All Chapters of STILL, LOVING YOU: Chapter 21 - Chapter 30
71 Chapters
Chapter 21 New Home
BHELLE:PAGDATING namin ng syudad ay sa condo unit ni Tyrone kami tumuloy. Hindi rin naman kasi ako handa na humarap sa pamilya niya lalo na't biglaan lang naman ang pagluwas namin. Kaya pala kinausap nila ni Dos ang pamilya ko para pormal akong ipaalam na isasama ako ni Tyrone dito sa syudad. Akala ko kasi ay iiwanan na naman niya ako sa probinsya namin at maghihintay kung kailan siya makakabalik. Pero nagkamali ako.Namamangha kong inilibot ang paningin sa kabuoan ng condo nito. Malawak ang lugar na parang studio type kung susumain. Unang bubungad sa'yo ang sala. Nasa kaliwang bahagi ang kusina nito na makikita din dito sa sala ang kabuoan dahil salamin naman ang dingding. Dito sa kanang bahagi ay may dalawang silid. Wardrobe at ang master's bedroom. White and grey lang ang kulay ng tema sa kabuoan ng unit nito. Nangingintab ang sahig at nagsusumigaw ng karangyaan lahat ng gamit. Dito sa sala ay mayroong malaking flat screen TV na naka-hang sa wall. May mga car toys collection din
Read more
Chapter 22 New Friend
BHELLE:KINABUKASAN ay maaga akong nagising. Alam ko namang papasok sa trabaho ngayon si Tyrone kaya kailangan kong agahan ang paghahanda ng almusal at gagamitin nito papasok ng opisina. Kabado ako dahil ito ang unang beses na pakialaman ko ang kusina nito. Hindi pa ako pamilyar sa mga appliances niya at natatakot na makasira ako lalo na't kita namang mamahalin ang mga ito. "Paano ba 'to gamitin?" tanong ko sa sarili.Nangangatal ang kamay kong lakas loob na nagluto ng agahang inihanda ko. Mabuti na lang at kumpleto si Tyrone sa mga stocks nito. Merong isda, karne, gulay at frozen food."Bahala na nga," piping usal ko.Nagsimula na akong pakialaman ang kusina nito. Gusto ko lang namang ipaghanda siya ng agahan bago pumasok ng trabaho. Pero dahil bago lang sa akin ang mga kagamitan nito ay hindi ko maiwasang ma-pressure kung paano gamitin. "Oh, hi. Who are you?" Nanigas ako na may marinig na baritonong boses mula sa likuran ko. Napalunok ako na maramdaman ang mga papalapit niyang y
Read more
Chapter 23 Letting go
BHELLE:SA mga sumunod na araw ay naging abala na si Tyrone sa trabaho. Madalas ay tinatawagan na lang niya ako na hindi makakauwi at nakababad siya sa trabaho. Hindi naman ako makareklamo dahil ayokong maging abala sa kanya. Malaki ang kinakaharap niyang problema sa kumpanya sa biglaang pagbaba ng sales stock nila kaya bilang CEO ay kailangan niyang agapan ang problema bago pa malugi ang kumpanya nila.Naglalagi ako sa unit nito. Nakasanayan ko rin naman ang naging daily routine ko dito sa syudad. Lumalabas ako ng unit pero sa balcony lang para magpahangin. Wala naman akong ibang mapuntahan para igugol ang oras ko. Natatakot din akong lumabas ng unit at mamasyal sa mga kalapit na mall dahil baka mawala ako.Hindi ako pamilyar dito sa syudad. Wala akong ibang kaibigan o kakilala dito na maaari kong matawagan para kasama sa pamamasyal. Kaya kahit nababagot ako ay ginugugol ko na lang ang oras ko sa paglilinis dito sa unit. Pinapanatili ko ang kalinisan nito dahil wala naman akong ibang
Read more
Chapter 24 second chance
BHELLE:MALALAKI ang hakbang na lumabas ako ng unit. Gulong-gulo ang isipan ko at hindi na malaman kung anong gagawin. Bahala na kung saan ako pupulutin nito. Ang gusto ko na lamang ngayon ay makalayo kay Tyrone at kalimutan na ang punyetang pagmamahal ko dito. Durog na durog ang puso ko. Parang basang sisiw na humahagulhol na naglalakad sa gilid ng kalsada. Hindi malaman kung saan pupunta. Pero saglit lang ay may maskuladong bisig ang kumabig sa baywang ko at mahigpit akong ikinulong sa kanyang bisig. Nanigas ako na hindi makakilos.Kahit hindi ko siya lingunin ay kabisado ko ang prehensya at pabango nito. Sumubsob siya sa balikat ko na napahagulhol. Tuluyang bumigay ang nangangatog kong tuhod at napahagulhol na rin. Siya namang pagbagsak ng malakas na ulan pero nanatiling nakayakap lang ito sa akin mula sa likuran ko."I'm sorry, sweetheart. I'm sorry. I'm sorry." Paulit-ulit itong nagso-sorry na basag ang boses. Panay ang halik sa pisngi ko na mahigpit nakayakap sa tyan ko. "Hwa
Read more
Chapter 25 coldness
BHELLE:AKALA ko magiging maayos na ang lahat sa amin ni Tyrone dahil lumipat na ako sa opisina niya pero. Akala ko lang pala.Kinabukasan ay maaga akong bumangon para ipaghanda ito ng agahan. Nahihimbing pa rin naman ito na mahigpit na nakayakap sa akin buong magdamag. Matapos kong maglinis ng katawan ay nilapitan ko na muna ito. Naupo sa gilid ng kama at marahang hinaplos ang maamong mukha nitong nahihimbing. Mapait akong napangiti na namuo ang luha habang inaalala ang naging buhay namin sa probinsya. Na kahit napakasimple lang ng buhay namin doon ay hindi naman matatawaran ang saya naming dalawa.Ibang-iba dito sa mundo niya na napakahirap makibagay. Kahit gusto ko siyang patawarin at bumalik sa dati ay hirap akong ibigay iyon sa kanya. Masyado akong nasaktan sa nangyari. Kung hindi ko lang siya mahal na mahal ay tuluyan ko na siyang iniwan. Kita at ramdam ko namang mahal niya rin ako. Na hindi niya rin kakayaning mawala niya ako. Pero kung mananatili kami sa mundo niya ay hindi
Read more
Chapter 26 Leaving
BHELLE:NANATILI ako sa opisina ni Tyrone. Kahit hindi ko ito masyadong iniimikan at pinapansin ay hindi ito nagbago. Nilalambing niya ako at inaasikaso. Kahit nga marami siyang trabaho at kliyente ay inaalala niya pa rin ako.Napahinga ako ng malalim habang nakahalukipkip na nagpapahangin dito sa may balcony. Lumabas kasi si Tyrone dahil may press conference itong dinaluhan. Gusto pa nga niya akong isama pero tumanggi ako. Pasado alas-otso na rin ng gabi. Panay ang sulyap ko sa relo ko dahil ang paalam naman ni Tyrone ay alasyete ay nandidito na ito. Pero isang oras na siyang late. Kinakabahan na rin ako pero pilit kong kinakalma ang sarili. Kung pwede nga lang ay kalimutan ko na lang ang mga nangyari sa kanila ni Cassandra at bumalik kami sa dati.Nahihirapan din naman kasi akong tinitiis ko si Tyrone. Naniniwala naman ako sa kanya na walang halaga sa kanya ang babaeng 'yon. Na hindi niya ako ipagpapalit sa kahit na sinong babae. Heto nga at willing na siyang pakasalan ako para mat
Read more
Chapter 27 Paniningil
BHELLE:HINDI ako umuwi ng opisina at sa condo ni Zayn nagpalipas ng gabi. Kinabukasan ay maaga kaming gumayak ni Zayn at inihatid pa ako nito sa terminal ng bus pauwi sa probinsya namin. Kung wala lang itong mahalagang schedule sa bagong endorsement sa kanya bilang modelo ay sasamahan ako nito pauwi. Hindi na rin ako nagpaalam pa kay Tyrone. Malinaw pa sa sikat ng araw na niloloko niya lang ako. Hindi niya kayang iwasan ang babaeng 'yon para sa akin. At hindi ko kayang manatili sa tabi niya na may iba akong kaagaw sa kanya. Hindi ko masikmurang may iba pang babaeng kinakama nito habang nagsasama kaming dalawa. Hindi ko kaya.Tahimik ako sa dulo ng bus kung saan ako nakaupo. Sa bintana nakatanaw at hindi maiwasang umagos ang luha habang palayo ako nang palayo sa syudad. Para akong sinasaksak sa puso ko habang papalayo ako kay Tyrone. Kahit durog na durog ang puso ko sa paglayo kay Tyrone ay may bahagi pa rin sa puso ko ang umaasang. . . hahanapin niya ako at susuyuin ako nitong bumal
Read more
Chapter 28 Alipin
BHELLE:TAHIMIK ako habang nakasakay sa kotse nito. Naka-pokerface lang naman ito na sa daan nakatutok ang paningin. Tahimik lang din kaya kahit ang sulyapan siya ay hindi ko magawa. Kinakabahan ako lalo na't ibang-iba na siya sa Tyrone na minahal at nakilala ko. Kaya naman hindi ko maiwasang makadama ng pangamba sa kung anong plano nito. One hundred thousand din ang utang ko sa kanya. At kahit gusto ko ng makatakas sa kanya ay hindi ko naman alam kung saan hahagilapin sa isang kisap mata lang ang isangdaang libong piso na hiniram ko mula dito. Naubos na rin kasi ang savings ko sa kakapadala sa probinsya para sa mga kailangan ni Tanner. Nangilid ang luha ko na maalala ang sitwasyon ng pamilya ko sa probinsya. Ang hirap maging isang mahirap. Lalo na't may batang involved. Maraming pangangailangan si Tanner at aminado akong hirap na hirap akong maibigay lahat ng iyon. Tumulo ang luha ko na napahigpit ang kapit ko sa pantalon ko. Gusto ko mang umuwi para madalaw ang pamilya ko lalo na
Read more
Chapter 29 Pagpapahirap
BHELLE:MAGHAPON akong inaapoy ng lagnat. Mabuti na lang at pumasok pala si Tyrone sa opisina nito kaya naiwan akong mag-isa sa unit nito. Halos hindi ako makabangon sa sobrang panghihina ng katawan ko. Nahihilo ako sa tuwing sinusubukan kong tumayo kaya kahit ang magpunta ng banyo o uminom ng tubig ay hindi ko magawa. Nasa sofa lang akong nakabaluktot ng higa. Yakap-yakap ang sarili na nanginginig sa sobrang lamig.Maghapon din akong walang kain dahil hindi ko kayang kumilos. Kaya lalo akong nanghihina dahil walang kalaman-laman ang sikmura ko."Bumangon ka nga d'yan!" Napabalikwas ako na marinig ang baritonong boses nito na may kalakasan. Pupungas-pungas akong napaupo sofa sapo ang ulo kong kumikirot. "Hindi ka pa nagluluto!?" asik nito.Nangilid ang luha ko na napatingala ditong nakapamewang sa harapan ko. Salubong ang mga kilay na galit na naman ang itsura. "S-sorry, h-hindi ko pa kayang kumilos, S-sir," nauutal at mahinang saad ko."Wala akong pakialam, Bhelle. Hindi ka panauh
Read more
Chapter 30 Rason
Tyrone:NAPAPANGUSO akong nakatambay dito sa Bar ni Mama Liezel. Kalalabas ko lang mula sa opisina at dito tumuloy. Napapaisip sa sitwasyon namin ni Bhelle. May parte sa puso ko na naaawa ako sa kanya. Oo nga't gago at suplado ako pero. . . si Bhelle lang ang nakapag patino sa akin. Siya lang ang babaeng kauna-unahan kong niligawan, inalagaan at minahal. Akala ko siya na ang the one para sa akin noon pero. . . nagkamali ako. Si Bhelle kasi 'yong tipo ng babae na nakakaagaw ng attention. Disente, maamo, inosente at puro ang puso at pagkatao. Sabi ko sa sarili ko ay napakaswerte kong naibigan niya ako. Kaya naman kampante na ako noon na siya na ang pakakasalan ko. Aminado akong napabayaan ko siya noong dinala ko siya dito sa syudad. Kasarsagan kasi noon ng pagbagsak ng sales ng kumpanya kaya nakatutok ako sa negosyo. Hindi ako nakakauwi noon sa kanya sa dami ng trabaho ko at nakakatulog na nga ako sa mismong office table ko habang nakaupo sa swivel chair ko. Subsob ako sa trabaho. Na
Read more
PREV
1234568
DMCA.com Protection Status