All Chapters of All About Her: Chapter 11 - Chapter 20
52 Chapters
10
Maingay na tugtugan sa bar ang sumalubong sa akin pagpasok namin sa loob. Ang daming tao at puro usok.Si Jessa ang may pakana nito, dapat daw kaming magcelebrate, napa oo na lang ako."Anong gusto mong inumin?" Sigaw nya. Halos hindi na kasi magkarinigan."Ikaw ang bahala." "Masarap ang sisig nila dito!" Tumawag sya ng waiter at may kung anong binulong.Napatingin ako sa paligid, kung magsayaw ang tao ay parang walang pakialam sa paligid. May sumasayaw sa stage na dalawang sexy na babae, habang sa pole naman ay mga naka bikini, napailing na lang ako. Napababa ako ng damit, ang pinasuot nya kasi sa akin ay isang blue knee length fitted dress na long sleeves."Sayaw tayo Ate." Hinila ako ni Jessa sa gitna, inabutan nya pa ako alak.Siguro kailangan ko ring magparty kahit paminsan minsan lang, kaya ito ako, umiindayog sa tugtog, sinasabayan kada indak ng tao.Inilabas ni Jessa ang cellphone nya nagvideo habang sumasayaw kami. Sandali nyang kinalikot ang cellphone at nagsayaw ulit. Nang
Read more
11
Maaga akong nagising dahil sa sakit ng ulo. Ayaw ko sanang bumangon kaso tanghali na. Nakatanggap ako ng text galing kay Tita Daniella, pumasok daw ako sa store. Kailangan ko na pa lang magresign as cashier.Dahan-dahan akong lumabas ng kwarto, siguro naman nakaalis na si Jared. Hindi ako kagaya noong mga nakainom tapos sasabihin na wala silang naalala, ako, tandang-tanda ko!Pagdating ko sa kusina, halos kapusin ako ng hininga dahil nakita ko si Jared na nagluluto. Aalis sana ako ng tawagin ako nito."Jessabelle!" Sigaw nito at maya-maya lang ay pumasok si Jessa sa kusina."Anong ginagawa mo dito?" Bulong ko sa kanya. Napakamot naman 'to ng ulo."You two. Ano ang pumasok sa isip nyo at nagbar kayong dalawa?" Nakakatakot na humarap sa akin sa amin si Jared. Sisermonan nya pala kami."K-Kasi naman kuya, you left her. We celebrate." Nakayukong sagot nito."Do you think gawain ng matinong babae 'yan?! Jessabelle?! Paano kung napahamak kayo?" Halos dumagundong na ang bahay dahil sa sigaw
Read more
12
Inspired ako sa paggawa ng wedding gown ni Margareth. Pakiramdam ko kasi sa akin 'yung ginagawa ko."Matagal ka pa ba dyan?" Napalingon ako kay Jared, nakalimutan ko na kasama ko pala sya. Tumayo sya sa harapan ko."Ah, oo eh. Kailangan kasi makita kaagad ni Margareth." Tinuloy ko ang pagdadrawing. "May pupuntahan ka ba?""May meeting ako.""Sige, mauna ka na lang. Uuwi na lang ako mag-isa." Tinuon ko ulit ang atensyon sa design. Kailangan kong gandahan."Hihintayin kita. Isasama kita sa meeting." Napatingala ako sa kanya."H-Ha? Wala naman akong maitutulong doon." Akala ko aalis na sya, 'yun pala ay naupo lang sya."I'm giving you 10 minutes, kapag hindi ka pa tumayo dyan ay hihilain kita." Seryosong sabi nito at inilabas ang cellphone.Hindi ko na hinintay matapos ang 10 minutes, kaagad na akong tumayo dala ang sketch pad, doon ko na lang tatapusin."Nanita, ikaw na ang bahala dito. Mauuna na kami." Sabi ni Jared pagkalabas namin ng office."Salamat po Ma'am at Sir." Nakangiting sab
Read more
13
"What was that?" Tanong sa akin ni Jared pagsakay ng kotse."Anong what was that?" Balik tanong ko."Yung usapan nyo ni Tricia kanina. Can't you notice that everyone is looking at you two?" Hindi ko malaman kung galit ba sya or what."Anong gusto mong gawin ko? Hayaan na ipahiya nya tayo sa mga kasama mo?" Medyo tumaas na ang boses ko. Kapag naiisip ko kasi yung Tricia na 'yun ay kumukulo ang dugo ko."She's just like that. A brat. Hindi mo na dapat sya pinatulan. I gave you sign kanina." Baliwalang sabi nito habang nagdadriver. Tinignan ko sya ng masama."Kailangan nyang matuto na hindi lahat kaya nya. Isa ba sya sa mga kafling mo?" Hindi ko maiwasang itanong.Tahimik lang sya. So, ibig sabihin oo."Kaya naman pala ang bitter nya, kanina ko pa napapansin na masama sya tumingin sa akin, dinedma ko lang. Pero pinuno nya ako." Kung pwede lang tirisin 'yun, ginawa ko na.Narinig ko syang tumawa ng mahina. Nilingon ko sya. "Anong nakakatawa?""Ikaw." Nilingon nya ako. Hindi ko alam kung na
Read more
14
Ang saya-saya ng araw ko. Feeling ko, unti-unti na akong minamahal ni Jared. Confirmation na lang ang kulang.Maaga akong gumising para pumunta sa store, ngayon kasi kami magkikita ni Margareth."Good morning Ate." Nilingon ko si Jessa na gulo-gulo pa ang buhok."Good morning. Ready na ang breakfast, kain ka na." Sabi ko dito habang nagtitimpla ng kape."Where's kuya?""Nasa taas pa, pero nagbibihis na. O ayan na sya." Inabot ko kay Jared ang kape at naupo na kami."Anong oras ka uuwi?" Iritadong tanong ni Jared sa kapatid"Jared." Sabi ko. Tinignan nya lang ako at ininom ang kape."You can stay as long as you want." Nginitian ko si Jessa."Thanks ate, you're the best!" Tinignan nito si Jared na dinilaan. "Jared, maaga akong aalis, magkikita kasi kami ni Margareth para sa gown."Tumigil sya sa pagkain."Kasama ba 'yung mother in law nya?""Hindi ata." Naalala ko na naman 'yung mother in law nya na masungit."Jessa, samahan mo ang ate mo sa store." Natigilan sa pagkain si Jessa."Hindi
Read more
15
It's been two days ng simulan ko ang pananahi ng wedding gown, inspired ako kaya hindi ko talaga 'to tinitigilan."Do you want to eat?" Tanong ni Jared pagpasok nya sa private office nya. Sya ang nag insist na doon na daw para makapag focus ako."Mamaya na." Sagot ko. Hindi ko matigilan ang pagtatahi dahil talagang naeexcite ako sa kalalabasan."Ipapaalala ko lang sayo, Elaisa. It's already 1:35 pm at hindi ka pa kumakain." Natigilan ako ng marinig ko ang iritado nyang boses."Busog pa naman ako. Nag breakfast ako kanina." Naupo ako sa saglit at humarap sa kanya."Eat." Itinuro nya 'yung pagkain na nasa lamesa."Dinalhan mo ako?" Hindi makapaniwalang tanong ko."Hindi ka lumalabas eh. Tigilan mo na muna 'yan at kumain ka." Sinunod ko na ang sinabi nya, minsan lang naman 'to kaya sagarin na.Masaya akong kumain habang sya ay nakaupo at may tinitignan na papeles."May lakad ka ba mamaya?" Tumigil ako sa pagkain ng marinig ko si Jared.Saglit akong nag-isip. "Hmn. Wala, pero may tatahiin
Read more
16
"Aalis pala ako bukas ng umaga. I have a meeting in Paris." Sabi ni Jared habang nag aayos ng gamit.Natigilan ako ng magsalita sya. "Ilang araw ka doon?" Tanong ko."Five days. Not so sure." Sagot nya habang tinitignan ang papeles, at kumakain. Multi tasking. Napasimangot ako."O-Okay. Kailan ang alis mo?" Nawalan na ako ng ganang kumain kaya napatango na lang ako."Bukas ng umaga." Napaangat na ako ng ulo. "Agad-agad?" Nilapitan ko sya. Tumapat ako sa lamesa nya, gustong gusto ko syang titigan."Why? Gusto mong sumama?" Nakangisi pa sya."A-Ano." Pwede kaya?"Gusto sana kitang isama kaso magiging busy ako doon." Tumayo sya at tumapat sa akin."H-Hindi rin naman ako makakasama kasi kailangan kong tapusin 'yung wedding gown." Nakakalungkot naman."Babalik din ako kaagad." Hinawakan nya ang mukha ko at hinalikan ako sa labi, sandali lang 'yun pero feeling ko nakalapat pa rin ang labi nya sa akin."You take care of yourself, okay? No bar with Jessa." Pinindot nya pa ang ilong ko."Oo n
Read more
17
Natuyo ang utak ko dito. Some scene are not suitable for young readers. I already warned you guys, wag nyo akong sisihin kung maihi man kayo. HAHA 😉😉😉😉-------"I'm done!" Napasigaw ako sa sobrang tuwa dahil after one week ay tapos ko na ang wedding gown. Napagdesisyonan ko na tapusin ang gown sa store para hindi ako mahirapan sa pagdala."Congrats, Mrs. Montefalcon. Nasa labas na po sina Mrs. Conrado." Sabi ni Nanita habang nililigpit namin ang kalat."Talaga? Sakto pala. Papasukin mo na sila." Hindi ko akalain na natapos ko sya, first time kong gumawa ng wedding gown."Good afternoon, Elaisa." Nakipagbeso ako kay Margareth at sa Mother in law nya."Ito na ang gown." Itinulak ko papalapit sa kanila ang mannequin."Gosh! Oh my God! It's wonderful!" Halos maiyak iyak na sabi ni Margareth, pati ako ay naiiyak. "Salamat ng sobra, Elaisa." Niyakap nya ako.Tinignan ko si Mrs. Conrado, she smiled at me. "It's beautiful, I like it." "Invited ka sa kasal ko, Elaisa, I want you there." S
Read more
18
Natagpuan ko ang sarili ko sa isang waiting shed. Hindi ako pwedeng umuwi kila mama. Ayokong magpakita na ganito ang itsura ko. Sobrang bigat ng pakiramdam ko, wala akong mapagkatiwalaan na tao na pwedeng kong pagsabihan ng nangyayari sa akin, doon ko narealize na kay Jared lang umiikot ang mundo ko.[BEEP BEEP] Kinabahan ako ng may humintong kotse sa harapan ko. It's Margareth.Dinala nya ako sa isang restaurant para makapag usap."Anong nangyari sayo, Elaisa?" Tanong nya."Naglayas ako sa amin." Natatawang sabi nya."Hindi na ako magtatanong, naiintindihan ko kung hindi mo kayang sabihin ngayon. May mapupuntahan ka ba?" Umiling ako."I can help you. I have this place in Antipolo. Ipapahiram ko sayo ang rest house ko doon." Nabuhayan ako sa sinabi nya."Salamat, Margareth. Wala kasi talaga akong matutuluyan." Naiyak na ako."Okay lang yun. Basta kapag kaya mo ng magkwento, nandito lang ako."After naming mag kwentuhan ay pinahatid nya ako sa driver nila sa Antipolo. Ang ganda ng luga
Read more
19
"Congratulations Mrs. Montefalcon, you are two weeks pregnant. I will give you your daily vitamins." Tulala lang ako sa lahat ng sinabi ni Dra."Thanks, Nicole." Sabi ni tita Daniella, close friend nya daw ito at talagang mapagkakatiwalaan.Paglabas namin sa clinic ay dumiretso na kami sa drug store para bumili ng mga vitamins. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala, isang beses pa lang namin ginawa 'yun. Hindi ko alam kung maiinis ako kay Jared o matutuwa."I can't believe it! At last, magkakaroon na ako ng apo kay Jared." Masayang sabi ni tita Daniella."Tita, hindi pa ako handa ipaalam kay Jared." Hindi ko kasi alam kung matatanggap nya."Sure, Elaisa. I will keep in touch. Ako ang sasama every check up mo." Niyakap ako ni tita ng mahigpit. Naiiyak na naman ako. Hindi kami umuwi kaagad dahil nag grocery muna kami para sa mga pagkain ko. Napahawak ako sa tiyan ko, may kasama na ako, hindi ko na pwedeng pabayaan ang sarili ko. Hindi ko ipagkakait sa anak ko ang ama nya, pe
Read more
PREV
123456
DMCA.com Protection Status