Semua Bab LOVING THE CEO'S MISTAKEN IDENTITY: Bab 51 - Bab 60
73 Bab
THE CONNIVANCE
“THEODORE!” Umaalingawngaw sa kapaligiran ang malakas na pagtawag ni Solenne sa pangalan ng asawa. Bumabalandra iyon sa lahat ng sulok. At dinala ng hangin sa mga silid ng kanyang kinaroroonan. “Theodore pakawalan mo ako rito! Pakawalan mo akoooo!” Paulit-ulit na sigaw ng pakiusap. Paghingi ng awa at pagpupumilit na siya’y pagbigyan ng asawa sa kanyang kahilingan na siya ay pakawalan. Ang pasigaw na paghingi ng awa at pakiusap ay sinasalitan ng malakas na palahaw ng pag-iyak. “Theooo… Theodore maawa ka naaa…” Na nakarating sa kinakukulungan ni Roman. “Boses ni Ma’am Solenne ‘yun, a,” saad sa wala na puno ng pagtataka, “nakakulong din pala siya. Bakit kaya siya ikinulong? Nalaman na kaya ni Sir Theodore ang mga pangangaliwa ni Ma’am Solenne? Nahuli kaya niya ‘yon sa akto,” sunud-sunod na tanong sa sarili. Hindi mapakaling naghanap ng kahit maliit na siwang si Roman, upang marinig niya nang malinaw ang pagsigaw ni Solenne. Dumapa sa sahig at idinikit ang tainga sa bintanilya kun
Baca selengkapnya
THE PERFECT CRIME
PAULIT-ULIT NA NIYANG binasa ang “THE PERFECT CRIME” ang nobelang isinulat nila ni Owen (na inakala niyang si Russell). Matapos ang paulit-ulit nilang pagpapalitan ng email sa pagbuo, pag-edit at pag-proof ng nobela ay natapos din iyon na kinatuwaan niya ang kinalabasan ng buong nobela. Inapura siya ni Owen na agad ipadala ang isang copy kay Theodore Rossel, ngunit bigla ring pinigil na makarating iyon sa padadalhan sa hindi niya malamang dahilan. Pilit niyang hinahanap ang dahilan kung bakit pinigil siya ng lalake na ipadala kay Theodore Rossell ang kopya ng libro sa pamamagitan ng paulit-ulit na pagbabasa nito. Pilit niyang inaanalisa ang lahat ng kabanata higit at lalo ay ang mga kabanatang si Owen ang bumuo. “Hindi kaya nag-alala siyang mabasa ni Joanne Javier ang librong ito,” tanong niya sa sarili habang muling binabasa ang tungkol sa connivance ng mga kontrabidang sina Brendon at Joanne sa nobelang magkatulong nilang binuo ni Russell, “hindi kaya nagkagalit lang sila ng ka
Baca selengkapnya
THE CAT
SA SULOK NG kanyang isip, alam ni Shelley na hindi siya bibigyan ng pagkakataon ni Owen (na inaakala niyang si Russell) na makaharap si Theodore Rossell. Malabung-malabo na ihingi o ikuha siya nito ng appointment sa bilyonaryong nais niyang makausap. “Kailangang gumawa ako ng paraan na makaharap at makausap ko si Sir Theodore Rossell!” KRIINNGGG… Russell ang pangalan na nasa screen ng kanyang phone. Pinili niyang huwag sagutin ang tawag. Pinatay ang phone upang matiyak na hindi siya matatawagang muli ng taong ayaw muna niyang kausapin. Nag-iisip na pinagmasdan ang libro na ibibigay sana niya kay Theodore Rossell. “Hindi kailangang i-publish ang librong ‘yan, Shelley,” ang natatandaan niyang pahayag sa kanya ni Owen na nagpapanggap na si Russell, “maselan ang paksa at mga kabanata ng librong ‘yan at posibleng maging dahilan para tayo maidemanda.” Dumaan lang sa tainga niya ang mga sinabing iyon ng ka-collaboration niya sa pagbuo ng nobelang “The Perfect Crime”. Binale-wala at ini
Baca selengkapnya
THE EVIDENCE
KASAMA ANG KANYANG dalawang bodyguard, ay pinuntahan ni Theodore Rossell ang cellphone repair shop na inirekomenda sa kanya ng isa sa mga ito. Ang ibig niya'y matiyak na siya lamang ang makakabasa ng mga nilalaman ng cellphone ni Roman na ibinigay sa kanya ng isa niyang badigard, noong iniharap sa kanya ng mga ito si Roman Romano. "Ano'ng gagawin ko dito, Sir Theodore?" Tanong ng badigard na inabutan niya ng cellphone. "Ipatanggal mo ang password or finger print, or both para mabuksan ko at mabasa ang lahat ng nasa cellphone na 'yan." "Okay, Sir Theodore. I'll look for Sonny Boy. Expert 'yun sa mga ganyan." "I'll go with you." Saad ng bilyonaryo kasabay sa pagbaba ng sasakyan, habang nakaalerto ang isa pa niyang bodyguard. Isang senyas lang ng kamay ni Theodore ay walang imik na pumuwesto sa tabi ng sasakyan ang bodyguard at handang maghintay sa kanilang pagbalik. Hindi umimik ang badigard. na may hawak ng cellphone. Malikot ang mga matang pumuwesto ito sa likuran ng amo habang
Baca selengkapnya
KUNG ANO ANG PUNO SIYANG BUNGA
SHOCKED.Hindi mapaniwalaan ni Owen ang nabasang mga palitan ng message ng mama niya at ni Roman. Paulit-ulit niya itong binalik-balikan at binasa upang matiyak sa sarili na hindi siya nagkakamali sa pagkakaintindi sa mga palitan ng mensahe ng kanyang kinikilalang tunay na ina at ng dating head ng security force sa mansion ng mga Rossell.Na siyang nagmamay-ari ng teleponong hawak niya.Naninikip ang kanyang paghinga. Nanlalamig ang pakiramdam niya sa buo niyang katawan. Wari ay parang bulkan na sumasabog sa kanyang isipan ang nag-iisang pangarap niya sa buhay.Ang magkaroon ng amang magmamahal sa kanya nang katulad ng pagmamahal na naramdaman na niya sa amo na kanyang pinaglilingkuran.Nakangangang hindi masabi ang nais niyang sabihin na napatitig siya kay Theodore Rossell. Hindi niya mahagilap sa kanyang isip ang tamang pangungusap na kailangang sabihin upang ipagtanggol ang kanyang mama.Nakatitig sa pawisan niyang mukha si Theodore. Hindi nakaila sa mapanuring mata ng bilyonaryo a
Baca selengkapnya
ANG MAS MATALINONG MATSING
BUMALANDRA ANG LIKOD ni Solenne sa gilid ng sofa at bumagsak sa sahig nang mawalan siya ng balanse matapos marahas na itulak ni Theodore. Pasalampak siyang napaupo. Napangiwi sa sakit na naramdaman. Nagpapaawang tumingin siya sa asawa. Ngunit wala siyang nakitang kahit sampatak na expression ng pagkahabag para sa kanya sa mukha nito. Hindi masusukat na galit at suklam ang nakapinta sa mukhang iyon. “Ano naman ang kasalanang ibibintang mo sa akin ngayon?” Nagtatanong galit na sigaw niya kay Theodore, habang nahihirapang umuupo sa sofa. “Ang katangahan mo.” Kalmadong sagot ng kanyang asawa. Natigilan si Solenne. “Katangahan,” tanong niyang puno ng pagtataka, “ano’ng katangahan naman ang nagawa ko?” Sarkastikong ngiti ang gumuhit sa bibig ni Theodore. “Ang pagtakas mo kasama si Roman!” “Mas katangahan na tumunganga na lang sa kuwartong pinagkulungan mo sa akin at hintayin ang kaparusahan sa kasalanang ibinibintang mo na hindi ko naman ginawa!” Sigaw na muli ng babae. “Huwag mon
Baca selengkapnya
I'M SORRY, SOLENNE... GOODBYE!
“I’M SORRY, SOLENNE, tinatapos ko na kung ano man ang naging ugnayan natin. Ayokong makita ka pa o marinig man lang ang boses mo, kaya huwag ka ng tatawag pa sa akin kahitkailan!” Pakiramdam niya'y tinarakan ng balaraw ang kanyang puso sa sinabing iyong ng kanyang kausap sa telepono. Walang damdamin ang pagbibitaw nito ng mga salita. Walang pagpapahalaga sa kung ano man ang mararamdaman niya. Wari ba’y isa lang siyang laruan na pinagsawaan at binitiwan. Or much worse ay tulad sa isang basahan na matapos gamitin ay inihagis na lamang kung saang sulok o itinapon. “Paano na ang mga pangarap nating bumuo ng pamilya at manirahan sa Europe upang mamuhay ng payapa at maligaya, Hindi ba't ipinangako mo sa akin na kapag natagpuan mo si Brendon ay magsasama-sama tayo at magiging isang pamilya,” halos hindi makahinga sa sama ng loob na tanong niya, “paano na ang anak natin? Paano na si Brendon?” Nais pa rin niyang baguhin ang isip ni Domingo Sabado. Hindi niya gustong mawala na lang at suk
Baca selengkapnya
BRENDON MEETS SHELEY
NAGSISIMULA NANG MAGLIWANAG ang madilim na langit, ngunit nakatitig pa rin sa kisame si Shelley. Magdamag siyang gising. Gulo ang isip. Paulit-ulit na bumabalik sa kanyang isipan ang mga gunita ng kahapon. Kung paano niya nakilala si Russell. “Ipapagawa ko na lang ang pader na nasira ko,” wika noon nito sa kanya matapos mabangga ng kotse nig lalake ang dinding ng kanyang bahay, “I’m Russell," pagpapakilala nito sa sarili. Pag-ibig sa unang pagkikita ang naramdaman niya sa lalaking lingid sa kanya ay anak ng sikat na negosyante at bilyonaryong si Theodore Rossell. Mariin niyang ipinikit ang kanyang mga mata, at sa dilim niyon ay kanyang nakita ang pagsabog ng sasakyang kinalululanan niya kasama si Russell, pagkatapos niyang makalabas doon. Muli siyang dumilat. “Natatandaan kong may mga salamin na bumaon sa kanyang mukha,” pag-iisip niya, “bakit wala siyang kahit isang galos noong pinuntahan niya ako sa ospital? At kahit kapirasong paso sa kanyang balat ay wala akong nakita! Paano
Baca selengkapnya
FORGIVE AND FORGET?
“BUHAY PA PALA ang animal,” ang nanggigigil na nasambit ni Brendon habang palakad-lakad sa maliit na kuwartong kanyang inuupahan, “may sa pusa ang gago. Akalain ko bang mabubuhay pa ‘yon sa tindi ng aksidenteng kanyang inabot?” Si Owen (na akala niya’y si Russel) na kanyang tinakbuhan ang nasa isip ni Brendon. Hindi maunawaan ng kanyang isip kung paano nakaligtas sa kamatayan ang anak ni Theodore. “At parang walang aksidenteng pinagdaanan ang hunghang. Ang kinis pa rin ng balat at walang kahit kapirasong peklat!” Patuloy ang kanyang pagtataka. Bumabalik-balik sa kanyang isip ang buong anyo ng inakala niyang si Russell. “Ang laki ng katawan niya ngayon,” sapo ng dalawang daliri ang kanyang noo . Nagsisimula nang smumpong ang kanyang miraine paro patuloy siya sa pag-iisip na tila ba bumubuo ng isang napakahirap na palaisipan, “grabe! Kailan pa kaya siya nag-umpisang mag-gym?” Isang malalim na palaisipan sa kanya ang malaking ipinagbago ng katawan ni Russell. Kung paanong sa loob nan
Baca selengkapnya
THE DOPPELGANGER 2
HALOS HINDI HUMIHINGANG pinagmamasdan niya ang natutulog na pasyente na kanyang binabantayan. Hindi niya mapaniwalaan ang katotohanang kaharap niya nang malapitan ang nag-iisang tagapagmana ni Theodore Rossell. "Kamukhang-kamukha ko nga siya," ang hindi makapaniwalang saad sa sarili, "puwede kaming mapagkamalang identical twins." Identical twins ay magkapatid na kambal na nagmula sa iisang binhi at nahati sa dalawa bago nabuo bilang tao. "Pero imposible namang mangyari 'yon dahil magkaiba kami ng mga magulang." Ang patuloy na pakikipag-usap ni Owen sa sarili. Nang maalalang hindi niya nakita kahit anino man lang ng kanyang ama. Na walang kahit anong larawan nito ang nasilayan niya. "Nasaan kaya ang ama ko? Totoo kayang anak ako ni mama? Hindi kaya ampon lang talaga ako," patuloy niyang pakikipag-usap sa sarili, "hindi kaya napulot lang ako ni mama sa kung saang basurahan?" Ang mga katanungan sa isip niya na hindi niya alam kung saan hahagilapin ang mga katugunan. "No way," tang
Baca selengkapnya
Sebelumnya
1
...
345678
DMCA.com Protection Status