All Chapters of STILL, LOVING YOU: Chapter 51 - Chapter 60
71 Chapters
ONE NIGHT STAND Bookll
Chapter 1***Kaya mo bang ibenta ang iyong dangal. . . para masagip ang buhay ng iyong magulang na nag-aagaw buhay?Ngunit paano kung ang isang gabing pagbebenta mo sa isang stranghero sa iyong puri ay mahuhumaling sau ang stranghero. Tatanggapin mo ba ang offer nito kahit na ang relasyon niyo ay nagmula sa isang. . . one night stand?****ISABELLA:ALIGAGA ako habang naghihintay na tawagin ako ng kaibigan kong si Symon. Nandidito ako sa silid ng hotel na pinasukan namin. Ang sabi nito ay may magaganap na stag party sa mga kilalang bilyonaryo ng bansa sa kabilang silid. Isa ako sa mga sasayaw sa kanila ngayong gabi. Pero dahil ako ang pang-final ay ako ang huling tatawagin. Kailangan ko pang ipagkasya ang sarili sa malaking cake na props namin para exciting daw ang paglabas ko. Kabado ako dahil hindi ko naman trabaho ito. Ang ibenta ang sarili sa mga lalakeng makakatipo sa akin. Pero kailangan ko ng malaking halaga para madugtungan ang buhay ng ina kong nag-aagaw buhay sa hospital.S
Read more
Chapter 2
ISABELLA:MARIIN akong napapikit na kumapit sa laylayan ng polo nito. Dinig na dinig ko pa ang malakas na kabog ng dibdib ko. Para akong maiihi habang hinihintay itong dumapo ang mga labi sa balat ko!"Damn," mahinang mura nito na sa pisngi ko dumapo ang mga labi.Hindi ko talaga kayang magpahalik sa kanya sa mga labi. Dalawang dekada kong iniingatan ang katawan ko. Kahit nga ang magpahawak sa aking kamay ay hindi ko ginagawa. Mahirap lang kami. At ito lang ang maiaalay ko sa mapapangasawa ko balang araw. Ang malinis ang dangal at puri ko. Pero dahil sa kagipitan ay mapipilitan akong ibenta ang sarili sa hindi ko kakilala. Maswerte na lang na bata ito at napakagwapong nilalang. Hindi isang matanda na hayok sa laman."I want to kiss your kissable lips, baby," anas nito na napapisil sa baba ko at iniharap ang mukha ko sa kanya."H-hindi ko kaya," mahinang saad kong ikinalunok nito."But I already paid you," anas nito. Napalapat ako ng labi na nangilid ang luha. Lumamlam naman ang mga m
Read more
Chapter 3
ISABELLA:HAPLOS ang labi na nangangatal ang katawan kong lumabas ng silid. Oo nga't walang namagitan sa amin ng binatang 'yon at binayaran pa rin ako ng dalawang daang libong piso para sa ilang minuto din naming malalim na halikan. Pero hindi ko pa rin makalma ang sarili ko. Pakiramdam ko nga ay nakalutang ako sa kaulapan habang naglakakad. Nakatatak na sa isipan ko ang mapusok nitong halik na may bahid ng panggigigil at pag-iingat. Bawat hagod at sipsip ng kanyang mga labi sa mga labi ko ay kay sarap damhin! Binigyan niya ng hustisya ang unang halik ko na talaga namang tatatak sa isipan ko!Mariin akong napapikit na kusang sumilay ang matamis na ngiti sa aking mga labi. Sinasariwa sa aking isipan ang aming naging halikan nito. Pakiramdam ko tuloy ay nakalapat pa rin ang kanyang mga labi sa akin. Napahaplos ako sa ibabang labi na nangingiti. Para akong kinikiliti na damang-dama pa rin ang kanyang halik. Halik na hindi ko na malilimutan pa sa buong buhay ko. Dahil siya lang naman. .
Read more
Chapter 4
ISABELLA:HABANG nagkakape kami nito ay pinapaliwanag niya ang mga magiging takbo ng kaso. Kung saan binigyan niya ako ng sarili kong abogado para magabayan din ako. Ayon sa nakalap nila ay walang cctv sa eksaktong lugar na pinangyarihan ng aksidente. Pero sa statement ni Tatay ay maliwanag na mabilis ang patakbo ng driver. At sa uri ng sasakyang gamit nito na isang red ferrari ay masasabing. . .ay kaya ang salarin. Sayang lang at hindi matandaan ni Tatay ang plaka ng sportcar na 'yon para madali sanang mahanap. Ang sabi naman ni Dos ay ginagawa nila ang lahat para makakuha pa ng ibang impormasyon sa salarin. Nakikipag-ugnayan na rin sila sa mga kalapit na barangay para makakuha ng kopya ng cctv. Baka sakaling may nakahagip sa red ferrari na dumaan sa malapit para makuha ang plaka nito.Ang sabi rin nito ay gagawin niya ang lahat para mahuli ang salarin. Tiwala naman ako sa salita nito dahil kita namang determinado ito sa kanyang trabaho. Sana nga. Sana nga ay mahuli niya ang walang
Read more
Chapter 5
TYPHUS:NAKANGUSO ako na pinapasadaan ng tingin ang resume ng mga bagong aplikante para maging bagong secretary ko. Nakatayo lang naman si Ms Selena sa harapan ko. Hinihintay kung may mapili na ako. Kung tutuusin ay qualified naman silang lahat. Pero wala akong matipuhan sa kanila kahit na four degrees din ang tinapos. Ang iba pa nga ay mga dating beauty queen, model at singer pero heto at naga-apply sa akin. Obviously na ako ang hinahabol at hindi para maging secretary ko."What? Don't tell me, wala kang mapili," ani Selena na pabalang naupo sa silya.Napahinga ako ng malalim na pinapaikot-ikot sa daliri ko ang sign pen ko. "Wala eh. Ayoko sa mga 'yan. Hindi ko sila matipuhan. Hwag ka na kasing umalis. Iiwanan mo talaga ako?" saad ko dito na nagtatampo ang tono."Hoy, Del Mundo, umayos ka nga. Ayokong tumandang dalaga, noh?" paasik nito na ikinatawa ko.Palibhasa ay nasa ten years ko na itong secretary. Mula noong baguhan ako dito sa Cat's Multi Tower ay ito na ang kasama kong nagpa
Read more
Chapter 6
ISABELLA:NAALIMPUNGATAN ako na marinig ang mga ingay sa labas. Pupungas-pungas pa akong napabangon sa kama ko dahil nabulabog na ang tulog ko. Ang bigat-bigat pa ng ulo ko dahil kulang na kulang pa ako sa tulog. Napatingin ako sa relo ko at pasado alasotso pa lang ng umaga. Dalawang oras pa lang ang tulog ko mula sa magdamag kong pagtatrabaho sa fast-food. Sapo ang ulo na dumungaw ako sa bintana nitong silid ko. Nakita ko naman ang mga kapitbahay namin na nagkakagulong nag-uunahan na nagtungo sa labasan. "Kuya, anong meron?!" sigaw ko sa mga lalakeng nagtatakbuhan."Oh, Bella! Halika na, nasa labasan ang abogado ng may-ari nitong lupa at gusto daw tayong makausap," sagot ng isa na ikinagising ng diwa ko ng tuluyan."Ho?! Sige po! Maghihilamos lang ako!" Kaagad akong bumaba ng hagdanan at nagtungo ng lababo para makapag hilamos. Sabog-sabog pa ang buhok kong pinusod ko ng ponytail ko. Lumabas na ako ng bahay na napasunod sa mga kapitbahay kong bakas ang pag-aalala.Napapalunok ako
Read more
Chapter 7
ISABELLA:NANGUNOTNOO ako na pinakiramdaman ang paligid ko. Napakatahimik ng lugar at ang lamig din. Ramdam kong napakalambot ng kamang kinahihigaan ko na nababalot ang katawan ko ng malambot at makapal na kumot. Dahan-dahan akong napadilat ng mga mata. Unang bumungad sa nanlalabong paningin ko ang puting kisame. Napakusot-kusot ako ng mga mata hanggang sa unti-unting luminaw ang paningin ko. Mapait akong napangiti na nandidito pa rin ako sa silid na pinagdalhan sa akin. Pero nakadamit na ako ng isang plain white vneck t-shirt at maluwag na pajama. "S-sinong nagbihis sa akin?" piping usal ko.Naipilig ko ang ulo na inalala ang hiling naganap. Mapait na napangiti na nangilid ang luhang maalala ang mga naganap. Madilim na rin sa labas dahil salamin lang naman ang dingding dito. May pagkain din na nasa bedside table na natatakpan ng plastic cover. Dahan-dahan akong naupo na napapangiwi at daing sa pagsidhi ng kirot sa kaselanan ko. Pero dahil kumakalam na ang sikmura kong wala pang ka
Read more
Chapter 8
ISABELLA:BUONG maghapon akong natulog at bumawi ng lakas. Ang usapan kasi namin ni Dos ay bukas niya ako ipapakilala sa kapatid niya. Sana lang talaga ay kasing bait ni Dos ang Kuya niya. Hindi ko tuloy maiwasang kabahan dahil malaking kumpanya ang papasukan ko. Pakiramdam ko ay hindi ako nababagay magtrabaho doon. Pero dahil malaki-laki din ang kikitain kong singkwenta mill sa loob ng isang buwan ay pagsisikapan ko talaga ang trabaho. Idagdag pang hindi agrabyado ang katawan ko sa oras ng trabaho ko. Pwede na akong makatulog ng payapa sa gabi. Masakit pa rin ang kaselanan ko hanggang ngayon. Pero pinipilit kong gumalaw ng normal dahil baka makahalata ang mga kapatid ko. Ayoko ng dagdagan ang mga alalahanin ni Tatay. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa nagkakamalay si Nanay. Pero ang sabi naman ng mga doctor nito ay stable na si ito. Hinihintay na lang na magkamalay siya para malaman kung may iba pang complication sa pagkakabunggo niya.Naalala ko naman ang hudas na sumagasa sa ina ko.
Read more
Chapter 9
ISABELLA:NAKABIBINGING katahimikan ang naghahari sa aming dalawa ni Sir Typhus, matapos kaming iwanan ni Dos. Pero bago siya umalis ay paulit-ulit niyang pinaalalahanan ang kapatid na umayos. Tatawa-tawa lang naman ito sa mga babala ni Dos sa kanya. Na tila hindi natatakot kahit sinabihan siya ni Dos na makakatikim siya dito, kapag binastos niya ako.Nagkataon naman na hindi pumasok ang dating secretary nito kaya hindi ko malaman ang gagawin. Nandidito lang ako sa desk ko katabi ito na abala sa pagpirma ng mga papeles. Inaantok tuloy ako dahil wala naman siyang ipinag-uutos sa akin. Ni wala ngang demo dito ng mga dapat kong gawin. Napatuwid ako ng upo na napainat ito at humikab na napalingon sa akin. Napalapat ako ng labi na pinanatili sa laptop ang paningin."Baby, pwede mo ba akong igawan ng kape?" malambing utos nito.Napalunok ako na pilit ngumiti at tumayo na ng desk ko. Nakamata lang naman ito sa akin kaya hindi ko maiwasang mailang sa matiim niyang pagtitig. Nagtungo ako ng p
Read more
Chapter 10
ISABELLA:NAKANGUSO ako habang hinihintay matapos itong kumain sa pinuntahan naming kalapit na japanese restaurant. Natapos na akong kumain at nakapag pahinga na pero heto at kumakain pa rin siya. Napakahinhin ba namang kumain na dinaig pa akong babae. Napapasulyap ako sa relo ko dahil maga-alasdyes na. Ang sabi nito ay may meeting siya sa investor bago magtanghalian. Pero sa kupad niyang kumilos ay tiyak na aabutin pa kami ng oras dito. Tila nang-aakit pa ang uri ng pagkain nito na malagkit na nakatitig sa akin habang sumusubo. Nag-iinit tuloy ang mukha ko na parang malulusaw dito sa kinauupuan. Napanguso ako na mapansing hindi nito ginagalaw ang mga seafood. Ako nga lang ang tumikim sa mga 'yon. Nakakatakam pa naman ang itsura ng mga sugpo at king crab na in-order nito pero. . . ni tikim ay hindi naman niya ginagawa."Ayaw mo sa seafood, Sir?" 'di nakatiis kong tanong."Ayoko." Agarang sagot nito na sumubong muli."Masarap naman ah," saad ko na ikinangisi lang nito."Sarap now. . .
Read more
PREV
1
...
345678
DMCA.com Protection Status