"I'm sorry, David, ayaw kong maging unfair sa iyo, pero hindi ko matatanggap ang alok mong magpakasal ako sa iyo... I am so sorry...!," sagot ko kay David na nagpaguho ng matamis nitong ngiti at napalitan ang agad ng kalungkutan ang mga nagungusap nitong mga mata. "But I love you so Ann I am sure we can work out things together. You and I, paninindigan kita, aakuin ko ang baby mo na parang akin. Junior is mine. I will give his name to him," pagsusumamo pa nito na tila ba siguradong- sigurado sa sarili na sa huli ay makukuha nito ang matamis kong oo. "No... no...no... hindi ganoon kadali iyon, David! Paano mo ako paninindigan hindi mo nga pa ako lubos na kilala? You don't know anything about me. At isa pa, akala ko ay kaibigan lang din ang turing mo sa akin at lahat ng biro mo ay hindi totoo,"mariin kong sabi. "I don't care about your past. What is important now is.. us, tayo ni Junior. We can be a family if you let me marry you... so, please isipin mo naman ang kapakanan at magi
Mehr lesen