ASHLEY POV"Ma, mangako po kayo sa akin, huwag nyo na po akong iwan ulit." nandito na kami sa loob ng kanyang kwarto at bakas ang pakikiusap sa boses ni Charels habang sinasabi ang katagang iyun. Para namang biglang tinusok ng karayom ang puso ko ng marainig ko ang katagang iyun. Walong taon na nagtiis ang anak ko na wala ako sa tabi nya. Hindi ko man lang ito naalagaan.Binatang binata na sya. Wala ng bakas ng dating Charles. Napatunayan ko ito sa ayos ng kanyang kwarto. Isa pa mas matangkad na sya sa akin ngayun. Ang bilis talaga lumipas ng panahon. Hindi ko man lang ito naalagaan noong mga panahon na kailangan nya ako. Pakiramdam ko isa akong walang kwentang ina dahil matagal na panahon akong hindi nagpakita sa kanya."Promise, ngayung nandito na ako, hindi ko na hahayaan pa na muli kang mawalay sa akin anak. Pupunan ko ang mga panahon na nawala ako sat tabi mo." sagot ko kasabay ang pagtulo ng luha sa aking mga mata. Agad kong napansin ang paguhit ng masayang ngiti sa labi nito. P
더 보기