All Chapters of Played By Fate: Chapter 211 - Chapter 220
301 Chapters
Book 3: Chapter 34-Kamalasan
Parang natuod na si Alexa sa kinatayuan nang biglang may tatlong lalaki ang dumating at pakaladkad na kinuha si Dave. Ipinagtaka niya ay hindi na nanlaban si Dave at ang mukha nito ay mukhang takot habang nakatitig sa matanda. Sinilip niya ang mukha ng ginoo, halatang galit pa rin ito.Mabilis na binago ni Charles ang aura sa mukha at halos maduling na ang dalaga kakatitig sa kaniya. "May problema ba sa mukha ko, hija?""Lolo, bakit ganoon makatingin si Dave sa iyo? Hindi ka naman mukhang maligno para matakot nang husto sa iyo."Napangiti si Charles at sandaling nakalimutan ang galit na nadarama kanina. "Sino ba ang lalaking iyon at ang lakas ng loob na bastusin ka?""Hindi ko rin po alam kung bakit ganoon kabastos siya. Boyfriend siya ng pinsan kong mahadira. Siya sana ang napili ng lolo ko na ipakasal sa akin, alaalang sa mana ko.""Mabuti at hindi natuloy na ikasal ka sa kaniya?""Naku, lolo, matalino ako at hindi ko siya type. Gumawa ako ng paraan upang malaman ng lolo ko na isa s
Read more
Book 3: Chapter 35-Dismaya
"Pst, ano ang hitsura ng Jackie na iyon?" tanong ni Alexa sa katabing babae."Si Jackie?" patanong ding sagot ng babae.Tumango si Alexa sabay pikit-pikit nang mariin."Mataray iyon. Kilala ng karamihan dahil minsan na siya dito nag intern din. Mayabang din kasi ang ama ay isa sa board of directors ng kompanya."Napalabi si Alexa, sa isip ay may ipagyayabang naman pala. Bigla niyang naalala ang babaeng matapobre kanina. Huwag lang na iisa iyon at ang babaeng gusto lumandi sa asawa niya. Kung wala lang trabaho at baka nakasugod na siya sa opisina ng asawa. Pero kailangan niyang maging professional. Ginagalang ng lahat ang asawa niya at hindi maaring malaman ng mga ito na siya ang asawa. Nahihiya siya para sa sarili, kailangan muna niyang magtapos sa pag aaral upang may maipagmalaki sa lahat bilang asawa ni Zion.Pagpasok ni Zion sa visitor area ng opisina ay naroon nga si Jackie. "May kailangan ka?" pormal niyang tanong sa babae."Hi, may dala akong breakfast for you." Kiming ngumiti
Read more
Book 3: Chapter 36-Pag-alala
Nagmamadaling tumayo si Alexa pagkarinig sa alarm bell, hudyat na breaktime. May fifteen minutes silang break para magmeryenda. "Alexa, saan ka pupunta?" tawag ni Loida. "Tatae, sasama ka?" Ngumiti pa siya sa babae."Ewww, kadiri ka!" Mabilis na lumayo si Loida kay Alexa habang napapapagpag ng kamay sa kawalan na para bang itinataboy ang masamang hangin.Natawa lang si Alexa bago nagmamdaling umalis na. Puntahan niya ang asawa at baka nililingkis na ng ahas. Alam naman niya kung anong floor at room ang opisina ng asawa. May mga nakakasalubong siyang empleyado sa hallway at napapatingin sa kaniya. Hindi niya pinansin ang mga ito at nagpatuloy sa paglalakad. Pagtapat niya sa magarang glass windor at napalingon siya. Huli niyang nakalingon din sa kaniya ang mga naroon na para bang kinikilala siya. Pagpasok niya sa loob ay agad na hinanap si Jerry, ngunit ibang mukha ang nakita niya at agad nagising ang natutulog na dragon sa pagkatao niya."Narito ka ba para maglinis?" Nakatikwas ang
Read more
Book 3: Chapter 37-Naughty
Hindi magawang magsalita ni Alexa nang maiupo siya ng asawa sa mahabang sofa. Ramdam niyang galit din ito. Kung para ba sa kaniya o sa babaeng nasa labas?"Next time, ayaw kong kumakain ka ng pagkaing hindi kusang ibinigay sa iyo."Nahihiyang nagyuko ng ulo si Alexa at parang bata siyang napagalitan. "Sorry."Napabuntonghinga si Zion at pilit pinakalma ang sarili. "Babe, hindi ako sa iyo nagagalit. Ayaw ko lang na may nagmamaliit sa iyo at sa harapan ko pa. We had a lot of money to buy food and—"Niyakap niya ang binata at naiiyak na isinubsob muli ang mukha sa dibdib nito. "Sorry at inilalagay kita sa kahihiyan dahil hindi ako nag iisip. Gusto ko lang sana siyang asarin kasi kung umasta ay parang siya ang boss dito."Muling napabuntonghininga si Zion at nahirapan siyang ipaliwanag ang sariling damdamin na hindi masamain ng dalaga. Ang hindi nito alam ay siya ang mas apiktado kapag nilait ito o inalispusta ng iba. Ayaw niyang maliit ang tingin dito ng ibang tao. Alam niyang kaya nito
Read more
Book 3: Chapter 38-Pleasure
Mabilis na tumayo si Zion habang buhat ang asawa at dinala sa mahabang sofa. Maari naman niyang dalhin ito sa VIP room at may connecting door iyon sa opisina niya. Pero gusto niyang maranasan ng asawa niya ang ibang ambiance habang nagtatalik sila. Sa kapilyahan nito ay alam niyang gusto nitong maranasan ang love making sa loob ng opisina.Hindi nagpapatalo si Alexa sa asawa. Nagmamadali niya ring inalis ang necktie na suot ng asawa at ang pagkabutones ng full sleeve nito. Ang suot niya ay mabilis lang nitong mahubad. Agad niyang dinilaan ang dibdib nito nang tumambad sa paningin niya. Dinukot niya ang shaft nitong galit na mula sa suot na trouser. Ang sarap damhin niyon at halatang galit na galit na. Tipong gusto nang manuklaw. Habang nagpakasasa ang labi sa dibdib ng asawa, ang kamay ay abala din sa paghaplos at pisil sa pagkalalaki ni Zion."Babe, wala akong dalang protection ngayon!" namamaos ang tinig ni Zion habang hinahaapalos ang buhok ng asawa. Hinayaang gawin ang gusto nito
Read more
Book 3: Chapter 39-Pang-iinsulto
"Ikaw ba si Ms. Alexa from marketing department?"Sandaling pinakatitigan ni Alexa ang ginoo na mukhang inabangan talaga siya roon at hinintay na makalanas. Sa hitsura nito ay alam niyang may mataas na posisyon ito sa kompanya. "Ako nga po, may kailangan po ba kayo sa akin?""Isa ako sa tinitingala dito sa kompanya at kilala ang pamilya ng CEO."Gustong tumaas ng nga kilay ni Alexa at nayabangan sa lalaki pero pingilan niya ang sarili. "Ano po ang connect ng trabaho ko sa katauhan niyo?" gusto niya sanang isatinig pero huwag na lang at baka mapikon ang ginoo."Gusto ko lang sabihin sa iyo na layuan mo si Mr. Zion at hindi ka nababagay sa kaniya."Nagpantig ang tainga ni Alexa sa narinig at hindi na napigilan isatinig ang laman ng isipan. "At sino ang bagay sa kaniya, ikaw?" sarkastiko niyang tugon sa ginoo."Stupid! Hindi ako bakla at ang anak ko ang nababagay sa kaniya!" Bahagyang tumaas ang timbre ng boses ng ginoo at namula ang pisngi dahil sa galit at pagkapahiya sa isiping naging
Read more
Book 3: Chapter 40-Sumbong
Umalis na si Dave sa kinaparadahan ng sasakyan nang hindi makita si Alexa. Ngayong alam na niya kung saan nakatira ang babae ay madali na lang sa kaniya gawin ang plano.Sa villa, nagulat si Simon nang makita ang apo at mukhang paiyak na. "Ano ang nangyari? Nasaan ang asawa mo?"Nag aalala ring nilapitan ni Lourdes ang anak at biglaan ang dating nito."Lolo, ang bad nila!""Sino?" Magkapanabay na tanong ni Simon at Lourdes. "Ang pamilya ng babaeng may gusto kay Zion!" Padabog na umupo si Alexa sa sofa."What? May ibang babae si Zion?" galit na tanong ni Simon."May gusto po sa kaniya at hindi babae." Pagtatama ni Alexa."Then bakit ka nagpapaapikto sa kanila? Hindi ka dapat dito umuwi kundi sa asawa mo upang ipaglaban siya." Sermon ni Simon."Lolo, nilait po nila ako at sinabi na hindi bagay para kay Zion dahil mahirap lang ako. Kasalanan niyo po ito!" Pagmamaktol ni Alexa sa abuelo.Nanlaki ang mga mata ni Lourdes at kung ano na naman ang nalabas sa bibig ng anak."What? Sino ang ha
Read more
Book 3: Chapter 41-Pang-aakit
"Pumasok ka na sa loob at suyuin ang asawa mo. Pero dito kayo matutulog at gusto kong makasama din ang apo ko.""Maraming salamat po sa unawa, lolo." Nauna pang humakbang si Zion at pumasok sa loob ng bahay.Nang makita ni Alexa ang asawa ay patalon siyang bumaba ng upuan na mataas ang mga paa. "Babe, paano mo nalamang nandito ako?""Bakit ka umalis ng kompanya at iniwan mo pa ang bag sa opisina ko, kasama ang cellphone mo?" Himig galit na tanong ni Zion sa asawa."Hindi ko alam kung saan na ang daan pabalik sa opisina mo mula sa exclusive room. Tapos paglabas ko ng pintuan ay may lalaki pang sumalubong sa akin at galit.""Wait, pag-aari mo ang kompanya kung saan napasok ang mga apo ko?" gulat na tanong ni Simon sa binata.Nanlaki ang mga mata ni Alexa, ayaw niyang may ibang makakaalam lalo na ang pamilya niya. Hindi sa ikinahihiya niya o ano paman. Baka kasi samantalahin ang kabaitan ng asawa niya. Kilala niya ang abuelo, hindi lang basta negosyante ang nasa utak nito."Ahm, o—""Ana
Read more
Book 3: Chapter 42-Banyo
Pagkapasok sa silid ay niyakap agad ni Alexa ang asawa. Pero sa halip na lambingin siya ay sermon ang inabot niya dito."Babe, huwag mo nang ulitin ang ginawa mo kanina na umalis nang walang paalam at naiwan ang cellphone."Lumabi si Alexa, "babe, huwag ka nang magalit. Nawala na sa isip ko kanina na balikan ka kasi nagmamadali akong pumunta dito upang makauwi agad. Gusto ko nang makuha ang mana kay lolo para may pangsampal ako doon sa ama ng babae mo."Nangunot ang noo ni Zion at naalala ang sinabi kanina ng matanda. "Sino ang nang-alipusta sa pagkatao mo kanina?""Hindi ko kilala pero ang sabi niya ay kilala siya ng pamilya mo at ama siya ng babaeng nakatakdang pakasalan mo." Biglang sumimangot si Alexa at nagtatampo sa binata dahil may iba pala itong babae."That bastard! How dare him to brag about himself and tell you about her daughter!"Lalong napasimangot si Alexa at nagsalita na ng english ang asawa. "Babe, tagalugin mo!"Hindi pa rin pumatag ang noo ni Zion kahit mukhang naka
Read more
Book 3: Chapter 43-Possessive
"Ang guwapo ng asawa ko, 'di ba?" Nakangiting tanong ni Alexa sa pinsan.Mabilis na iniwas ni Liza ang tingin sa katawan ni Zion. Hindi niya akalaing sa kabila ng suot nito ay lilitaw pa rin ang kakisigin nito. Ang hot nitong tingnan at naiingit siya sa pinsan. Kung natuloy siguro ang kasal ng pinsan kay Dave ay baka siya ang karelasyon ngayon ni Zion."Akin siya at aking lang! Lahat sa kaniya ay akin at ayaw ko nang may kaagawa." Pinagdiinan ni Alexa anv bawat katagang binitawan.Sinamaan ni Liza ng tingin ang pinsan. Mabuti na lang at pumasok na si Zion sa silid ng abuelo nila upang magpalit. "Tingnan natin kung hanggang kailan ka kagiliwan ni Zion."Sinamaan niya rin ng tingin si Liza. "Huwag kang magkamaling pangaraping matikman ang asawa ko Liza dahil kakalbohin talaga kita! Makuntinto ka sa manyak mong nobyo!"Napatiim bagang si Liza at nadagdagan lamang ang galit na nadarama. "Kasalanan mo kung bakit natanggal si Dave sa trabaho kaya pagbabayarin kita!""Alam mo hindi ka lang t
Read more
PREV
1
...
2021222324
...
31
DMCA.com Protection Status