Share

Chapter 2

Idalia Flo Costaños

Agad kong naitulak si Timothy. Malakas ang pagkakatulak ko sakanya, sapat man iyon para mabitawan niya ako ay tila hindi man lang siya noon nagalaw mula sa kinatatayuan niya. Muntik pa akong matumba dahil sa kalasingan, mabuti na lamang ay tumama ako sa likod ng taong nasa likuran ko.

He is now looking at me with frustration visible in his eyes. Kung gaano kariin ang titig ko sakanya ay ganoon din siya sakin. It's like we're trying to figure out kung ano ang iniisip ng isa't-isa.

He was about to say something nang humakbang ako paatras, still looking at him intently.

Hingal pa ako nang magsimula akong maglakad palayo sakanya. Susunod sana siya nang maharangan siya ng mga taong nagsasayaw.

I suddenly feel my insides twisting. What happened earlier is a mistake! I shouldn't have done that, he shouldn't have made me feel like an animal in heat! May girlfriend na siya for fuck's sake!

Agad kong hinanap si Mari at hinila papunta sa table namin. Nagrereklamo pa siya ngunit hindi ko na siya hinayaan makawala sa hawak ko.

We're leaving this instant! At kung hindi siya sasama saakin ay uuwi ako nang mag-isa.

Nang makuha ko ang jacket at purse ko ay hinarap ko siya. “Uuwi na tayo, Mari,” ani ko.

She squinted her eyes at inilapit ang mukha niya saakin, she's probably trying to figure out what happened. Lasing siya ngunit alam ko na alam niya parin ang nangyayari sa paligid niya.

Kahit pa man nagtatanong ang mga mata niya ay kinuha niya na ang purse niya at sumama saakin. Sumisinok pa siya nang makalabas kami.

I saw Gio walking towards us. He's probably worried for Mari.

“Anong nangyari?” tanong niya.

“Uuwi na kami ni Mari, may shift pa siya bukas ng umaga,” pagdadahilan ko na tinanguan niya naman. I wonder if he saw what happened between me and his friend earlier.

“Ihatid ko na kayo sa harap ng building mo, walking distance lang naman,” he offers.

Hindi na ako tumanggi pa at hinayaan siya na akayin si Mari. Pareho kaming lasing pero kung ikukumpara kay Mari ay nakakalakad pa naman ako nang matuwid. She certainly drank more than me.

Nang nasa harapan na kami ng pinto ng condo ko ay dali-dali ko iyong binuksan, careful enough para hindi makita ni Gio ang passcode.

Nakaakbay parin siya kay Mari para suportahan ang katawan nitong malapit nang maglupasay.

Nang mabuksan ko ang pinto ay kinuha ko na ang kaibigan ko mula sa kanya. Hindi ko hinayaan na pumasok siya sa condo ko. It's not entirely because I don't trust him, it's just that it makes me uncomfortable.

Nakuha niya naman iyon kaya nagpaalam na siyang umalis.

Inilapag ko si Mari sa sofa. Kukuhanan ko sana siya ng tubig nang mapansin kong natutulog na siya. I could hear her snoring softly, malamang ay naramdaman niya na ang pinaghalong kalasingan at pagkapagod.

Mariclaire may be the heiress of a prominent hotel chain in Asia pero nagtatrabaho parin siya. Her father wants her to be hands on pagdating sa hotel. Sabi niya pa ay kailangan daw ni Mari matutunan ang trabaho ng mga empleyado nila para mapamunuan ni Mari ang hotel nang mahusay.

Hindi naman umangal si Mari doon. Pabor pa nga iyon sakanya kasi mahalaga sakanya ang hotel, partikular na ang nasa San Rafael na ang Mommy niya ang dating namamahala.

Hindi ko napansin na matagal akong nakatitig kay Mari kaya kahit kaunti ay nakalimutan ko ang nangyari kanina.

At ngayon ay bumabalik nanaman iyon saakin. Hindi ko na yata makakalimutan ang init sa pinaramdam saakin ni Timothy kanina.

I would be lying kung sasabihin ko na hindi ko niyon pinainit ang kaibuturan ng pagkatao ko. It lit up a strange flame inside of me. Ngayon ay hindi na iyon mamatay-matay.

Kahit pa subukan kong patayin iyon ay mas lalo lamang umiinit at mas lalong nagliliyab. Hindi ito maaari, kailangan nitong mawala.

Alam kong mali ang ginawa namin kanina at maitatama lamang iyon kapag hindi na kami nagtagpo pa. Mayroon na siyang kasintahan at ako naman ay marami pang dapat na pagtuonan ng pansin.

I went inside my bathroom to clean myself. I soaped myself multiple time to remove his scent that was transferred to me earlier. He smells like the forest and I find it so intoxicating, much more reason na alisin na iyon sa katawan ko.

Pinagmasdan ko ang sarili ko sa salamin. Kahit paano ay bumabalik na ang kulay ng mukha ko sa dati. Kaunting bakas na lang ng pagpupuyat at pag-iyak ang naiwan sa mga mata ko.

Nang matapos ay nagbihis na ako. Hindi ko nakalimutan na bigyan ng kumot si Mari, lamigin pa naman ang kaibigan ko. Siguradong magrereklamo siya kinabukasan kung bakit sa sofa ko siya inihiga.

Bago ako matulog ay kinumbinsi ko ang sarili ko na limutin na ang nangyari kanina, dahil kung hindi ay mas lalo lamang akong magkakasala.

Napagdesisyunan ko na ibaon na lamang iyon sa limot at magkunwaring hindi iyon nangyari kahit pa iyon ang unang beses na nakaramdam ako ng ganoon.

Even though it's the very first time that I've felt so alive.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status