Share

Twin Flames
Twin Flames
Author: Aurélie Adrienne

Simula

Timothy Ruiz

Mariin kong pinagmasdan ang babaeng nakatayo malapit lamang sa akin.

I could see the beads of sweat on her slender neck sliding to her shoulders. Kagagaling niya lamang sa pagtakbo at marami kaming nasa pila kaya mainit. Matangkad siya ngunit umaabot lamang iyon sa aking balikat. Her eyes are a beautiful shade of brown, misteryoso ang mga iyon na tila inaakit ka na lumuhod sa harapan niya. Her lips are full and red while her nose is small and pointed.

I am certain that she could lure any man with her features. But not me. Not when she matches the girl in the fucking picture sent to me a month ago.

I eyed her once again hoping to see a slight difference. But there's none. I could feel my insides twisting. She is bound to be his. At ano ang mas malala? It is my mission to bring her to him.

Tumunog ang telepono sa bulsa ko. Hindi ko sana titingnan pero kailangan ko ng distraksyon mula sa paninitig kay Idalia. And I know I almost lost it when I thought of how beautiful and sensual her name sounds by just saying it in my mind.

Leonas:

You only have two months left, Jarrel.

I felt like punching someone when I read the name he called me.

“Sir, may I take your order?” I turned to the woman in front of me. Ako na pala ang nasa unahan ng pila. I glanced sideways to see Idalia already seated with her coffee. She took the chair by window. Hindi nakalampas sakin ang pagtingin sakanya ng mga taong dumadaan.

“I'll take one brewed coffee.” I said as I take money from my wallet.

Wala na akong sinayang na oras, matapos ibigay saakin ang inorder ko ay umupo ako sa upuan na medyo malayo kay Idalia. I could still see her from here and I could tell that there's something bothering her. Ni hindi niya napansin ang lalaking nag iwan ng maliit na papel sa mesa niya.

I was supposed to give her one more day before I proceed with my plan pero hindi ko na natiis na lapitan siya matapos kong makita ang papel na iyon. It probably contains the man's contact number and I'll be damned if she took it.

I walked towards her and sat in front of her, my sudden move pulled her from her thoughts.

Tiningnan niya ako nang may pagtataka sa mga mata. She's probably wondering why I'm sitting in front of her when we totally don't know each other. But that only applies to her, alam ko na ang lahat sakanya.

“Excuse me, do I know you?” she asked, flashing me her angelic smile.

I crossed my legs and put down my cup on the table before answering her.

“You don't” I said, answering her.

Nawala ang ngiti sa labi niya at napalitan iyon ng pagtataka. She was about to say something but I didn't let her.

“But you could start to get to know me today,” sabi ko. She tilted her head, still confused.

“I mean we could start to get to know each other today,” sabi ko pa at pasimpleng kinuha ang papel bago niya pa man iyon mapansin. I crumpled it and placed it in my pocket, with the intent of burning it when I get home.

Tumango-tango siya at inilahad ang kamay niya sa harapan ko.

“Well, I am Anna Laurel,” aniya nang nakangiti.

Tumaas ang gilid ng aking labi matapos niyang sabihin iyon. Only if she knows that I already know almost everything about her life and not just her real name. I smiled knowing that she did it to get rid of me.

Marahil ay iniisip niya na hindi ko siya lulubayan hanggang hindi niya binibigay saakin ang pakay ko.

“Timothy Ruiz,” I said as I take her hand. I can't help but notice how it perfectly fits inside mine. Hers are small and soft against my big and rough hand.

We shook hands. Natahimik kaming muli. Nanlikot ang mga mata niya, senyales na hindi siya kumportable sa presensiya ko.

Tumayo na ako at napatingin naman siya saakin.

“Well, I have things to take care of. See you later, Anna,” ani ko, emphasizing her name.

Ngumiti siya, “See you, Timothy” pagpapaalam niya.

Hindi ako nagsinungaling nang sabihin kong may aasikasuhin pa ako. I took out my phone as soon as I exited the coffee shop.

I texted Leonas about his share in the mission and went on my way.

It seems like those old men are forgetting something. I have to remind them that.

Idalia Flo Costaños

Hindi ko ipagkakaila na nagsisisi ako nang maling pangalan ang banggitin ko kay Timothy.

He looks like he could rule the world if he wants to and the world would be willing and glad to obey him.

His eyes were deep and somehow hollow, like there's nothing inside of it aside from complete darkness. His eyes might look dead but the rest of his face tell me otherwise, they appear strong and alive.

Ibinaon ko na ang pagsisisi at muling ibinalik ang aking atensyon na mga problemang kinakaharap ko ngayon. Kailangan ko nang lumipat sa maliit na condominium na nahanap ko kanina bago pa man ang bangko na mismo ang magpaalis saakin mula sa mansyon.

Naibenta ko na iyon at ang lahat ng bagay sa bahay na maaari kong ipagbili. Nabayaran ko na rin ang lahat ng utang na naiwan ni papa. What's left is to live my life...alone.

Isang buwan na ang lumipas pero nanggigilid parin ang mga luha ko sa tuwing naiisip ko siya.

Inatake siya sa puso nang minsang nagpaalam siya sakin na pupunta lang sa park na lagi niyang pinupuntahan para magpalipas oras. It was an ordinary sunny day. Iniwan niya sa bahay si Rodolfo, anak ng mayordoma, na dapat sana ay kasakasama niya sa tuwing aalis siya.

Nagmamadali ako noong pumunta sa kompanyang pinagtatrabahuhan ko matapos sila magpatawag ng agarang meeting. Natural na iyon dahil may hinahabol kaming sales quota.

Hindi pa man ako tuluyang nakakapasok sa kompanya ay mayroon nang tumawag sakin para sabihin na inatake si Papa. Sa ospital na ako noon dumiretso at nadurog nang sabihin saking dead on arrival si Papa. Sinubukan pa siyang i-revive ngunit wala na talaga.

That was when I felt like the world turned its back on me. It felt like I died along with him.

Wala akong alam sa mga utang niya kaya nagulat ako nang bigla na lang sumulpot ang mga naniningil kahit nakaburol pa si Papa. And they are not asking for small amount but millions of money.

Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko sa mga oras na iyon. Naisip ko ang perang iniwan saakin ni Papa at ang naipon ko sa pagtatrabaho, ngunit hindi parin iyon sapat kaya napilitan akong ibenta na ang mansyon na minana pa ni Papa mula sa mga magulang niya.

Bumuntong hininga ako at napagdesisyunan nang umalis sa coffee shop.

Malamig na simoy ng hangin ang sumalubong saakin pagkapasok ko sa mansyon. Nakahilera na sa may pinto ang dalawang malaking maleta at isang duffle bag. My heart sank when I realized na iyon na lamang ang natitira saakin. Gone were the dresses, bags, and shoes my father bought me when he was still alive. Alam kong magiging iba na ang takbo ng buhay ko.

My phone lit up and I saw Mari's name on the screen. Siya ang kaisa-isang taong pinagkakatiwalaan ko, she took care of me nung mga panahong subsob ako kakaasikaso sa mga utang ni Papa. She didn't leave me behind despite knowing that I have nothing to give in return.

Mari:

Papunta na ako, Flo.

I smiled upon reading her text. She offered to give me a ride to my condominium, lalo na at medyo malayo iyon dito.

Di nagtagal ay nakarating na siya dala ang kotse niya. Tinulungan niya akong mailagay ang mga gamit ko sa sasakyan.

Aalis na sana kami nang mapansin ko ang kararating lamang na si Manang Fe.

Tila automatikong bumuhos ang luha mula sa mga mata niya nang dumako ang mga mata niya saakin. Napahigpit ang hawak niya sa balabal na nakasabit sa balikat niya.

I wasted no time and went to her. Tila ako lasing sa pinaghalong lungkot na nararamdaman ko at sa pamilyar na init ng yakap niya. I grew up in her emrabe. Niyayakap niya ako noon sa tuwing nalulungkot ako. Niyayakap niya ako noon sa tuwing pakiramdam ko ay sasabog na ako.

Siya ang tumayong ina ko nang iwan kami ni Mama. Mayordoma siya ng bahay at kahit hindi man kasali sa trabaho niya ang kalingain ako, ginawa niya parin. Like a mother to her own child.

“Iha, magpakatatag ka ha? Huwag ka magpapagutom doon, huwag mo lulunurin ang sarili mo sa trabaho...,” she's crying while saying those.

I hugged her tighter while I buried my face into her neck. Although it hurts me to be apart from her, I have to. Gusto ko man na manirahan na lang sa kanila ngunit hindi maaari, alam kong naghihirap din sila lalo na't pareho na sila alagain ng asawa niya.

“Opo, Manang Fe. I will be strong for you and for Papa, kakayanin ko po...pangako,” I said in between sobs.

Kumalas na ako sa yakap nang makita ko si Rodolfo na papalapit saamin, he held Manang Fe's shoulders and smiled at me, letting me know that he believes in me.

Naipasok na namin ni Mari ang mga gamit ko sa kotse at isinara ang gate ng mansyon. Muli kong niyakap si Manang Fe bago pumasok sa sasakyan. My heart shattered again when I saw her cry even more. I waved them goodbye nang umandar na ang sasakyan.

Napansin ko ang paglingon-lingon saakin ni Mari.

“Ayos lang ako, Mari,” ani ko.

“Alam ko, I just want to let you know na nandito lang ako para sayo,” aniya habang nasa kalsada ang tingin.

Her words touched my heart. She always reminds me that.

Natahimik na kami sa biyahe, pinagmasdan ko ang mga nadadaanan namin. Mula sa kalsadang kabisado ko hanggang sa unti-unti nang hindi naging pamilyar saakin. I sighed once again. Mabuti na rin na malayo ako sa lugar na iyon, it will only cause me constant pain kapag naroon ako.

“Why don't we have fun later, Flo? Gio said na maganda raw yung night club malapit sa condo mo. You need to loosen up!” Mari said in a voice na hindi ko kayang hindian.

She knows me too well, alam niya na kung hindi ako occupied ay magmumukmok nanaman ako buong gabi.

“Uwi lang tayo ng alas dose, may shift ako sa umaga eh,” she added.

Nilingon niya ako at tumango ako sakanya. She smiled at binuksan ang radyo. It played a lively song. The song make it sound like everything's fine, like you could still dance even though your heart is broken.

Nakarating na kami sa condo ko matapos ang isang oras. Kinuha ko iyong isang maleta at sinimulang ayusin. Kinuha naman ni Mari yung isa pa at tumulong na sa'kin para raw matapos kami agad at makapagliwaliw na. 5pm na rin kasi nang makarating kami.

Sa kalagitnaan ng pag-aayos ay nabigla ako nang bigla siyang sumigaw.

“OH MY GOD, FLO! YOU KEPT IT!” aniya habang itinataas ang hawak niyang pulang dress.

“Of course I would keep it, regalo mo yan nung 18th birthday ko eh,” I told her.

Nagliwanag naman ang kanyang mga mata at dinamba ako ng yakap.

“YOU'LL BE WEARING THIS TONIGHT!” I gasped when she said that. Itinago ko lang naman iyon pero wala akong balak na suotin iyon!

Sinubukan na namin iyon isuot saakin pero hindi ko nagustuhan kasi masyadong maiksi at hapit-hapit sa katawan ko, iyong tipo na masisilipan kaagad kapag yumuko ako.

“No, Mari, I WILL NOT WEAR THAT THING!” may diin na sabi ko. Makikipagmatigasan ako kung kinakailangan, huwag ko lang iyong suotin.

“Sige na, Flo, please...,” she pleaded. Lumuhod pa siya sa harapan ko, mabuti na lamang ay may carpet ang hapag para hindi siya masaktan.

“Please, Flo, kahit magsuot ka ng jacket over this basta suotin mo to tonight,” dagdag niya pa.

I was hesitant at first pero naawa na ako sa itsura niya ngayon, plus I'll be wearing leather jacket naman over it. It wouldn't hurt naman siguro.

Natapos kami mag-ayos nang mag-aalas siyete y media na. Medyo natagalan pa kami kasi hindi ako pumayag na umalis nang hindi pa kumakain.

As I expected, maiksi nga iyong dress at may slit pa sa kanang legs ko. Hapit din iyon kaya kapansin-pansin ang nipis ng baywang ko. Hindi ko rin gusto na deep v-neck iyon. Buong gabi yata akong hindi yuyuko.

I asked Mari if I could change my dress pero hindi na siya pumayag. She was grinning from ear to ear nang sabihin niyang bagay na bagay daw saakin.

Hindi na ako nakipagtalo pa. She is also wearing a dress like mine tonight. Iba nga lang ang kulay at ang ibang details. Hers has sleeves while mine only have thin strings tied in a bow sa magkabilang balikat ko. Mabuti na lang talaga at may suot akong jacket.

True enough, malapit lang talaga iyon sa building kung nasaan ang condo ko. We didn't even have to ride her car para pumunta doon.

Inilibot ko ang paningin ko nang makapasok kami. Drunk people are everywhere. Sinalubong si Mari ni Gio at iginiya kami sa kalapit na table nila. Mari insisted na hiwalay ang samin kasi she said na she plans to have fun with me at hindi iyon mangyayari kung may kasama kaming iba. She knows that I find it hard to be with people.

Pagka-upo pa lang ay ramdam ko na ang bigat ng titig ng isang tao mula sa table nina Gio. He is directly looking at me. Ni hindi niya iyon tinatago. I didn't know na magkakilala sila ni Gio. I didn't know na ito pala yung later na sinasabi niya kanina. Timothy continued to look at me, my throat suddenly feels dry, inisang lagok ko ang inumin na binigay saakin ni Mari. Tinanggal ko na rin ang leather jacket na suot ko dahil nakaramdam na ako ng init. Muli ko siyang sinulyapan at mas lalo lamang nandilim ang paninitig niya saakin. Gone were the friendly smile he showed me kanina sa coffee shop, like the Timothy right now is a completely different person.

Pilit kong hindi pinansin ang presensiya niya at tumutok sa sinasabi ni Mari. It was working for the first hour when Mari suddenly pulled me out of my seat. Dinala niya ako sa gitna ng nagsasayawang tao kaya tinawanan ko na lamang siya at kumalas sa pagkakahawak niya. Pinabayaan niya naman ako, I don't have the confidence to dance and though nakainom na rin ako ay nasa tamang pag-iisip pa naman ako.

Bumalik ako sa aking upuan nang hindi tumitingin sa gawi nina Gio and prayed to all higher beings na patigilin na si Timothy sa paninitig saakin. It's doing something strange in my insides.

Umupo na ako and this time, patalikod sakanya and tried to calm myself. Gumagana naman iyon hanggang sa marinig ko na lang ang malamig niyang boses mula sa likod ko.

“Idalia...”

‎ ‎

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status