Share

Chapter 3

Idalia Flo Costaños

Halos lumipad ako papuntang banyo nang magising ako. Parang hinahalukat ang tiyan ko kakasuka. Naparami nga talaga ang nainom ko kagabi.

Hindi parin pala ako nasasanay sa epekto saakin ng alak kahit ilang taon na kaming nag-iinom ni Mari. Napailing ako nang matingnan ko ang aking sarili sa salamin. Magulo ang buhok ko at kahit pa naligo ako kagabi ay pakiramdam ko ay amoy alak parin ako.

Itinali ko ang buhok ko at naghilamos, pagkatapos ay napagdesisyunan ko nang bumaba. Hindi naman na ako makakabalik sa tulog kasi gising na gising na ang diwa ko.

Idagdag pa na ginugulo nanaman ng mga nangyari kagabi ang isip ko. I shouldn't let it happen again.

Pagkalabas ko pa lamang ng kwarto ay amoy ko na ang niluluto ni Mari sa baba.

Dumiretso ako sa kusina at naabutan siya na may hawak na sandok. May nakasabit ring tuwalya sa balikat niya, tanda na maliligo siya pagkatapos magluto.

Nang makalapit ako sakanya ay napansin ko na nakatulala siya habang hinahalo ang adobong niluluto niya.

Nasa tabi niya na ako pero tila nililipad parin ang isip niya kaya hindi niya napansin ang presensiya ko.

Pinagmasdan ko ang mukha niya, kung hindi ako nagkakamali ay may nangyari o nalaman din siya kagabi katulad ko.

Napansin niya lang ako nang kunin ko sa kamay niya ang sandok.

“Ako na tatapos nitong niluluto mo, maligo ka na at baka ma late ka pa,” ani ko.

Tumingin lang siya saakin bago pumunta sa banyo na nasa kaliwang banda lamang ng kusina.

Napa-iling ako. Hindi na ako magtataka kung bakit naging magkaibigan kami. Kung ako ay napapa-isip ng sobra, siya naman ay nawawala sa sariling pag-iisip.

Inihain ko na ang adobo sa mesa at nagsandok ng kanin sa dalawang plato. Kumuha na rin ako ng malamig sa tubig sa ref para pagkalabas ni Mari ay kakain na lamang saiya.

Nangangalahati na ako ng kinakain ko nang lumabas si Mari. Kahit papaano ay nasa tamang huwisyo na siya ngayon. Hindi na ako nag abala pang tanungin siya sa nangyari kagabi kasi alam kong mahabang kwentuhan ang aabutin namin.

Pinaalam niyalang saakin na dito siya ulit mamaya uuwi bago siya umalis.

Ako naman ang naiwan para maghugas ng pinggan.

Pagkatapos ko ay bumalik na ako sa kwarto ko para tingnan ang mga email na pinadala saakin mula sa kompanya.

I immediately opened my laptop. May nagka-ilang emails doon na mula sa mga apps at ang ilan ay mula sa kompanya.

Ang alam ko ay binigyan nila ako ng isang buwan bago bumalik sa trabaho, kapalit noon ay bawal na ako mag sick leave o umabsent.

Binasa ko ang isa, it informed me of the arrival of a new boss. Napangiti ako nang maisip na mapapalitan na si Mr. Laurel. Napaka-strikto kasi ng matanda, ma late ka lang nang kaunti ay tatalakan ka kaagad at isang linggo nang mainit ang ulo niya sayo.

Sinipat ko ang mga gamit sa kwarto ko. Malinis na nakahanger sa isang tabi ang mga damit na pantrabaho ko.

Naplantsa ko na ang mga iyon dahil bukas na bukas din ay papasok na akong muli.

Wala naman akong espesyal na gagawin ngayong araw kaya mamimili muna ako ng mga gamit ko sa bahay kagaya ng pambanyo at pang kusina.

Naisip ko sanang bumili ng mga bagong damit ngunit naisip ko na ilaan na lamang ang perang natira saakin para pambili ng mga pangunahing pangangailangan ko.

Tila may kumurot sa puso ko sa isiping iyon. Mas ramdam ko ngayon ang pangungulila sa pangangalaga ng aking ama at ni Manang Fe.

Bago pa man maglandas sa aking pisngi ang aking mga luha ay pinahid ko na ito at nagpasyang lumabas na. Malamang ay mauuwi na naman ako sa pag-iyak kung wala akong ginagawa.

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status