All Chapters of The Self-centered Billionaire's Lady Makulit: Chapter 21 - Chapter 30
56 Chapters
21
21I LIKE HERI can't help myself not to explain to this young woman in front of me. I'm so relaxed sitting on my own chair with my head resting on it too, but deep inside…fuck's sake, I was distraught.I don't know how to make her believe that I don't have any other agenda with Zara. That it's her who I really like.I was in coma for the past five years due to a plane crash. Hindi ko alam kung bakit kung kailan ko gustong kilalanin noon nang husto ang isang batang babae sa katauhan ng babaeng ito, na nakatayo ngayon sa harap ko na walang kasing kulit ay saka naman ako naaksidente.I like her since that night, when she was still eighteen. Hindi naman siya ang pipiliin ko talaga noon para magbuntis sa successor ko kaya lang kinulit niya ako, and I was so damn curious what was her reason of begging me to take her. Inalam ko muna ang dahilan habang nasa hotel siya at naghihintay sa akin.I found out that it was because of her adopted mother. Nasa isang ospital at magpapaopera ang ma
Read more
22
22 "suddenly it's magic" PAY ME MORE L***T na ang dila ko sa paghabol kay Braden papasok ng kwarto. Humihingal ako na parang aso. Ang lalaki naman kasi ng mga pesteng hakbang niya. Baka kung di lang nakakahiya ay dumamba na ako sa likod niya at naglambitin, hanggang makarating ng kwarto para libre sa pagod ang mga binti at paa ko. Naghagdan kasi siya. Pwede naman sa elevator sana. Torture siya eh. Bwisit siya. Pahawak hawak pa siya ng kamay kanina, ngayon bawing bawi na naman siya sa imbyerna. Naitukod ko muna saglit ang braso ko sa pader para magpahinga. Hindi ko nakita si Nanay sa ibaba. Nawawala ang mga tao at hindi kami nagpapangita ngayon, hindi tulad noon sa bahay na nasa daan pa lang ako ay tanaw ko na si Nanay sa salas. Nakapanhik na kami at lahat ay hindi ko nasulyapan man lang ang ina ko. "Hoy. Nagmamadali ka, tatakasan mo ako. Akin na ang utang mong ten thousand," sabi ko sa kanya matapos akong makailang ulit na humigop ng hangin. Dire diretso siya sa walk in kaya s
Read more
23
23NO! NO! NO!Emman'sNang lumabas ako sa walk in at wala na si Kanton ay lumabas ako ng kwarto. Hindi ko alam kung saan ang kwarto ng anak ko at sa dami ng pinto rito, di ko alam kung saan ito hahanapin.Palinga-linga ako sa paligid. Gusto kong makita si Blaze.Gusto ko na kasing kumain kasi gusto ko ng matulog at nabubwisit ako sa laki ng bahay niya samantalang siya lang naman ang nakatira.Sa may likuan ay sumulpot si Chairman. Hawak niya pa rin yung phone niya. Saan kaya siya galing?Bahagyang lumabi ako pero kaagad ko rin na itinago dahil naalala ko yung halik niya.Nakatingin siya sa akin at kahit na yata gaano kasimple ang suot niya ay sobrang pogi niya pa rin talaga.Sinara ko ang bibig ko, baka tumulo ang laway ko."S-Saan ang kwarto ni Blaze?" tanong ko sa kanya kaagad at kanda utal pa ako.Tiningnan niya ako lalo. Nakapamulsa na sya ngayon suot pa rin ang pantalon niyang pang-office."Just beside the Master's bedroom. Isn't he in his room?" aniya sa akin at tuluy-tuloy ako
Read more
24
24 ASSUMING EMMAN Isang yakap na mahigpit ang binigay sa akin ni Blaze nang ihatid ko ito sa kwarto. Hinilamusan at binihisan ko muna ang anak bago pinasampa sa kama, habang ang ama niya ay parang kumander ng KKKK na pamasid-masid sa amin sa loob ng kwarto ni Blaze, Kataas-kataasan, Kasungit-sungitang Katipunan ni Kanton. Wala syang imik. Baka nabuli-buli na sya sa mga kinain namin, tulad ni Nanay na himas ng himas ng tyan pagkatapos na tumayo ng dining table. Ewan kung makatulog ang matanda na yun sa kabusugan. Baka mamaya ay mauwi sa walang katapusan na pag-ire sa banyo ang Nanay ko dahil sa matinding katakawan. Di ko masisi si Nanay. Hanggang tingin lang kami sa mga ganung pagkain. Kahit nga pasko ay hindi namin iyon naihahain. Normal na sa amin ang pancit na may chorizo, spaghetti na maputla, basta masiyahan si Blaze. Ngayon, nakain nila ang mga di pa nila natitikman, unang araw dito sa kaharian ni Tandang Kanton. "Goodnight, baby ko,” hinalikan ko si Blaze ng mariin sa noo
Read more
25
25 I LIKE YOU Literal na nakanganga ang mga kapwa nanay ko sa eskwelahan ni Blaze nang pumasok kami ng anak ko at may kasusunod kaming matandang gwapo. Sinulyapan ko si Bradenton at para siyang nagmamagnet ng mga mata ng kababaihan, habang sya naman ay naglalakad na tila ba walang pakialam at walang tao sa paligid niya kundi sya lang. Grabe, yabang niya talaga. May karapatan naman talaga siyang magyabang sa totoo lang. Nasa kanya na ang lahat, isama na ang kasungitan at ka wirduhan. Di naman siya katandaan pero matanda na kasi sya para sa akin kasi eleven years nga ang gap niya sa akin. Nakanganga sila kasi sa likod ni Braden ay ang dalawang asungot niya. Si Kadyot 1 at si …di ko alam ang itatawag ko sa isa. Basta ang isa pang kadyot, si Kadyot 2. "Babye Daddy, Mommy," sabi ni Blaze at di matanggal ang ngiti ng anak ko kaya natutuwa ako para sa kanya. Pinag tig-isahan niya pa kami ng halik at yakap. "Good morning, Ms. Vera." bati sa akin ni Teacher Jack stone kaya nginitian
Read more
26
26HE REALLY LIKES MEPakanta-kanta pa ako nang pumasok ako sa building ng King's. Hawak ko ang bag ko at galing ako sa Garden of Eden. Nag-area kami ngayon at okay naman. Marami naman akong nabentahan kahit paano. Sinuwerte ako.Kilalang kilala na si Bradenton doon, na bagong may-ari dahil nakapaskil ang gwapong mukha niya sa dambuhalang billboard sa taas ng building.Hinatid pa nga ako kaninang umaga roon ni Kanton.Napatigil ako sa paghakbang. Hindi na nga pala dapat Kanton ang tawag ko sa kanya.Nanulis ang nguso ko at lumiko pa habang nakatirik ang mga mata ko. Nag-iisip ako ng pwede kong itawag sa kanya. Crush ko sya kasi kahit ang sungit niya at tuod sya, gusto naman daw niya ako.Kami na ba? Ano ba kami?Ano ba ang pwedeng itawag ko sa kanya? Hmmn…Braden na lang.Dumiretso ako ulit sa paglalakad hanggang marating ko ang private elevator, pero bago pa lang ako makapasok ay natigilan ulit ako. Nasa loob si Nico.Umusog siya nang kaunti at para bang ibig niyang sabihin a
Read more
27
27IMMEASURABLE ANGERNakatulala ako kay Braden habang siya naman ay may kausap sa smartphone. Ang gwapo niya. Letse! Nababakla na ako sa kanya nang husto. Kanina lang niya inamin na gusto niya ako pero di na ako makatikal sa kanya hanggang ngayon.Paglabas namin kanina sa opisina matapos ko syang halikan nang wala pang isang minuto ay parang bwisit na bwisit pa sya, iyon ay dahil lugi sya sa singil ko. utang muna raw dahil dun. Pag-uwi ang bayad.Hawak-hawak na niya ang kamay ko at ipinakita pa niya sa lahat ng tao roon, na sinigawan niya nang sobrang lakas, na kapag ininsulto pa raw ako sa susunod ay hindi lang raw niya patatalsikin, paaalisan daw niya ng karapatan na magtrabaho kahit sa anong establishment. Ganoon sya kayabang at kamakapangyarihan.Tapos ay saka niya ako kinaladkad sa elevator at doon ako pinapak ng halik. Masungit na naman ang halik niya na parang sa inis niya, at ako na naman ang binalingan niya. Masakit na naman iyon pero tiniis ko lang. Pagkatapos naman ay
Read more
28
28I'M HERE FOR YOUDahil sa nahuli ako paglabas ng restaurant ay nakita ko na lang na mabilis na lumayo ang sasakyan ni Braden. Ni hindi na niya ako hinintay na makasakay ng kotse.Laglag ang balikat kong nakahabol ng tingin sa papalayo niyang sasakyan na parang lumilipad sa bilis, kahit na halos magkandabangga na sya.Mariin na lang akong napapikit nang tuluyang mawala ang kotse niya sa paningin ko. Nagdadasal ako na sana hindi sya mapahamak dahil sa galit niya.Wala sa loob na lumingon ako sa restaurant. Nakatingin ako doon sa pesteng mga tao na naging dahilan ng paghuhuramentado ni Kanton. Bakit parang tuwang-tuwa pa sila sa mga nakita nila? Bakit masaya sila na ganoon ang nangyari kay Braden?Di ko namalayan na may luha na pala ako sa mata.Ay ano ba? Bakit ba ako umiiyak?Binawi ko na ang paningin ko at itinuon ko ang pansin sa dulo ng kalsada kung saan ang direksyon ng kotse ni Braden kanina. Umaasa ako na lilitaw ulit sya pero wala. Tuluyan niya akong iniwan at di ko al
Read more
29
29HURTPara akong pusa na hindi mapaanak sa kapaparoon at parito ko sa salas ng bahay. Kulang na lang ay ngumiyaw ako habang hilot ko ang mga daliri ko. Walang tigil ko ng sulyapan ang dambulang relo na nakatayo sa may malapit sa bar counter.Alas nueve na pero wala pa rin sya. Malamang kung nasa kalsada ako ay abot na hanggang EDSA ang nalakad ko dahil sa walang katapusan na kakamartsa ko rito.Tulog na si Nanay at si Blaze. Nagtatanong na nga ang anak ko kung nasaan ang Daddy niya. Sabi ko nasa opisina at nag-o-overtime. Sinungaling na akong sobra. Nag-o-overtime iyon sa highblood.Napatigil ako nang makita ko na may ilaw ng sasakyan papasok sa driveway.Si Kanton! Kasusunod ng kotse niya ang isa pang rover. Kaagad akong lumabas at tila nakalimutan ko na ang suot ko nga lang pala ay damit pantulog at nakapanty lang ako.Natingnan ko ang ibaba ko. Hay bahala na! Di naman nila basta makikita ang aking magandang pagkababae.Tanaw tanaw ko na sila at di ako makatiis ay naglakad
Read more
30
30MOMMY OR NOTMabilis ang kilos ko habang binibihisan si Blaze. Kailangan ko kasing makabalik sa loob ng kwarto namin at baka magising na si Kanton. Isa ko pa syang aasikasuhin.Kaya lang napakamot ako ng ulo nang makita ko na mali-mali ang tapatan ng butones ng polo ng anak ko. Marahas kong kinalkal ang ulo ko. Pakiramdam ko ay mala pugad na ng ibon ang ulo ko kasi di pa ako nagusuklay. Isa pa ay matigas ang buhok ko dahil sa kakakulay. Marami na akong pera pero di ko maisip na magpasalon.Baka kasi pagbayarin pa ako ni Kanton ng five hundred thousand talaga kapag nagbago pa ang isip niya sa akin. Ayokong pakasiguro.Pababayarin pa nga kaya ako ni Kanton? Paalisin pa ba niya kami ni Blaze? Mukhang hindi naman. Sana hindi naman.He needs me raw kasi! Napatirik ang mga mata ko sa kilig pero tinabig ako ni Nanay. Kahit ang presensya nito ay parang nakalimutan ko na rin."Ako na riyan at mali mali ang kabit mo ng butones. Mukhang natataranta ka. Baka naman may kaganapan na sa iny
Read more
PREV
123456
DMCA.com Protection Status