SPG!!! Warning: Some scenes are not suitable for young readers; some vulgar words are used. Read at your own risk!!!! "Mauna na kayo Sir Jethro, Tim, susunod na lang ako, magbabanyo muna ako doon," sabi ko sa kanila sabay turo sa comfort room na malapit sa golf area. Sasakay na sana kami ng golf cart papunta sa golf course na assign sa kanila ni Jethro at Tim. Ngunit talagang tinatawag na siya ng kalikasan at kailangan niya talagang mailabas ang dapat mailabas kung hindi baka doon pa siya sa golf course magkalat kaya't pinauna niya na ang magtiyuhin. "We will just wait for you here Miss Jayda," madiin na sabi ni Jayda. "Nope, okay lang talaga sir, malapit lang naman ang comfort room puwede ko ng lakarin papunta sa golf course, mukhang excited na si Tim makapaglaro, sige na...," sabi ko pa. "Okay, see you there, Miss Jayda," masaya namang sabi ni Tim. Aangal pa sana si Jayda ngunit pinasakay ko na sila sa golf cart at sumenyas na umalis na sila. Nagpakawala naman a
Last Updated : 2026-02-20 Read more