All Chapters of My Possessive Billionaire Husband: Chapter 21 - Chapter 30
269 Chapters
Chapter 21
RYDER POVHindi ko mapigilan na ihampas ang aking kamay sa manibela ng sasakyan. Kakatapos ko lang makipag-usap sa officer na may hawak ng kaso ni Ashley. May naglabas daw dito kahapon at dahil wala pa namang naihain na kaso kay Ashley pinayagan na umano itong makalabas.Muling nanariwa sa isip ko ang napag-usapan namin ng imbestigador kanina."Sorry Sir...kahapon pa po namin kayo hinihintay para masampahan na kaagad ng kaso ang suspect. HInihintay din namin ang ilang ibidensiya na isusumite niyo. Kaya lang hindi po kayo dumating. Wala pang limang oras na naka-detain si Mam may dumating pong Abogado kahapon at isang lalaki." imporma nito. Gulat akong napatitig dito."Sino sila? Kilala ba sila ng asawa ko?" seryoso kong tanong. Ang alam ko, wala masyadong kakilala si Ashley dito sa Manila. Naghalungkat ito sa mga papeles na nasa harap niya at muling tumitig sa akin."Doctor Lorenzo Jimenez po. Halos magwala pa siya dito kahapon lalo na ng makita nya ang sitwasyon ni Mam. Inilaban nya a
Read more
Chapter 22
RYDER JAMES SEBASTIAN POVHalos tatlong araw pa kaming nagtagal sa hospital ng magpasya si Doctor Santos na i-discharge na si Lola. Pwede na daw itong umuwi at sa bahay na lang ituloy ang pagpapagaling at pag-inom ng gamot nito. Agad naman akong pumayag dahil sa tatlong araw na iyun hindi ako umaalis sa tabi nito. Personal kong inaalagaan si Lola sa hospital at hindi na din muna ako pumapasok ng opisina.Kapag may mga importanteng papeles akong pipirmahan, dinadala ito ni Anthon sa hospital. Hangat maari ayaw kong mawalay sa paningin ko si Lola. Malaki ang kasalanan ko dito at gusto kong makabawi.Sa tatlong araw na iyun hindi na din nagpakita pa si Ingrid sa akin. Hindi man diretsang sinasabi ni Lola alam kung may kinalaman ito sa pagkakalaglag ni Lola sa hagdan. Si Ingrid ang naabutan ko sa taas ng hagdan pagkalabas ko ng kwarto. Pagkatapos agad nitong sinabi sa akin na si Ashley ang may kagagawan kaya nahulog si Lola.Si Ashely...kumusta na kaya siya. May mga inutusan na akong mga
Read more
Chapter 23
SEVEN YEARS LATERRYDER POVTahimik akong nakatitig sa kawalan. Seven years ang mabilis na lumipas pero hindi man lang nabawasan ang sakit ng kalooban na nararamdaman ko ngayun. Hindi ko akalain na kinaya kong harapin ang buhay na wala si Ashley.Tinanggap ko na sa sarili ko. Huli na ng narealized ko kung gaano pala ito kahalaga sa akin. Kung kailan inamin ko na sa sarili ko na mahal na mahal ko na sya tsaka naman siya naglaho na parang bula. Wala man lang siyang iniwan na kahit kaunting bakas.Personal ko na din pinuntahan ang probensiyang pinaggalingan niya. Pero ayun sa mga napagtanungan ko hindi nagagawi sa lugar nila si Ashley. Lumuwas daw ito ng Maynila pagkatapos makagraduate sa kursong Accountancy at hindi pa umuuwi.Mahirap nga hanapin ang isang taong ayaw magpahanap. Araw araw akong nagdurusa sa ginawa ko dito. Kung alam ko lang na mangyayari ito hindi sana ako nagpadalos-dalos ng desisyon noon.Aminado akong kasalanan ko ang lahat. Walang ibang dapat sisihin sa mga nangyaya
Read more
Chapter 24
ASHLEY POV"Diyos ko! Ashley anak, ikaw na ba iyan! Salamat sa Diyos at nagbalik ka na!" Narinig kong sigaw ni Nanay Luz habang papasok kami ng bakuran. Hawak ko sa kanang kamay si Charles at agad ko itong nabitawan ng makita ko na nagmamadaling naglakad pasalubong sa amin si Nanay Luz habang nakasunod naman dito si Tatay Boyet. "Nay.." umiiyak kong wika at agad na yumakap ng makalapit na ako sa kanya. Hindi ko mapigilan ang pag-uunahan sa pagpatak ang luha sa aking mga mata. Sobra ko silang namiss."Anak...salamat sa Diyos at nandito ka na! Salamat at muli kang nagpakita sa amin." wika naman ni Nanay habang umiiyak at naramdaman ko pa ang paghaplos nito sa likod ko. "Sorry po...sorry!" wika ko dito. Naramdaman ko naman ang paglapit ni Tatay kaya kumalas na muna ako dito at hinarap si Tatay. Nakita ko ang kislap ng tuwa sa mga mata nito habang nakatitig sa akin. Hindi ko napigilan ang aking sarili at niyakap ko ito. Ilang ulit akong bumulong na taos pusong kapatawaran sa kanya."Ana
Read more
Chapter 25
RYDER JAMES SEBASTIAN POVAraw ng check up ni Lola. Kahit na hindi maayos ang relasyon ko sa may ari ng Amadeo Medical Center doon ko pa din dinadala si Lola Agatha. Mas komportable kasi siya sa hospital na ito. Isa pa kasundo nito ang kanyang Doctor kaya kahit gusto ko itong dalhin sa ibang hospital ayaw nito. Mas panatag na daw kasi ang kanyang kalooban sa hospital na iyun.Mabuti na lang at bumalik sa dati ang trato sa akin ni Lola Agatha. Napatunayan ko din kung gaano ako kahalaga dito kaya kahit na dumating ako sa punto na wala na akong gana pang mabuhay pinilit kong magiging matatag. Gusto kong makabawi sa lahat ng sakripisyo na ibinigay nito sa akin."Hindi mo na ako kailangan pang isakay sa wheelchair na iyan Ryder. Kaya ko ng maglakad at isa pa hindi mo na kailangan pang lumiban sa opisina para dalhin ako dito. May driver naman ako at nandyan naman si Lorna para samahan ako dito." wika ni Lola Agatha ng buhatin ko ito palabas ng sasakyan at pinaupo sa kanyang wheelchair.Oo,
Read more
Chapter 26
ASHLEY POVHindi ko akalain na sa maikling panahon na pananatili namin dito sa Pilipinas ay agad na magkrus ang landas namin ni Ryder. Kung alam ko lang sa hospital din pala na ito nagpapacheck-up si Lola Agatha hindi na sana ako nagtangka pang umapak dito. Ininsist ko na lang sana kay Lorenzo kanina na sa condo na lang kami didirecho. Kahit magtaxi na lang kami ayos lang sana.Hindi ko alam kung namamalikmata lang ba ako pero kita ko ang lungkot sa mga mata ni Ryder habang nakatitig sa aming dalawa ni Charles. Kapansin-pansin ang malaki nitong ipinagbago. Wala na ang dati nitong makinis na mukha at kapansin-pansin ang napabayaang tumubong balbas sa mukha nito. Mukhang ilang araw na itong hindi nakapag-ahit. Pumayat din ito at ibang-iba na sa dating Ryder na nakilala ko noon.Halos dalawang oras din kaming nag-stay sa clinic ni Doc.Cheska. Gusto kong makasiguro na wala na si Ryder sa hospital na ito bago lumabas. Natatakot akong isipin na baka abangan kami nito. Hanggang ngayun hindi
Read more
Chapter 27
ASHLEY POVTulala akong muling sumakay ng sasakyan. Nagpasalamat ako dahil hindi na ako hinabol ni Ryder. Hindi ko na alam ang sasabihin ko kung magtagal pa ang pag-uusap namin."Lets go?" tanong ni Lorenzo sa akin ng makaupo na ako. Sinulyapan ko pa ang aking anak na tahimik na naglalaro ng games sa cellphone. Agad akong tumango.Ipinikit ko ang aking mga mata ng mag-umpisa ng umusad ang sasakyan. Hanggang ngayun umaalingawngaw pa din sa pandinig ko ang pinag-usapan naming dalawa ni Ryder. Hindi ko alam kung paniniwalaan ko ba ang mga iba nitong sinasabi. Ang paghingi ng tawad nito sa kanyang mga kasalanang nagawa.Aaminin kong mahal ko pa rin ito. Pero may takot na akong nararamdaman para dito. Hindi ganoon kadali kalimutan ang lahat ng kasalanan na nagawa niya. Gusto ko na lang itong iwasan habang buhay at itoon ang buong attention ko sa anak ko....... Kay Charles.Mas maigi na din na sa Japan na kami tuluyang manirahan. Mas maganda doon. At least malayo kami sa lahat. Malayo kami
Read more
Chapter 28
ASHLEY POVNagising ako kinaumagahan na masama ang pakiramdam ko. Mabigat ang ulo ko at parang mabibiyak dahil sa sakit. Mukhang magkakaroon din ako ng trangkaso. Hindi ko maintindihan kung bakit nagiging sakitin ako nitong mga nakaraang araw. Hindi naman ako ganito dati. Kung sumakit man ang ulo ko hindi ganito kalala."Mama, are you ok?" narinig ko pang tanong sa akin ni Charles. Nakatunghay ito sa akin habang nakatitig sa mukha ko."Im fine anak! Napagod lang siguro si Mama at kailangan ng more rest." sagot ko sabay pakawala ng pilit na ngiti."Gusto niyo po bang tawagan ko si Papa Enzo? Sasabihin ko po sa kanya na sick kayo." malambing na sagot nito. Agad akong umiling. Pagkatapos ay hinaplos ko ang mukha nito."Im fine anak. Mawawala din ito. Nakakahiya na kay Papa Enzo. Marami siyang trabaho sa hospital at baka maisturbo pa natin siya." sagot ko sabay pakawala ng pilit na ngiti. Tinitigan muna ako nito bago tumango."Oorder na lang ako ng foods sa labas para may makain tayo. Pas
Read more
Chapter 29
ASHLEY POVTahimik kong pinagmamasdan ang mag-ama ko na naghaharutan dito sa garden. Hindi na kami natuloy sa pamamasyal sa mall. Dito na kami dumirecho sa bahay pagkatapos naming mag-usap kanina. Biglang nagyaya si Lola Agatha na siyang hindi ko mahindian. Mahirap tanggihan ang isang nakikiusap na tao na walang ipanakita sa akin noon kundi puro kabutihan."Pwede bang dumito na lang kayo Iha? Masyadong malungkot ang bahay simula ng mawala ka dito." napabaling ang tingin ko kay Lola Agatha ng magsalita ito. Hindi ko naman malaman kung ano ang isasagot dito. "La, sa Japan na po ako naka-base. Doon din nag-aaral si Charles." sagot ko. Agad kong napansin ang paguhit ng lungkot sa mga mata nito bago pilit na ngumiti."Kayang bigyan ng magandang kinabukasan ni Ryder ang anak niyo Ashley. Hindi mo na kailangan pang magpakahirap sa trabaho. May sariling kompanya ang pamilya at pwedeng kang manatili dito sa Pilipinas hanggat gusto mo." sagot nito. "La...hi-hindi ko po alam. Mahirap naman po
Read more
Chapter 30
ASHLEY"Hayaan mong mahalin kita! Hayaan mong manatili ako sa tabi mo. Basta mangako ka...huwag na huwag ka ng bumalik sa kanya. Hindi ko kayang tanggapin ang bagay na iyun Ash!" pagpapatuloy na wika ni Enzo habang patuloy ang pagyugyog ng balikat nito. Palatandaan ng matindi nitong pag- iyak.Hindi ko naman alam kong paano ang gagawin ko. Ako ang mas nahihirapan sa sitwasyon ngayun. Hindi ko akalain na aabot sa ganito ang lahat. Para tuloy akong napagitnaan ng nag-uumpugang malalaking bato. Hindi ko alam kung paano lusutan ang napakalaking problemang ito."Enzo, walang magaganap na balikan sa aming dalawa. Magkasama kami ni Ryder dahil kay Charles. Siya ang ama ng bata kaya karapatan nila parehong makilala ang isat isa." sagot ko dito at pilit na kumawala sa pagkakayap nito. Naiilang na ako sa kanya. Ibang iba na siya sa Lorenzo na nakilala ko noon. Masyado na itong nagiging vocal sa nararamdaman niya sa akin na syang labis kong ikinatatakot."Kailangan mo ng umuwi. Magpahinga na tay
Read more
PREV
123456
...
27
DMCA.com Protection Status