Lahat ng Kabanata ng Twin Flames: Kabanata 1 - Kabanata 4
4 Kabanata
Simula
Timothy RuizMariin kong pinagmasdan ang babaeng nakatayo malapit lamang sa akin.I could see the beads of sweat on her slender neck sliding to her shoulders. Kagagaling niya lamang sa pagtakbo at marami kaming nasa pila kaya mainit. Matangkad siya ngunit umaabot lamang iyon sa aking balikat. Her eyes are a beautiful shade of brown, misteryoso ang mga iyon na tila inaakit ka na lumuhod sa harapan niya. Her lips are full and red while her nose is small and pointed. I am certain that she could lure any man with her features. But not me. Not when she matches the girl in the fucking picture sent to me a month ago.I eyed her once again hoping to see a slight difference. But there's none. I could feel my insides twisting. She is bound to be his. At ano ang mas malala? It is my mission to bring her to him. Tumunog ang telepono sa bulsa ko. Hindi ko sana titingnan pero kailangan ko ng distraksyon mula sa paninitig kay Idalia. And I know I almost lost it when I thought of how beautiful and
Magbasa pa
Chapter 1
Timothy Ruiz(One month ago.)“Utos galing sa taas, pinadala na raw sa address mo lahat ng files,” ani ni Gio. People in the organization knows him as Leonas but we prefer to call each other by our name whenever it's just the two of us.Lumaki kami nang magkasama, sabay kaming namulat sa mundo na inilaan para saamin. We learned how to shoot a gun at an early age, we learned the cruelty of the world from our very own family. We learned that there's no softness and tenderness for people like us, for people who hurt others for survival.His whole family died in an attack, leaving him alone. My father, Jarrel, took him in. But we know it's not because of kindness. Jarrel simply needs another pawn to use in his sick games. Tinapon ko ang sigarilyo sa ashtray sa harapan ko. Small bits of ash went to the documents scattered on my table.“Tungkol saan ang misyon?” I asked him. He shifted on his seat and lit up another cigarette before answering me. “A girl,” aniya na siyang ipinagtaka ko.
Magbasa pa
Chapter 2
Idalia Flo CostañosAgad kong naitulak si Timothy. Malakas ang pagkakatulak ko sakanya, sapat man iyon para mabitawan niya ako ay tila hindi man lang siya noon nagalaw mula sa kinatatayuan niya. Muntik pa akong matumba dahil sa kalasingan, mabuti na lamang ay tumama ako sa likod ng taong nasa likuran ko.He is now looking at me with frustration visible in his eyes. Kung gaano kariin ang titig ko sakanya ay ganoon din siya sakin. It's like we're trying to figure out kung ano ang iniisip ng isa't-isa. He was about to say something nang humakbang ako paatras, still looking at him intently. Hingal pa ako nang magsimula akong maglakad palayo sakanya. Susunod sana siya nang maharangan siya ng mga taong nagsasayaw.I suddenly feel my insides twisting. What happened earlier is a mistake! I shouldn't have done that, he shouldn't have made me feel like an animal in heat! May girlfriend na siya for fuck's sake!Agad kong hinanap si Mari at hinila papunta sa table namin. Nagrereklamo pa siya ng
Magbasa pa
Chapter 3
Idalia Flo CostañosHalos lumipad ako papuntang banyo nang magising ako. Parang hinahalukat ang tiyan ko kakasuka. Naparami nga talaga ang nainom ko kagabi.Hindi parin pala ako nasasanay sa epekto saakin ng alak kahit ilang taon na kaming nag-iinom ni Mari. Napailing ako nang matingnan ko ang aking sarili sa salamin. Magulo ang buhok ko at kahit pa naligo ako kagabi ay pakiramdam ko ay amoy alak parin ako.Itinali ko ang buhok ko at naghilamos, pagkatapos ay napagdesisyunan ko nang bumaba. Hindi naman na ako makakabalik sa tulog kasi gising na gising na ang diwa ko. Idagdag pa na ginugulo nanaman ng mga nangyari kagabi ang isip ko. I shouldn't let it happen again.Pagkalabas ko pa lamang ng kwarto ay amoy ko na ang niluluto ni Mari sa baba. Dumiretso ako sa kusina at naabutan siya na may hawak na sandok. May nakasabit ring tuwalya sa balikat niya, tanda na maliligo siya pagkatapos magluto.Nang makalapit ako sakanya ay napansin ko na nakatulala siya habang hinahalo ang adobong nilu
Magbasa pa
DMCA.com Protection Status