Hindi alam ni Serrie kung bakit kailangang sumama ni Hidan. Hindi naman nito kailangang samahan pa siya. Kaya niya naman mamalengke ng mag-isa. “Isang kilo po rito sa hipon,” aniya sa babaeng tindera.“Ako na rito,” ani naman ni Hidan sabay bawi sa dala niya.Hindi na siya nakapalag dahil nabawi na nito ang dala niya. Kapansin pansin naman ang pagsulyap ng ibang tindera kay Hidan. Malamang! Dahil agaw pansin naman talaga si Hidan. Para itong modelong foreigner na naligaw sa sentro. Matangkad, abuhin ang mga mata, maputi ang balat. Takaw atensyon talaga. “Oh, heto," ani tindera matapos maikilo ang binili niya.Kaya lang nang akmang aabutin niya na iyon ay si Hidan kaagad ang nagbawi ng supot mula sa tindera. Kunot noong nilingon niya si Hidan. Medyo nairita na siya. “Pwede ka na pong maghintay sa kotse. Sibuyas na lang ang huling bibilhin ko," taboy niya kay Hidan na sunod pa rin nang sunod sa kaniya.Nag-aalala siya sa mga tindera sa palengke baka maputol pa ang kamay dahil naka
Read more