Nagtaka naman si Elijah. Naisip niya kung bakit dadaanan pa nila ang ibang bangkay. "'Di ba dapat nasa isang kwarto na si Charlotte?" "Sumunod ka na lang sir. Kailangan ko na ring gumamit ng banyo pagkahatid ko po sayo doon. Kaya lumakad na tayo sir." Habang lumalakad ay kunot na kunot nag noo ni Elijah. Kung kanina ay sobrang sakit ng puso niya, ngayon ay parang may nararamdaman siyang kakaiba, hindi sakit, hindi rin takot. "Iwan muna kita dito sir. Huwag po kayong gagalaw, kung saan po kayo nakatayo dapat diyan lang po kayo." "Bakit?" "Huwag na po kayong magtanong sir. Aalis na po ako." "T-Teka sandali..." Hindi na natuloy ni Elijah dahil hindi na niya naramdaman ang presensya ng security niya sa kumpanya. Ang ginawa na lang ni Elijah ay tumayo ng tuwid, hindi talaga siya gumalaw sa kinatatayuan niya, pero ilang minutong nakakalipas ay may musika na biglang kumalat sa lugar na iyon. Isang musika na malumanay. Kumuyom ang kamao niya, hindi muna siya iiyak kung sakaling nasa
آخر تحديث : 2025-11-21 اقرأ المزيد