All Chapters of Her Nerdy Secret: Chapter 51 - Chapter 60
77 Chapters
Kabanata 51
“Wow naman… ang gandang umaga; walang demonyong nag-aabang,” nakangiting sabi ni Myra nang makarating kami sa classroom. Sandali ko lang siyang nilingon, pero hindi na muna ako nagsalita. Pero ang totoo, lihim din akong natuwa. Medyo naiilang din, kasi nga nasanay na ako sa pambubully na bungad sa akin ng mga demonyo, at ngayon, wala na ni isang demonyo na lumapit sa amin. At kung dati ay nakakabinging tawanan at biruan ang naririnig namin, hindi pa man kami nakapasok sa classroom, ngayon ay nakabibinging katahimikan naman. Nakapanibago rin pala. Pero aminado ako na masaya ako—masaya kasi ramdam ko na ang kapayapaan; ramdam ko na ang katahimikan. Ang sarap pala sa pakiramdam kapag ganito ka peaceful ang paligid ko. Umakbay sa akin si Myra, sabay sabi, “I really hope, magtuloy-tuloy na ang ganito at nang maging tahimik na ang mga buhay natin," ngiting-ngiti sabay ang paglingon-lingon sa buong classroom, kaya napalingon-lingon na rin lang ako.“Erica, ang sarap din pala sa pakiramdam
Read more
Kabanata 52
Lutang pa rin ako kahit nandito na ako sa apartment ko. Kanina pa nga kasi ako naihatid ni Myra. Pero diwa ko, naglalakbay pa rin. Paano naman akong hindi maging lutang, wala na ngang nambubully sa akin kanina, pero nasaksihan ko naman ang drama ni Reynald at Shaira. At alam ko, hindi na ‘yon palabas, hindi na ‘yon drama. Ang nakakainis lang, ako pa ang naging dahilan kung bakit may isang babae na nasasaktan dahil nagmahal ng lalaking hindi naman siya mahal at hindi siya kayang gustuhin.Kahit naman kasi masama ang ugali ni Shaira, kahit impakta at demonyita pa siya, hindi pa rin niya deserve na mapahiya at masaktan ng ganoon sa harap pa ng maraming tao.Grabe si Reynald, hindi man lang binigyan ng kahihiyan si Shaira. Kaibigan niya pa rin naman ‘yon. Kahit pa may nagawa itong mali noon sa kanya. Tingin yata ng lalaking ‘yon, bilib na ako sa kanya dahil sa ginawa niya. Ang sabi kasi niya, ginawa niya raw ‘yon as patunay na totoo ang nararamdaman niya sa akin. Gago pala siya. May pin
Read more
Kabanata 53
Kanina pa ako handa. Pero hindi ko alam kung papasok ba ako o hindi. Kinakabahan kasi ako— kinakabahan ako sa kung ano ang surpresa na naghihintay sa akin mamaya. Duda kasi talaga ako na napasok nina Shaira at mga kaibigan niya ang unit ko. Busina ng kotse ang nagpahinto sa pag-iisip ko. Sumilip muna ako sa bintana, at hindi nga ako nagkamali, si Myra na ang dumating.Kumakaway-kaway at ang lapad ng ngiti nito sa akin na ginantihan ko naman ng kaway din. Pero ang ngumiti, hindi ko magawa. Hindi ako makakangiti hangga’t hindi matatapos ang araw na ‘to na walang mangyaring masama. Sumenyas na muna ako kay Myra na hintayin na lang niya ako sa labas, saka naman ako bumuga ng hangin at matamlay na dinampot ang bag ko at lumabas na nga lang.“Oh, bakit ganyan ang hitsura mo? Binisita ka na naman ba ng mga demonyo?" tanong ni Myra nang nasa kotse na ako. “Sinira na naman ba nila ang umaga mo?" dagdag tanong pa nito, kasabay ang patakbo ng kotse. “Kagabi pa sira, na extend lang ngayong umag
Read more
Kabanata 54
Nanghihina at hindi ko na halos makita ang dinadaanan ko dahil sa mga luhang ayaw tumigil sa pagpatak mula sa mga mata ko. Naririnig ko pa ang mga bulungan at tawanan sa palagid. Umuugong ang mga masasakit at mapanghusgang salita mula sa mga tao na hindi naman ako kilala.Gusto ko na lang maglaho sa mundo. Gusto ko na lang pigilan ang paghinga ko para hindi ko marinig ang mga sinasabi nila. Gusto ko na lang lumayo at magtago habang buhay. Hindi totoo ang mga sinasabi nila, pero ang sakit pa rin ng mga salitang naririnig ko. Hinuhusgahan na nila ang buong pagkatao ko, hindi pa man nila alam ang totoo. Hindi ako pokp*k. ‘Yong narinig nilang mga ungol at halinghing, record ko nga ‘yon, pero hindi ako ‘yon. Lalong hindi ako ‘yong nasa video na pinalabas nila kanina. Hindi ako sex addict; sex toy collector lang. Pero may dahilan naman ako kung bakit ako nag-co-collect ng mga sex toys, at ‘yon sana ang sasabihin ko kay Myra kanina. Pero naunahan ako nila Shaira.“Ouch!" daíng ko, sabay ang
Read more
Kabanata 55
“Erica, sigurado ka na ba na aalis ka na rito?" tanong sa akin ni Sister Nita. Kasama niya ang iba pang mga madre na nakagaanan ko na rin ng loob at ang mga bata. Lahat naman sila ay napalapit na talaga sa akin. “Sigurado na po, handa na akong magsimula ulit at handa na rin po akong harapin ang mga taong humusga sa akin noon," nakangiti kong sabi. “Na hala, gabayan ka sana ng diyos," sabi ng mga ito. Niyakap naman ako ng mga bata nang nasa labas na kami ng orphanage. Limang buwan ko lang silang nakasama, pero parang ang hirap na nilang iwan lahat. Naging mabait naman kasi sila sa akin. Naging parte na rin sila ng buhay ko at naging parte sa unti-unting paghilum ng sugat sa puso ko. Dahil sa kanila hindi ako tuluyang nalugmok at hindi tuluyang nasira ang buhay ko. “Ate Erica, ‘wag mo po kami kalimutan ha. ‘tsaka, dalawin mo rin kami minsan," sabi pa ng mga bata na niyakap ko na lang ulit.“Oo naman, babalik ako sa pasko," sabi ko na ikanatuwa naman nila. Malapit na nga kasi ang pask
Read more
Kabanata 56
“J-Justin… umayos ka!” Dinuro ko siya kasabay din ang dahan-dahan na pag-atras. Pero tuloy din ang pasuray-suray niyang paglalakad papalapit sa akin, at nakangiti pa rin na parang tanga. "Diyan ka lang…sasapakin talaga kita—"Hindi ko na natapos ang sasabihin ko, bigla niya kasi akong niyakap. Tinulak ko na naman siya, pero agad din siyang kumapit at agad kinulong ang pisngi ko sa mga palad niya, sabay titig sa mga mata ko. “Ang ganda-ganda ng mga mata mo, Erica.” Napakurap-kurap ako. Wala na pala akong salamin. Kaya mata ko naman ang nakita at pinagdiskitahan niya. Abnormal din talaga ‘to. “Alam mo, ito ang dahilan kung bakit minahal kita…tumitig ka kasi…” Ngiti na naman ang tumapos sa pagsasalita niya. ‘Yong ngiting parang tanga na talaga. "Sira ka pala e! Sabi mo tumingin ako sa’yo kapag nagsasalita ka, tapos ngayon, ako ang sisisihin mo?”Napakagat labi siya sabay lapat ng noo niya sa balikat ko. Amoy na amoy ko na ang hininga niya na hindi ko maintindihan ang amoy. “ ‘Yon na
Read more
Kabanata 57
“Ay, teka… nakarami ka na, Justin ha!” sabi ko habang takip na ang palad sa labi ko, pero nagpatuloy pa rin siya sa paglapit at sa kamay ko nga lumapat ang labi niya. Pikit ang mga mata niya habang ako dilat, at pinagmamasdan lang ang ginagawa niya. “I am just checking, kung hindi ka na ba talaga guniguni," sabi niya at ngumiti pa.“Sana nga guniguni na lang ako, hindi mo sana ako ginawang inodoro!" Tinulak ko siya, pero paghapit sa baywang ko ang ganti niya. Para nga siyang rubber bond na mala-tuko rin. Iba kasi kumapit. Kapit na kapit! "Umayos ka na nga muna, Justin. Kung gusto mo mag-usap; usap lang walang nakawan ng halik at yakap," seryoso kong sabi. Kasi naman, hindi pa nga kami, pero kung umasta siya at hawakan ako ay parang kami na. “Para yakap at halik lang, damot… puso ko nga, ninakaw mo, nagreklamo ba ako?” tampo-tampohan nitong sabi, pero agad namang ngumiti ng matamis at mas hinapit pa ang baywang ko. Ang close na nga namin sa puntong ramdam ko na ang umbok at bukol-bu
Read more
Kabanata 58
“Tama na! Ano ba?" sigaw ko, at napapapikit pa ako sa kada suntok na tumatama sa mukha ni Justin. Hindi kasi siya makaganti dahil sa sunod-sunod na suntok na ginagawa ng lalaking pakialamero na biglang sumugod kanya. Inupuan pa siya nito kaya hindi siya makakilos. Sumasakit ang dibdib ko na nakikita siyang walang kalaban-laban. Ang laki kasi ng katawan ng lalaking hïnayupak na sumugod sa kanya. Ang hindi ko lang maintindihan, bakit niya ‘to ginagawa? Anong motibo niya? “Hoy! Awitin n’yo, ano ba? Reynald, tulungan mo si Justin!" sigaw ni Shaira. Maging sina Lu at Pia ay iyon din ang sigaw. Niyugyog pa nila si Reynald na nanonood lang habang ginugulpi ang pinsan niya. Pero hindi man lang ito kumilos, para lang itong poste na nakatayo lang at naghihintay na matumba.“Tigilan mo na ‘yan, pare! Baka mapuruhan mo." May nagtangka na ngang umawat, pero lahat sila ay tumitilapon lang, pati ang nag-iisang guard ng coffee shop ay wala ring nagagawa. Ang liit naman kasi ng katawan nito. Kita k
Read more
Kabanata 59
Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman ngayong nalaman ko na magkakilala pala ang kuya ko at si Myra na itinuturing kong matalik na kaibigan pero walang sinasabi sa akin. Nakalilito lang kasi. Kailan pa? At saka paano sila nagkakilala? Nakapagduda pa ang tinginan nila—tinginan na parang may tinatago at tinginan na parang guilty. Hindi pa nga masagot ni Myra ang tanong ko hanggang ngayon. “Myra, may hindi ka ba sinasabi sa akin ha? Bakit hindi ka makasagot?" tanong ko na dapat ay silang dalawa ng kuya ang tinatanong ko. Pero kasi, hindi ko pa nga kayang kausapin ang kapatid ko na bakas din sa mukha ang pagiging guilty. “Erica, kasi…" "Erica…” Naputol ang pagsasalita ni Myra dahil sa pagtawag sa akin ni Justin na kaagad ko namang nilingon. Nawala siya sa isip ko sandali dahil dito kay Myra at sa kapatid kong na tameme na at puro na lang titig ang ginagawa. “Justin,” nasabi ko. Napisil ko rin ang sintido ko. Habang si Justin naman ay hawak na nito ang ulo niya at pinagpap
Read more
Kabanata 60
“Bodyguard?" Hindi sadya na napalakas ang boses ko. Sabay nila akong nilingon. Ni konti ay walang pagkakaiba ang expression ng mga mukha nila, parehong gulat at parehong guilty. Mapait akong ngumiti habang luha ko ay unti-unti nang pumapatak. Naalala ko kasi ang unang araw ng pagkikita namin ni Myra. Kaya pala, determinado siya na maging kaibigan ako. Kaya pala ang lakas ng loob niya na ipagtanggol ako, at kaya pala handa siyang makipag-away kahit pa sa mga demonyo dahil bayaran pala siya—binayaran nitong magaling kong kapatid na maging fake kong kaibigan. “Erica—" Akmang lalapit sa akin si Kuya Eman, pero agad akong umatras. Naiinis ako sa kanya. Hanggang ngayon, sinasaktan niya pa rin ako. Okay na sana ako. Dumating lang siya, naging malungkot na naman ako. “Erica, sorry. Let me explain, please,” sabi ni Myra. Pumatak na rin ang mga luha niya. “Erica, hindi ko intensyon na lokohin ka—" Napatakip siya ng bibig sabay lingon sa kapatid ko na para bang humihingi ng tulong. Paulit -ul
Read more
PREV
1
...
345678
DMCA.com Protection Status