All Chapters of My Mute Billionaire Husband: Chapter 31 - Chapter 40
53 Chapters
Kabanata 30
"A-AH!" napahawak ako ng mahigpit sa balikat niya nang buhatin niya iyong katawin naming dalawa na magkadikit pa rin papunta sa mas komportableng parte ng kama.Ramdam na ramdam ko iyong ano niya na malapit lang sa suot kong pang ibaba. Gusto ko na rin sanang hubadin iyong damit ko, ngunit katulad nga ng nasa isip ko kanina pa, ayokong magmadali. Ayokong isipin niyang atat na atat ako sa balak naming gawing dalawa."T-Teka—" naramdaman kong napahinto siya sa paghalik sa leeg ko. Lumunok muna ako bago nahihiyang tumitig rin sa mga mata niya na ngayon ay madumi na naman akong pinagmamasdan."I-Ito?" nahihiya kong tinuro iyong pang itaas kong damit. Umiwas pa ako ng tingin sa kanya sa kadahilanang baka matawa siya sa tanong ko.Naramdaman kong hinawakan niya iyong kanan kong kamay. Napatingin uli ako sa kanya. Ang kaninang maduming tingin ng mga mata niya ay agad na napalitan ng saya."Ulit," sinabi niya at saka ulit sinakop iyong labi ko. Napahawak ako ng mahigpit sa balikat niya.Naram
Read more
Kabanata 31
NAKARINIG kami ng ingay bago ko pa balak sanang sagutin nalang iyong tanong ni Tita Kace sa akin. Napalunok ako bago kumukurap na binalingan iyong taong malapit lang sa amin na nakatayo."A-Allen?" agad na nanlaki ang mga mata ko. Ilang beses akong napakurap para pigilan iyong paglandas ng mga luha ko sa mata.Seryoso lang iyong ekspresyon ni Allen habang iyong paningin ay na kay Tita Kace. Napatingin ako sa mga kamay niyang may dalang plastic bag. Nasa sahig na iyon at siguro, ito iyong pinagmumulan ng ingay.Mukhang may bagay sa loob non."Mukhang nagsasama na yata kayo. Ijo, sigurado ka na ba?" napatingin ako kay Tita Kace nang magtanong siya. Na kay Allen iyong paningin niya habang may nang aasar na ngiti sa labi."I mean, sigurado ka na ba sa babaeng—""Ulit." natigilan ako. Dahan dahan akong napatingin kay Allen at saka ko naramdaman ang agad na pag awang ng labi ko. Naramdaman kong natigilan rin sa kinatatayuan niya si Tita Kace."A-Anong—"Tinuro ako ni Allen. Nakita kong nagl
Read more
Kabanata 32
KINUHA ko iyong ballpen na inilahad ni Allen sa akin. Napatingin ako sa brown evelope at saka sa kanya. Kita ko ang mabilis na pagkislap ng mga mata niya matapos mapunta sa kanya iyong atensyon ko."S-Sigurado ka na ba dito?" tanong ko, naninigurado na hindi siya napipilitan sa gagawin namin.Nakita kong napatingin siya sa labi ko. Hindi ko mapigilang hindi makagat iyong labi ko sa baba dahil sa titig niyang parang mangangain na.Tumango siya ng dahan dahan habang iyong mga mata ay nasa labi ko pa rin. Para mabawasan iyong nabubuong kaba sa nararamdaman ko, agad kong iniwas iyong mukha ko sa kanya dahilan para mapakurap siya at mapatingin sa mga mata ko."Sigurado k-ka—" tumango siya. Iniwas niya iyong paningin niya sa akin na para bang may nagawa akong nakapagpapikon sa kanya.Palihim akong napangiti.Naramdaman kong binitawan na niya iyong bewang ko. Naglakad siya papunta sa lamesa at umupo sa upuan na inuupuan niya kanina. Nakita kong sinulyapan niya muna ako bago umayos ng upo.Bu
Read more
Kabanata 33
"W-WHAT?" gulat iyong mukha ko at pinipilit pa rin iyong sarili na magtanong.Tama ba iyong narinig ko?"A-Ano'ng sinabi mo?" nanginginig kong tanong. Nakagat ko pa ang pang ibabang labi ko dahil sa kaba na nararamdaman ko. Agad ko lang itong naramdaman pagkatapos ko marinig iyong sinabi niya.Wala man lang pagtataka sa mukha niya habang nakatingin lang sa nanlalaki kong mata.Nakita kong tumaas iyong gilid ng labi niya. Umiling iling siya at saka bigla nalang hinawakan ang bewang ko. Naramdaman kong inalis niya ako sa kandungan niya.Napalunok ako at ilang ulit siyang sinulyapan.Hindi ako bingi para hindi marinig ng maayos iyong sinabi niya. Nasa harapan ko lang siya at sa klase ng pagkakasambit niya ng mga salitang iyon kanina, hindi iyon gaano kalakas at kahina.'Love you'Napakurap kurap ako at napatikhim. Umayos ako ng tayo at saka na naman siya palihim na sinulyapan.Ulitin mo 'yon!Napayuko ako ng kaunti. Napatingin ako sa mga kamay ko na ngayon ay nakasarado ang mga palad.Na
Read more
Kabanata 34
"M-MIE?" tinawag ko si Mommy nang makita ko siyang nasa tabi ni Allen. Nasa kaliwang kanan siya habang parehas silang nakaupo sa sofa. Nagsasalita si Mommy habang si Allen naman ay nasa harapan lang ang paningin.Alam kong may galit pa din siya kay Mommy. Kung ako ba naman siya, siguradong ganyan rin ang magagawa ko sa babaeng nang iwan sa akin noong bata ako. Iniwan ang asawa at anak para lang sa kakakilala pa lang na lalaki? Napakalaking kasalanan na no'n.Wala akong galit kila Mommy at Daddy. Wala rin akong alam sa tunay na rason kung bakit iyon ginawa ni Mommy, pero kasi, mali iyon, e. Hindi niya dapat iniwan nang ganon ganon nalang iyong anak niya. I mean, nangangailangan pa rin ng kalinga iyong bata.Lalo na't ang tatay din ng bata ay hindi siya inangkin. Prinotektahan man, patago naman. Itinuring lang siya nitong pamangkin.Mabuti nalang talaga nagka ayos na sila ngayon ni Daddy, Mommy at saka Tito Fanio. Sa ibang bata man nagpakatatay si Tito Fanio, ang mahalaga, hindi nagtaga
Read more
Kabanata 35
MALAKAS akong napahalakhak dahil sa pikon na mukha ni Damaris habang kumakain ng pasta sa restaurant na kinakainan namin ngayon. Katabi ko si Mommy habang katabi niya naman si Allen na napapansin kong kanina pa tudo titig sa akin.Napatawa nalang ako sa isipan ko dahil hanggang ngayon ay pinagpapawisan pa rin siya."Tumigil ka na nga, gaga!" inis na pagpapatigil sa akin ni Damaris. Mas lalo pa akong napahalakhak."Huwag mong sabihin, inlove ka kay Faxon?" asar ko. Agad na naman na nangunot ang noo niya."Hindi nga sabi! Ikakasal lang kami. Iyon lang iyon. Then, pagkatapos ng three years, iiwan ko na rin siya." Inirapan niya ako."Basta feel ko, mabubuntis ka!" napatawa ako. Inis niyang inilapag ang kutsara niya sa pinggan at padabog na umalis sa upuan. Naglakad siya papuntang isang pintuan nitong resto na mukhang CR yata."Hindi mo na dapat siya inasar pa," sinabi ni Mommy at saka natatawa akong inilingan. Napangiti ako."Halata naman na may pagtingin siya sa mapapangasawa niya, Mie."
Read more
Kabanata 36
NANGINGINIG ang labi at ibang mga parte ng katawan ko. Unti unting tumutulo iyong mga luha ko sa mata habang yakap yakap si Mommy na ngayon ay pilit akong pinapatahan. Umiiyak na rin siya."Shh, tahan na…" umiiyak na pagmamakaawa ni Mommy. Napatigil ako sa pagkakatunganga sa lalaking dahilan kung bakit ako takot na takot. Napatingin ako sa mamang pulis nang humarap ito sa amin. May inilahad siyang puting papel kay Daddy na nasa tabi lang din ni Mommy. Seryoso niyang tinanggap iyon at binasa.Napunta uli iyong atensyon ko kila Allen at Luis na ngayon ay parrhas na nasa loob ng kulungan.Hindi pa rin ako makapaniwala na ang lalaking pinagkatiwalaan ko simula noong bata ako ay siyang mananakit sa akin ngayon ng ganito ka tindi.Luis, bakit mo ginawa iyon?Gusto ko siyang tanungin gamit ang linyang iyan. Ngunit, natatakot ako. Natatakot pa rin akong baka may gawin pa siyang mas matindi pa sa ginawa niya sa akin kanina.Napapikit ako at muling napaluha."Shhh…" naramdaman kong mas hinigpit
Read more
Kabanata 37
NASA KUWARTO ako ngayon. Nakatunganga at iniisip pa rin iyong pagkikita namin kanina.Allen.Ngayon ko lang napansin na nakalabas na pala siya ng kulungan. Muntik na niya kasing mawalan ng dugo si Luis sa kakasuntok ng araw na iyon kaya pinapasok muna siya sa silda ng mga pulis.Napakurap ako nang maalala iyong mukha ng kasama niya kanina na siyang umagaw rin sa bibilhin ko sanang cake.Hindi ba siya marunong bumili ng siya lang? Kailangan ba talagang sumama iyong babaeng iyon?"Ahhh!" inis kong sigaw.Ngayon, wala na akong cake. At kasalanan niya iyon.Napahiga ako sa kama bago pagod na napabuntong hininga.Hindi niya naman talaga kasalanan iyon. Naduwag lang akong ipaglaban iyong cake dahil sa nakita kong magkasama sila.September 1.Kinuha ko iyong cellphone ko malapit lang sa ulo ko at agad na tiningnan iyong kalendaryo sa cellphone ko.Happy Birthday, Self.Napangiti ako matapos batiin iyong sarili ko.Sana… si Allen…I mean, napermahan ko na, di ba? Ibig sabihin no'n, mag asawa
Read more
Kabanata 38
HINDI AKO makagalaw matapos tumalon ni Luis sa bintana ng kuwarto ko at saka walang lingon lingon nang umalis."God...Al, ayos ka lang ba?" rinig kong tanong ni Trisha. Napalunok ako. Nanginginig ang mga kamay na pinahiran ko iyong palad ko sa damit ko na para bang may kung anong dumi na kailangan mawala roon."Oy, bakit?" napansin yata ni Damaris iyong pagkabalisa ko kaya siya napatanong. Dali dali akong umiling. Mabilis na nagsilabasan iyong mga luha ko na siyang nagpainis sa akin.Bakit ba ako umiiyak?"W-Wala." Itinigil ko iyong pagpahid sa damit ko at saka binalingan sila ni Allen."Sigurado ka?" tanong ulit ni Trisha. Nakita kong inilapat niya iyong mga kamay niya sa balikat ni Allen na para bang pinapakalma niya ito gamit ang paggawa niya non. Agad na napakurap ako para mawala iyong mga butil ng luha ko na ngayon ay nasa gilid pa rin ng mga mata ko.How could she..Naramdaman kong napabaling sa akin iyong mga mata ni Allen. Sinulyapan ko ulit sila, ngunit sa pagkakataon na ito,
Read more
Kabanata 39
Allen HolmesMATAPOS kong marinig iyong pagkaayaw ni Thara sa akin, agad akong naglakad papalabas ng kuwarto niya at padabog na sinirado iyong pintuan.I can sense Damaris eyes were on me. Hindi ko na siya pinansin pa.Malalim iyong iniisip ko at hindi man lang makatingin sa mga bisitang nadadaanan ko. I should greet them, right?…but I cant.Masyado pa akong wala sa sarili at iyong mga salita niya pa rin iyong paulit ulit na bumabalik sa isipan ko.Bumalik ako sa mga kasama ko at saka wala sa mood na napaupo sa sofa katabi ni Faxon. Napansin kong may hindi na gaano kahabang mesa na nasa harapan namin. Meron na roong mga pagkain at mga inumin.Naramdaman kong napabaling sa akin iyong pinsan ko at saka iyong mga kasama ko."May nakaaway?" natatawang tanong ni Paul. I ignored him. Napansin niya siguro iyong sugat ko malapit sa labi kaya siya napatanong.Pinagmasdan ko ang paligid ng pansamantalang bahay nila ni Thara.'Ayoko na kay Allen..'Napaigting ang bagang ko at saka mariin na napa
Read more
PREV
123456
DMCA.com Protection Status