All Chapters of LOVING THE CEO'S MISTAKEN IDENTITY: Chapter 31 - Chapter 40
73 Chapters
I HATE MY MOTHER
GALIT NA GALIT SI Solenne. “Hindi mo siya dapat binaril,” sigaw niya kay Roman, “kontrolado na ni Owen ang sitwasyon. Bakit kailangang barilin mo pa siya?” Nasa bingit ng kamatayan si Domingo Sabado alias Sandy Samedi, dahil sa tama ng baril sa lugar na malapit sa puso. “Ano ba ang ipinag-aalala mo kung sakali at mamatay siya?” tanong ni Roman, “hindi ba mas mainam nga ‘yon at wala ng manggugulo pa sa sa ‘yo?” “Paano mo naman natiyak na wala na ngang manggugulo kung mamatay ang baliw na ‘yon,” ganting tanong ni Solenne, “hindi ba kaya mas tama kung mabubuhay siya at mapipiga mo ang mga impormasyon sa kung sino ang nag-utos sa kanyang sumugod dito at kung bakit?” “Kung may mastermind man sa pagsugod ng Sandy Sameding ‘yon dito ay malamang sa hindi na iyon ay ang resource person ni Owen,” pagdidiin ni Roman kay Owen, “isipin mo, ibinigay niya ang detalye ng pagsugod dito ng taong ‘yon pero hindi niya nasabi kung ano ang dahilan at kung sino ang mastermind.” “Sino ba si Sandy Samedi
Read more
SIR THEODORE ROSSELL: AMA
“NAWAWALA SI BRENDON, may alam ka ba tungkol doon?”Hindi matagalan ni Joanne ang matalim na pagkakatitig sa kanya ng umuusig.Marami na siyang kinatatakutan, ngunit hindi niya inasahan na masasama sa listahan ng mga kinatatakutan niya ang ama ni Russell.Ang makapangyarihag si Sir Theodore Rossell.“W-wala po!”“Ano ang kinalaman mo sa pagkidnap at pambubugbog ni Sandy Samedi sa kanya?”Natataranta na siya. Nanginginig.Guilty siya, ngunit hindi niya maaaring aminin 'yon!Tumayo siya mula sa kinauupuan at tinalikuran ang nagtatanong, upang itago ang panginginig ng laman ng kanyang mukha at pamumutla nito. Ayaw niyang mabasa nito sa mukha niya ang guilt na kanyang nararamdaman. “Hindi ko sinabing tumayo ka, Joanne,” saad ng kinatatakutan niya, “at huwag na huwag mo akong tinatalikuran kapag nakikipag-usap ako sa ‘yo. Huwag mo akong binabastos!”Kumikibot ang mga muscle sa kanyang bibig at paligid ng kanyang mga mata dahil sa matinding takot na nadarama.Takot na noon lang niya nadam
Read more
HOSTAGE
WARING LUMULUNDAG SA tuwa ang puso ni Shelley nang mula sa dinudungawang bintana ay matanaw ang inaakalang si Russell na naglalakad, papunta sa bahay niya. Parang batang musmos, nagtutumulin itong tumakbo pababa ng bahay. Huminto ito sa likod ng pinto. Pinigil ang excitement na nararamdaman. Hindi niya gustong ipahalata sa dumarating ang sobrang saya na kanyang nararamdaman. “Baka isipin niyang patay na patay ako sa kanya,” ang bulong, “kahit nga totoo hindi ko pa rin ipapahalata sa kanyang head over heels in love talaga ako sa kanya. Hindi ko aaminin. Isipin pa niyang cheap ako!” Hinintay ang pagkatok ni Owen. Ngunit nainip na siya sa kahihintay ng pagkatok ng kinasasabikang makita ay wala pa rin siyang katok na naririnig. Naghintay pa ng ilang sandali. Umasa na may nasalubong lang ito na kumausap kaya na-delay. Wala pa rin ang katok na hinihintay. Nag-alala. “Baka may biglang kumidnap na sa kanya. Baka may sumalbahe. Baka…” Maraming baka at kung ano-ano pang mga pag-aalala
Read more
A SPARK OF HOPE FOR GEMMA
HINDI INAASAHAN NI Theodore Rossell ang tawag na mula kay Owen Garcia. “Bakit?” Tanong niya agad nang may pag-aalala. Hindi niya maunawaan ang dahilan kung bakit nakadarama siya ng kakaibang kaba sa tuwing tinatawagan siya ng bodyguard ng kanyang asawa. At pinagtatakhan din niya sa maraming pagkakataon kung bakit labis siyang nag-aalala sa kaligtasan nito. “On leave ka ngayon, ‘di ba,” muli ay tanong niya sa kausap sa phone, “may problema ka ba?” Ramdam niya ang kaba na nararamdaman ni Owen. Naririnig niya ang hingal nito sa phone. “Narito po kasi si Roman Romano, Sir Theodore,” sinabi ng kanyang kausap sa telepono ang lugar na kinaroroonan ni Roman, “may hostage po siyang babae. May hawak po siyang baril na nakatutok sa ulo ng babae, Sir, at nagbabala na babarilin niya ang hostage niya kapag may lumapit sa kanila.” Walang inaksayang sandali si Theodore matapos magpaalam sa kausap. Agad niyang tinawagan ang lahat ng puwedeng makatulong upang magawan ng paraan na mapakawalan ni
Read more
MAGKARELASYON
NATATARANTA AT MASYADONG nako-conscious, hindi malaman ni Gemma kung ano ang ikikilos sa harap ng lalaking kay tagal na niyang pinapangarap na makasama sa buhay. Ang kanyang iniilusyon sa maraming gabing nagdaan sa kanyang buhay. Ang kanyang obsesyon. Pakiramdam niya’y naging teen-ager siyang muli. Isang high school student na bumibilis ang pintig ng puso sa harapan ng crush nito. Nag-iinit ang kanyang pakiramdam sa pagbilis ng daloy ng dugo niya na nagiging dahilan upang ang kanyang mga pisngi ay mamula. Malikot ang kanyang mga matang hindi niya malaman kung saan siya titingin. Nalulula siya sa pakiramdam na nararanasan. Embarassed sa pagkakatingin sa kanya ng kaharap na tila ba tumatagos sa kanyang kaluluwa. Ngumiti siya upang patayin ang embarrassment na nararamdaman. Umaasang ngingitian din siya ng kinahuhumalingan at magkakapalagayang loob na sila. Nabigo siya. “You look familiar.” Saad ni Theodore na hubad sa ano mang damdamin ang expression. Nabuhayan ng loob si Gemma. I
Read more
GEMMA MEETS SOLENNE
“MANIWALA PO KAYO sa ‘kin, Sir Theodore, nagkaroon lang kami ng mainit na pagtatalo ni Gemma noong araw na ‘yon,” pagpapaliwanag ni Roman sa amo, “LQ lang po ‘yon na lumala hanggang sa magkainitan kami. At napilitan akong tutukan siya ng baril para sumama siya sa akin.” Hindi iniaalis ni Theodore Rossell ang kanyang tingin na may pagdududa sa nagsasalita. “May asawa’t anak ka, hindi ba?” ang kanyang tanong, “bakit kailangang mambabae ka pa? Hindi ka ba maligaya sa piling ng iyong pamilya?” pagpapalawak niya sa ibig malaman. Hindi makasagot ang lalake. Maligaya siya sa piling ng pinakasalan at sa dalawa nilang anak. Ngunit paano niya sasabihin sa kanyang amo na ginagamit lamang niya si Gemma para sa mga personal niyang pakinabang. “Inakit ako ni Gemma, Sir Theodore,” pagsisinungaling niya, at pagpapababa na rin sa pagkaabae at pagkatao ng kanilang pinag-uusapan,“tinukso. Wika nga po ng kasabihan, manok na ang lumalapit sa palay, so, natural lamang po na tukain iyon ng manok.” “Bak
Read more
LABANAN NG MGA SINUNGALING
POOT ANG AGAD na naramdaman ni Gemma sa muling paghaharap nila ni Roman. Sa paningin niya ay ang lalaking kaharap ang siyang isa sa malaking hadlang at magpapahamak sa kanya. Ito ang taong sisira sa lahat ng kanyang mga plano at kailangang maalis sa kanyang buhay. “Bakit mo sinabi kay Theodore na may relasyon tayo,” usig agad niya sa lalake, “wala taong relasyon! Pinagsamantalahan mo lang ako. Binlakmeyl!” Nginisihan siya ng lalake. “At ganoon din ang gagawin ko ngayon,” nakakaloko ang tingin sa kausap na saad ni Roman, “bablakmeylin kita ulit. Sasabihin ko kay Sir Theodore na ikaw ang mastermind sa nabigong pagkidnap sa kanyang asawa.” Napaghandaan na ni Gemma ang mga isasagot sa mga gagawing pamba-blackmail sa kanya ng head security sa mansion ng mga Rossell. “Pasisinungalingan ko lahat ang sasabihin mo, Roman,” sagot ni Gemma, “sasabihin kong sinisiraan mo lang ako.” “It’s your words against mine,” pakikipag-utakan ni Roman sa kausap, “tingnan natin kung sino ang paniniwalaan
Read more
FINDING SHELLEY SILVER
HINDI MATANGGAP NI Gemma ang nagawa niyang pakikipagkasundo kay Roman Romano. Pakikipagkasundong hindi niya ganap na napag-isipan. Gulo ang isip at wasak ang damdamin na nagpatuloy siya sa pagmamaneho patungo sa apartment na kanyang inuupahan sa isang subdibisyon sa labas ng Metro Manila. Nais niya’y makalayo na nang mga sandaling iyon. Takasan ang galit ni Owen at ni Theodore sa pag-aalalang natuklasan na nga ng mag-ama ang buong katotohanan tungkol sa relasyon ng dalawa sa isa’t isa. Kailangan na rin niyang takasan si Roman. Abot ng kaniyang pag-iisip na agad susunggaban ng dating head ng security force ng Rossell mansion ang ano mang magandang pagkakataon na matitiyempuhan nito upang ibagsak at magantihan siya sa paglalaglag niya dito kay Theodore Rossell. Subalit nagdadalawang isip siya. Pinanghihinayangan ang mahabang panahon at mga hirap na isinakripsiyo niya sa pagpapalaki sa kakambal ni Russell. “Ano’ng gagawin ko,” tanong sa sarili, “ganitong alam na ni Owen na hindi ko
Read more
THE BOOK
HINDI NAG-AKSAYA NG kahit isang saglit si Shelley. Mabilis niyang natapos ang pagpu-proof read ng script na in-email sa kanya ni Owen. At katulad din ng gusto nitong mangyari ay mabilis niya itong nadala sa printing company upang magpa-print ng konting kopya ASAP. “Huwag ka nang makipagtawaran sa halaga ng printing,” saad pa ni Owen sa email nito sa kanya, “mas mahalagang mai-print agad ‘yan, kahit ilang copies lang.” “Bakit kaya apurang-apura ang Russell na ‘to sa pagpapa-print ng book,” tanong niya sa sarili habang binabasa ang email ni Owen na inaakala niyang si Russell, “parang hindi importante sa kanya kung magka­-profit man o hindi ang book na ginawa namin.” “Padalhan mo agad ng copy si Sir Theodore Rossell,” bilin pa nito sa kanyang email, “ibig kong siya ang unang makabasa ng librong ‘yan.” “Ano kaya ang connect ng boss niya sa book na kanyang ipinasulat?” Naalala niya ang pagsugod noon sa kanya ng nababalitang fiancée ni Russell Rossell na si Joanne Javier. Ang matinding
Read more
FATHER AND SON
“MATAGAL KO NANG hindi nakikita si Roman,” pakikipag-usap ni Solenne sa kanyang bodyguard, habang hinihintay siya nitong pumasok sa loob ng kotse, “alam mo ba kung nasaan siya?” ang tanong. Pakiramdam ni Owen ay nanigas ang kanyang katawan sa pagkakatayo sa tabi ng pintuang bukas, ng kotseng sasakyan ni Solenne, dahil sa narinig. Nanatiling pinid ang kanyang mga labi. “Bakit interesado kang malaman kung nasaan si Roman, Solenne?” Hindi nilingon ni Owen ang nagsalita na kilalang-kilala niya ang tinig. Tinig ni Theodore Rossell. Napigil ang pag-angat ni Solenne sa kanyang mga binti. Nanatili itong nakayapak sa semento. Natitigilang napatitig siya sa asawang palapit sa kanila. “Tinatanong kita, Solenne, ano ang interes mong malaman kung nasaan si Roman Romano?” Lumabas ng sasakyan ang asawa ni Theodore. Taas ang mukhang tumindig at hinarap ang nagtatanong sa kanya. “Wala ba akong karapatang malaman ang mga pangyayaring nagaganap sa mansion na ‘to,” patanong na sagot, “lalo na sa
Read more
PREV
1234568
DMCA.com Protection Status