"Gab, she's awake." It's Lyam.Kasalukuyan siyang nagbabasa ng report ni Jrex mula sa kaganapan doon sa Monarch nang pumasok ang kapatid na doctor.Iniwan niya ang laptop. "Kumusta siya? Ang bata, ayos lang ba?""The baby is fine. But I think there's something wrong with the mother, with Ms. Selbestre I mean," sagot ni Lyam."Thank you, Lyam. I'll take it down from here." Tinapik niya ito sa balikat at mabilis na nagtungo sa silid ni Jeneviv. Ngunit wala roon ang dalaga."Gab..." itinuro ni Lyam ang closet.Saglit siyang napatitig doon at nauulinigan ang impit na iyak mula sa loob na tumatagos sa awang ng pintuan.Nang buksan niya ang kambal na pinto ng closet ay tumambad sa kanya si Jeneviv. Nakasiksik sa sulok. Tinatakpan ng mga kamay ang tainga. Umiiyak at nanginginig sa takot."Jen," malumanay niyang tawag dito.Dumoble ang takot na bumadha sa mukha nito at mga matang hilam sa luha nang tumingin ito sa kanya."Gabrylle Andromida," napahagulgol ito.No. This isn't Jeneviv. He is in
Last Updated : 2025-06-29 Read more