang sasabihin sa'yo, Eli. I-separate mo ang personal feelings mo sa mga ganitong sitwasyon para hindi ka masaktan sa huli," sabi niya para paalalahanan akong muli.Napabuntong hininga naman ako at pilit na ngumiti sa kaniya bago magsalita."I know, Jos. May kakaiba lang talaga akong naramdaman sa bata," s
Read more
Chapter 59
Tanaw kong malapit nang lumubog ang araw, at natutuwa akong makita masaksihan 'yon ngayon, dahil halos gabi na kapag lumalabas ako mula sa hospital. It's a good thing na ito ang hiniling ni Yasmin kaya nakasama ako sa panonood niya sa pagbaba ng araw."How's your feeling?" tanong ko kay Yasmin.Nasa likod kami ng hospital ngayon kung saan maraming puno at malaking oval field. Ganitong place ang pinili ko para sa hospital ko para naman mabigyan ko ang mga pasyente na magkaroon ng malaking space. Presko ang hangin doon at dito ako minsan nagpupunta kapag gusto ko mapag-isa. May mga ibang pasyente rin naman doon na inililibot ng mga nurse nila."As of now maayos naman ang pakiramdam ko at walang sakit na nararamdaman," sagot sa akin ni Yasmin.Ibinigay ko sa kaniya ang vegetables salad na binigay sa akin kanina ni Josiah, dahil hindi ko naman na 'yon makakain pa. Ang iced coffee na lang ang inuubos ko ngayon. Nakatingin sa malaking oval field si Yasmin habang naka-upo sa wheelchair niya
Read more
PREV
1234567
DMCA.com Protection Status