ASHLEY POVBiglang nagkaroon ng tawanan ang loob ng private room dahil sa kakalugan ni Natalia. Lahat ng biro lumabas sa bibig nito at kung anu-ano ang kinikwento nito. Kung sinu-sino na din ang aming napag-uusapan."Totoo ba iyan? Baka naman ginu-goodtime mo lang ako ha?" sagot ko. "Oo nga, inggit na inggit ang anak ni Aling Marites sa iyo ng malaman nilang nakapag-asawa ka ng mayaman. Take note! Matandang mayaman. Ang akala siguro nila wala kang mararating dahil isa ka daw dakilang protitute dito sa Manila kaya ang dami mong dalang pera noong umuwi ka. Hindi ko nga alam kung saan nila nakuha ang kwentong iyan. Noong una galit na galit sila Nanay at Tatay pero noong nabuntisan ang anak ni aling Marites ng tambay sa kanto, nawala din ang yabang nya at pagiging tsismosa. " tumatawa nitong wika. Lalo akong napahalakhak. Hindi ko kasi alam ang tungkol dito. Sabagay, nagiging mas abala ako ng mga panahon na iyun sa pag-aaral at ng makagraduate ako muli akong bumalik ng Manila para magtra
Baca selengkapnya