All Chapters of My Mute Billionaire Husband: Chapter 11 - Chapter 20
53 Chapters
Kabanata 10
"ANONG ngiti 'yan, ah?" napabaling ako sa boses na nanggagaling sa gilid ko. Napangiti ako bago umiling kay Mommy."Wala po. Malapit na po ba tayo?" tiningnan ko ang labas ng bintana nitong kotseng sinasakyan namin. Paalis na kaming mansyon. Nakapagpaumanhin na rin ako kila Tita kanina dahil sa pagsigaw ko kay Luis. Mabuti nalang at naiintindihan nila. Kaso, mukhang hindi pa maayos kay Luis ang pagsigaw ko at pag alis sa harapan niya ng ganon ganon nalang kanina.Ilang minuto lang kaming ipinagdrive ng driver papuntang bahay namin. Pagkatigil na pagkatigil ng sasakyan sa harap ng bahay, agad akong nagpasalamat sa driver at saka dali dali sila Mommy na hinalikan sa pisngi.Kita ko man sa mga mukha nila ang pagkabigla, tumalikod rin ako at tumatakbong nakangiti papuntang loob ng bahay.Nang makapasok, pumunta agad akong kuwarto. Binuksan ko ang pintuan nito at saka mas lalong napangiti nang makita ang malambot kong kama. Tumakbo ako ng napakabilis papunta roon at saka pa tumayo sa kama.
Read more
Kabanata 11
"L-LUIS, tama na. Umalis nalang tayo." Agad na napabaling ang ulo ni Luis sa akin. Ang pikon na ekspresyon niya ay kaagad na napalitan ng naguguluhan. Ngunit, dahan dahan pa rin siyang tumango at tipid na ngumiti sa akin.Halos mawala ang mga mata ko sa gulat at kaba nang mapabaling ang ulo ko sa lalaking ngayon ay hawak hawak na ang kwelyo ni Luis."Al, Huwag mo ng patulan!" rinig kong sigaw ni Damaris na nasa gilid ko na pala at naramdaman ko nalang na hinawakan niya ang pulso ko. Inilakad niya ako papuntang exit ng Cafe. Habang si Faxon ay inaawat na ang dalawa dahil kaunting tulakan nalang nila ay magsusuntukan na sila.Lumingon ako kila Allen nang nanunubig ang mga mata. Malapit na kami ni Damaris sa labas ng pintuan ngunit tumigil pa rin ako para lang tingnan kung ano na ang nagaganap sa dalawa.Gusto kong tumakbo at puntahan sila para patigilin. Lalo na si Allen. May dugo na siya sa kanyang labi at ang kanyang dibdib ay tumataas baba na."A-Allen…" bulong ko. Nakita kong itinul
Read more
Kabanata 12
"GOD! Ayos lang naman kung maghalikan kayo, e. Basta huwag mo na 'yang ganyan!" halos mapatalon ako dahil sa sigaw ni Mommy. Nandito ako ngayon sa kuwarto nila at nahihiya ako dahil sa nadatnan nilang posisyon namin ni Allen kanina.Masakit pa ang likod ko dahil sa bilis ng pagkakatulak nila kanina sa pintuan."M-Mie, wala, okay? Walang mangyayari. Nadaganan ko lang siya dahil sa pagkakatulak niyo sa pintuan." Iniwas ko ang tingin ko sa kanila.Narinig ko kaagad ang tikhim ni Mommy. Tiningnan ko siya at nakita kong hindi mapalagay ang mukha niya. Ganoon din kay Daddy. Ngunit, hindi mo masyadong makikita iyon dahil umiiwas siya sa mga mata kong naguguluhan.Galit ba sila?"Bakit?" tanong ko nang nagtataka ang ekspresyon. Ang gulo ng mga mukha nila. Tiningnan ako ni Daddy at saka napabuga ng hangin."Hindi ko alam na mangyayari 'to. Na magagawa niya 'to."Ha?"Sino? Ano'ng ginawa?" nakakunot na ngayon ang noo ko.Bigla bigla nalang silang naging ganito. At kanina pa ako nagtataka kung b
Read more
Kabanata 13
"A-ALLEN?" tawag ko sa nakagapos ngayon sa katawan ko. Nakayakap pa rin ng mahigpit sa akin si Allen at mukhang walang balak akong pakawalan sa mga bisig niya."I-Ijo? Pwede ba naming mahiram muna si—" nabigla ako nang magsalita si Mommy sa gilid ko. Ngunit, mas nagulat ako nang agad na bumitaw sa pagkakayakap sa akin si Allen at saka mabilis na lumingon kay Mommy.Nakita kong napayuko kaagad si Mommy nang makalingon na si Allen sa kanya. Nakita kong sinulyapan muna ako ni Allen bago tumango kay Daddy na ngayon ay nasa likod na ni Mommy. Wala na siyang kausap at sa tingin ko, kanina pa nakalabas ang mga lalaking kausap niya kanina."A-Allen…saan ka?" tanong ko nang maglakad siya papuntang pintuan nitong kuwarto.Lumingon siya sa akin at saka ako ilang segundo na tiningnan sa mata. Nakita kong ngumiti siya bago napailing iling na humarap ulit papuntang pintuan.Hindi niya man lang sinagot ang tanong ko.Halos sampalin ko na ng pagkalakas lakas ang ulo ko dahil sa naisip ko.Paano niya
Read more
Kabanata 14
HINDI na ako lumabas o sumunod man lang kay Mommy nang bumalik siya sa labas ng kuwarto at pumuntang kainan nitong resort kung saan daw nandoon si Daddy.Sigurado akong nadoon din si Luis dahil kasama nila si Tito Fanio. Ayokong pumunta doon at makipagplastikan sa kanya at sa Mama niyang wala ng alam kung hindi pagalitan o tanungin si Mommy ng milyon milyong mga tanong about sa pagkakaibigan nila ni Tito Fanio.Napatingin ako sa malapit na lamesa dito sa kama. May maliit na orasan doon at halos mag gagabi na pala dahil sa tagal na nagkulong ako dito sa kuwarto. Kanina pang lunch lumabas si Mommy at ngayon, mag gagabi na ng hindi ko man lang napansin.Umalis ako sa kama at naglakad papuntang teresa nitong kuwarto. Balak ko munang magpahangin para naman kahit sandali ay mawala sa isipan ko ang dalawa.Ngunit, bago ako humakbang roon. Napatingin na ako sa pinto nang medyo may ingay na nabuo roon. Tiningnan ko muna ang nasa labas ng pinto. At nong masiguradong walang tao, pumunta na akong
Read more
Kabanata 15
HINDI ko na mabilang kung ilang ulit ko ng binasa ang kontrata na ibinigay sa akin ni Allen nong nasa teresa pa kami ng kuwarto.Kagat kagat ko ang pang ibabang labi ko habang nakahiga sa kama at hawak hawak ang papel na ngayon ay medyo nakusot na.Gusto kong lumabas at puntahan sa kabilang kuwarto si Allen para isauli itong kontrata dahil sa nag aalinlangan pa akong permahan. Ngunit, nahihiya ako dahil ayoko namang bulabugin siya sa pagtulog niya. Malapit ng mag alas dose ng gabi at naisip ko na baka tulog na si Allen.Nakakahiya kung magising ko pa siya.At saka, ayokong mag isip siya ng kung ano dahil lang sa magkatapat kami ng kuwarto. Nakakagulat man isipin na sa kanya pala iyong kuwartong napasukan ko nong umaga, hindi ko pa rin siya kayang tanungin kung papaano siya napunta nalang bigla bigla dito sa resort.Masyado siyang mabilis.Hindi lang sa mga galaw, pati na din sa pagdesisyon."Come on, Thara. Titingnan lang natin," pamimilit ko sa sarili ko.Hindi ko man maintindihan ku
Read more
Kabanata 16
"OKAY..." huminga ako ng malalim at saka paulit ulit na binulong ang mga sasabihin ko kay Mommy 'pag nakalabas na ako ng banyo.Ngunit, nang bubuksan ko na sana ang pintuan, mukha niya kaagad ang bumungad sa akin. Halos pamulahan ako dahil sa klase ng titig niya sa akin. Kung makatingin siya ay parang wala na siyang balak na palabasin ako dito sa kuwarto niya.Allen."T-Thara, anak..." binaling ko sa nag mamay ari ng nanginginig na boses ang paningin ko. Nakita ko si Mommy na nakangiti sa akin habang nakatayo sa gilid ni Allen.So, alam niya ngang nandito ako?!Kaagad akong napalunok at balak na sanang magpaliwanag, ngunit nakita kong tumango nalang siya bigla at saka ako niyakap."Anak, S-Sorry, ha? Sorry kasi nakapabaya kong Ina," sinabi niya, muntik ng mawala ang kanyang boses dahil sa klase ng tono na pinakawalan niya.Naguguluhan man, pilit ko pa rin na pinatahan si Mommy. Para kasing...hindi ko ramdam ang mga pinagsasasabi niya. Parang...hindi naman ako ang tinutukoy niya sa mga
Read more
Kabanata 17
MATAPOS makalabas ng building. Dumiretso kaagad kami sa kainan nitong resort. Kitang kita ko kaagad ang mukhang malinis na dagat. Medyo malayo iyon sa amin kaya medyo nanghinayang ako."Ano'ng gusto niyong kainin?" rinig kong tanong agad nong Paul pagkakita ng mga upuan at lamesa sa isang malapad at malaking silungan.Nakita kong halos lahat ng upuan, bakante. Buong room nga siguro ng building na pinags-stay-an namin, e bakante din. Mukhang walang katao tao rito sa resort except sa amin."Kahit ano, ako naman magbabayad, e." Naramdaman kong humiwalay sa pagkakagapos sa akin si Damaris. Naglakad siya at maya maya sinulyapan kami ng katabi ko na magkadikit pa rin.Naiwas ko kaagad ang paningin ko sa babae dahil sa halakhak niya habang nang aasar na pinagmamasdan ang kamay ni Allen na ngayon ay nasa bewang ko pa din. Sinulyapan ko si Allen at laking tuwa ko nang hindi niya man lang binigyang pansin ang pang aasar ni Damaris sa amin.Napakaseryoso ng mukha niya. Para siyang may malalim na
Read more
Kabanata 18
"L-LUIS—" hindi ko na natapos pa ang sasabihin ko nang maramdaman ko ang kamay ng katabi ko na kagaad na gumapos sa pulso ko. Napunta kay Allen ang paningin ko. Nakita kong madilim ang mga mata niya habang sa unahan ang paningin. Nadagdagan ng kaba ang nararamdaman ko dahil sa ekspresyon ni Allen.Ibinalik ko ang paningin ko kay Luis. Halos galit ang makikita mo sa mga mata niya. Napatingin ako sa may kamay niya ng may mahulog doon. Nakita kong maliit na susi iyon dahilan para magtaka ako kung kaninong susi iyon."A-Al? W-What are you doing? Don't touch her!" matinis na boses kagaad ang pumutol sa pagkakatahimik namin. Napatingin ako sa babaeng nasa tabi ni Luis.Trisha."Hindi kayo kasal, Trisha! At hindi kayo maikakasal! Pwede ba, umalis na nga kayo rito!" rinig kong sigaw ni Damaris na nasa likuran pala nila Luis. Napabaling ako sa kanya. Nasa gilid niya din pala ang mga pinsan ni Allen.Napakaseryoso ng mga ekspresyon nila. "Shut up!" malapit na malapit na sanang mahulog iyong mg
Read more
Kabanata 19
UMUPO kaagad ako sa front seat nitong kotse ni Luis matapos niya akong pagbuksan. Nasa harap lang ang paningin ko hanggang sa naramdaman ko ang pagpasok din ng kaibigan ko sa kotse niya.Ramdam ko ang mga titig niya sa mukha ko papunta sa suot ko nang makaupo na siya sa upuan. Gusto ko siyang lingunin at tanungin kung bakit doon siya nakatingin, ngunit mas minabuti kong huwag nalang iyon gawin.Halatang mali na iyong iniisip ko sa kaibigan ko. Baka isipin ni Luis na pinag iisipan ko siya ng masama. May tiwala pa rin naman ako sa kaibigan ko kahit na mali na iyong mga pinagsasasabi niya sa akin."S-Saan pala tayo?" tanong ko, hindi man lang siya binalak na sulyapan. Naramdaman kong natigilan siya at saka dahan dahan na ibinalik ang paningin sa harapan ng kotse. Narinig ko siyang tumikhim ng kaunti bago umayos ng upo."Sa kabilang resort. I want you to meet my Lolo." Pagkatapos niyang sabihin iyon, kaagad kong naramdaman ang kotse na gumalaw. Sinulyapan ko siya ngunit mabilis lang iyon.
Read more
PREV
123456
DMCA.com Protection Status