Lahat ng Kabanata ng Her Nerdy Secret: Kabanata 31 - Kabanata 40
77 Kabanata
Kabanata 31
“Who doesn't want happiness? Lahat tayo ay gustong maging masaya. But we won't be able to experience happiness if we continue to harbor grudges toward those who have hurt us. We must forgive them regardless of what they have done to us because grudges or resentments may weigh us down, but forgiving and letting go can free us from emotional baggage.” Tipid akong napangiti matapos mapanood ang video presentation ni Myra at Reynald. Pakiramdam ko kasi, ‘yong panapos na mensahe ni Myra ay patama para sa akin. Sapol na sapol ako dahil hanggang ngayon, hindi pa rin nawawala ang tampo, ang sama ng loob, at hinanakit ko sa kapatid ko, maging sa mga magulang ko. Kahit anong pilit ko sa sarili ko, nasasaktan pa rin ako sa tuwing maalala ko kung gaano niya gustong mawala ako sa buhay nila, kaya hanggang ngayon, malungkot pa rin ako. Lahat ng sinabi ni Myra, ay talagang kapupulutan ng aral, hindi gaya ng kay Reynald na puro yabang. Focus lang siya sa sarili niya. Sa mga routine niya sa araw-ara
Magbasa pa
Kabanata 32
Lumaki ang mga mata ni Myra habang turo ang pinto. Napanganga pa siya habang nakikinig sa paulit-ulit ng pagtawag sa pangalan ko. Ngumiti ako, sabay sabing “d’yan ka lang, ilalabas ko," at binuksan ko na nga pinto.Pero dahil matigas nga ang ulo niya, akma siyang pumasok, buti na lang at kaagad ko ring naharang. “Myra naman e—"“Sisilip lang e," sagot naman niya sabay haba ng nguso. "Akala ko, makakalusot—” Kamot-kamot na niya ang ulo na may ngiting-aso. Napailing na lang ako, at pumasok na nga sa kwarto. “Myra, handa ka na ba?” tanong ko pa habang sumisilip sa awang ng pinto. "Kanina pa ako handa, kaya lumabas na kayo, at nang makilatis ko na ‘yang jowa mo,” atat nitong sabi at akmang itutulak na naman ang pinto. "Lalabas na po, masyado ka talagang atat," sabi ko, ngiting-ngiting sabay abot ko sa kanya ang talking stuffed toy.Lalo pang bumilog ang mga mata niya. “Ano na ‘yan?" naguguluhan niyang tanong habang turo ang stuffed toy. Nilagay ko iyon sa kamay niya. Lalo tuloy akong
Magbasa pa
Kabanata 33
“Erica, teka nga lang. Talagang susundan mo ang demonyong ‘yon?” Napapailing si Mrya, at parang nadidismaya pa. ”Alam mo, para kang isda na kumagat sa pain ni Justin. Akala ko ba, hindi ka tanga? Ginagamit niya lang ‘yong laruan mo para ikaw naman ang mapaglaruan niya," talak niya pa habang hawak na nito ang siko ko. “Hindi ka nag-iisip. Baka nga kung saan ka pa dadalhin ng lalaking ‘yon—" “Myra, wala akong pakialam kung saan niya man ako dalhin. Alam ko rin kung ano ang kayang gawin ng lalaking ‘yon. Kaya ko naman ang sarili ko, sisiguraduhin ko na hindi ako mapapahamak. Kailangan kong makuha ‘yon. Hindi niya pwedeng kunin sa akin ‘yong stuffed toy ko. Mahalaga ‘yon sa akin, Myra—alam mo kung gaano ‘yon kahalaga sa akin—" parang maiiyak kong sabi. Na kay Justin na rin ang tingin ko na kampanteng naglakad pababa ng hagdan. Kung hindi lang kasalanan ang manakit ng tao, kanina ko pa siya tinulak, mabawi ko lang ang stuffed toy ko. “Alam ko nga na mahalaga ‘yon sa’yo, Erica pero—" H
Magbasa pa
Kabanata 34
“Damn it!" Galit na lumabas ng kotse si Justin, pero hindi niya pa rin iniwan ang laruan ko. Hawak-hawak pa rin niya ito habang papunta sa kotse na muntik na niyang mabangga. “Erica, ano pa ang ginagawa mo r’yan? Labas na." Toliro kong nilingon si Myra na ngayon ay palabas na rin ng kotse. Lumabas na rin lang ako, pero ang tingin ko ay nasa paa ng may-ari ng kotse na muntik mabangga ni Justin. Hindi pa kasi ito tuluyang lumabas. Hindi ko alam kong takot ba siya kay Justin o talagang sinadya niyang hindi kaagad lumabas dahil kay Justin na parang pinagbabantaan ang buhay niya. “Are you out of your mind?!" gigil na sikmat ni Justin at dinuro-duro pa nito ang lalaking sakay ng kotse. "Lumabas ka!" Sinipa-sipa pa nito ang gulong ng kotse. Tarantado talaga ‘to si Justin, siya na nga ang muntik makabangga, siya pa ang galit na galit. Kahit pa sabihing bigla na lang sumulpot ang isang kotse, hindi pa rin tama na init ng ulo agad ang pinapairal niya, pwede naman niyang kausapin ng maayos
Magbasa pa
Kabanata 35
Napisil ko ang sintido ko, sumakit na naman kasi ang ulo ko. Hindi ko na kasi talaga alam kung ano ang gagawin ko sa magpinsang ‘to—hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko, tantanan lang nila ako. Pakiramdam ko ang liit-liit ng mundo para sa aming tatlo. “Reynald—" sandali akong sumulyap kay Myra na ngayon ay hawak na ang door handle. Maski siya ay gusto na ring umiwas dito kay Reynald. Hindi kasi nag-iisip. Lagi niyang nakakalimutan na mahirap makipag-deal sa mga demonyo. “Salamat sa pag-rescue sa amin,” sinadyang ngiti ang kasabay ng sinabi ko. Saka kinuyom ko na lang ang mga kamao ko. Kumukontra kasi ang buong sistema ko sa pagpapasalamat sa kanya. At saka, mas okay pa siguro ang magpasalamat na lang ako, kay sa bigyan ko ng pansin ang pag-eemote niya.“Walang ano man, Erica," mahinahon niyang sabi at hahawakan pa sana ang kamay ko na nakahawak na sa backrest, pero kaagad kong inilayo ang kamay ko. Ngumiti siya ng mapait at pilit. “Ang ilap mo pa rin talaga," sabi niya at bumug
Magbasa pa
Kabanata 36
“Myra, dito ka nga lang,” pigil ko sa kaibigan ko nang akmang susundan ang lalaki na sumaway kay Shaira. "Tara na, umalis na tayo,” sabi ko at hinila na siya. "Erica! Ano ba? Teka nga lang—” Nagmatigas pa siya, pero buong lakas ko siyang hinila, agad lang kaming makalayo sa grupo ni Shaira at sa lalaki na sumita sa kanila."Erica, bakit ba? Bakit ba tayo umalis do’n? Ayaw mo bang makita na mabigyan ng lesson ang bullies na ‘yon?” sunod-sunod niyang tanong kasabay ang paulit-ulit na pag-iling. “Atat kang umiwas, maski ang magsabi ng thank you sa lalaki ay hindi natin nagawa,” talak ni Myra na hanggang ngayon ay lumilingon pa rin. Gusto niya nga yatang bumalik do’n at makipagbangayan pa kay Shaira. "Ayaw ko lang lumaki ang issue, Myra. Ayaw ko ng eskandalo—paano kung tatawag talaga ng pulis ang lalaking ‘yon? Gusto mong ma-question? Ako hindi, ayokong umabot tayo sa presento, at saka, alam mo naman na ayaw ko ng gulo, hindi ba?” paliwanag at depensa ko sa sarili na nagpaismid lalo kay
Magbasa pa
Kabanata 37
Imbes na sumagot, napahikbi pa lalo ako, hindi dahil sa tuwa, kung hindi dahil sa dismaya nang mamukhaan ko ang lalaking alalang-alala habang karga ako. Si Justin.Sa dinami-daming pwedeng makakita sa sitwasyon ko, at pwedeng tumulong sa akin ngayon ‘yong tao pa na hindi ko gusto at hindi inaasahan ang dumating. “Tatlong babae ang nakita ko—" sagot ng matanda." Pinagtulungan siya,” umiling-iling ito habang nagsasalita. “Mabuti na lang at natakot sila, tumakbo nang makita ako—”“Tatlong babae?" halos pabulong niyang tanong kasabay ang pagsalubong ng mga kilay. Kitang-kita ko rin kung paano nagtangis ang bagang nito.“Oo, hindi ako pwedeng magkamali—" Napatingin sa akin ang matanda kasabay ng sagot niya, “sige na, umalis na kayo, dalhin mo siya sa hospital—”Umiling-iling ako sabay sabi na, "ayoko sa hospital, gusto ko nang umuwi. Ihatid mo na lang ako pauwi—” humihikbi pa rin ako. Tingin lang ang sagot ni Justin sa sinabi ko, pero nagpasalamat naman siya sa matanda bago kami umalis sa
Magbasa pa
Kabanata 38
Hindi ko magawang sagutin ang tanong ni Justin. Parang nanunuyo ang lalamunan ko dahil sa pagkabigla, at ngayon na dahan-dahan na siyang lumalapit sa akin ay para naman akong nanigas. Gusto kung umatras; gusto kong lumayo, pero parang napako ang mga paa ko at hindi ko ma igalaw. Dahil sa tension na nakikita niya sa akin ngayon, lalo pa siyang napapangiti. Para siyang nakahanap ng alas na magamit laban sa akin. ‘Yon ang nakikita ko sa labi niya na hindi na mawala-wala ang kakaibang ngiti na sinabayan pa ng walang ka kurap-kurap na tingin. He stood motionless before reaching my face and said, "Oh, my nerd, you look so tense—relax ka lang, okay?" His index finger softly brushed my lips, making it difficult for me to breathe. Gusto kong sawayin siya at gusto kong tampalin na naman ang kamay niya gaya ng ginawa ko kanina. Pero hindi ko na magawa. Natatakot ako na baka mainis siya at ipagkalat niya ang nakita; ang natuklasan niya— “Breath, my nerd—” sabi niya habang nasa labi ko ang ting
Magbasa pa
Kabanata 39
Kung takot na takot man ako kanina habang pinagtulungang saktan ng mga impakta na kaibigan ni Justin, mas doble-doble ang takot na nararamdaman ko ngayon dahil sa sinabi niya. Hindi ko na kasi alam kung ano na ang tumatakbo sa isip niya. Kanina pa siya nakangisi. Kanina pa siya tuwang-tuwa sa tuwing mag-re-react ako sa mga sinasabi niya. At ngayon nga na hindi ko maitago ang takot ko, ang saya-saya niya. Sino ba ang hindi matatakot sa mga gaya nila? Sila Shaira nga na babae ay nagawa akong saktan, siya pa kaya na lalaki? Isang sapak lang ang gawin niya sa akin siguradong tulog ako. Paano kung talagang maging demonyo na siya at hindi na niya ako sasantuhin? Paano kung— pati utak ko, tumututol sa naiisip kong kademonyohan na maaring gawin ni Justin sa akin. “Halika ka nga rito.” Hinawakan niya ang kamay ko at akmang hihilahin palapit sa kanya. Pero tinulak ko siya, sabay sabi na, “ano ba?! Lumayo ka nga, Justin! Nakakatakot ka na,” humihikbi kong sabi. “Ito naman, ang sungit-sungit
Magbasa pa
Kabanata 40
“My nerd, good morning" bungad ni Justin pagbukas ko ng pinto. Ngiting-ngiti pa siya na parang bang ang saya-saya ng araw niya habang ako, gulat at nanlaki ang mga mata. Awtomatikong bumagsak nga rin ang balikat ko. Akala ko naman kasi, sa school niya lang sisirain ang araw ko. Pero hindi e, hindi pa nga ako tuluyang nakakalabas ng apartment ko, sira na naman ang araw ko.Para tuloy akong nawalan ng ganang pumasok dahil kaharap ko na naman ang tao na numero unong panira ng araw ko. “Mag-iinarte ka na naman ba, my nerd? Hindi pa rin ba tumatak sa utak mo ang mga sinabi ko last night?" tanong niya habang nasa tapat na ng hagdan, hindi na rin niya ako nilubayan ng tingin. “Want me to say it again, my nerd?" Gusto kong sumagot pero ayaw ko naman na mas lalong masira ang araw ko kaya bumuga na lang ako ng hangin, at sandaling pumikit saka mabagal na naglakad pababa ng hagdan at hindi na siya muling pinansin. “Balik ka na naman ba sa dating nerd na kinaiinisan ko? Ayaw mo na naman ba ako
Magbasa pa
PREV
1234568
DMCA.com Protection Status