NAPABUSANGOT ako ng sabihin ni Terrence na mauna na raw akong umuwi sa bahay niya. Kanina, nang matapos kaming kumain sa resto, tumawag sa kaniya yung secretary niya. May naghahanap daw sa kaniya, at kailangan niyang pumunta sa kumpanya. Pasado alas syete na rin ng gabi! Gusto kong sabihin na sasama na lang ako, tutal, bored naman sa bahay. Pero, si Terrence na mismo nagsabi na umuwi na lang daw ako. Pina-book na niya ko ng grab, para daw hindi na hassle sa akin ang umuwi. Kapag daw nakauwi ako, i-message ko daw siya. Nakakainis lang dahil quick date lang pala. Ganito ba talaga buhay ng isang negosyante? Imbis na umuwi ako, naisipan ko munang pumunta saglit sa bahay. Sasaglit lang naman ako. Hindi naman kakainin ng mahabang oras ang pagbisita ko sa anak ko. …Naabutan ko si Tres na mahimbing ng natutulog sa kuwarto niya. Good timing na din na tulog na ang batang ito. “Ang goodboy naman ng baby ni Mama, maaga natutulog.” Malambing kong sabi habang pinagmamasdan
Huling Na-update : 2025-07-31 Magbasa pa