Lahat ng Kabanata ng Played By Fate: Kabanata 1 - Kabanata 10
243 Kabanata
Chapter 1-Pag-agaw
"Hindi pa ba nakauwi ang asawa ko?" tanong ni Stella sa katulong habang iginagala ang tingin sa paligid ng sala. Kagigising niya lang at wala sa tabi niya ang asawa."Huh, bakit sa akin mo hinahanap ang asawa mo?" mataray na sagot ng katulong.Naglapat ang mga labi niya at pinigilan ang sariling sagutin ang katulong. Hindi magkalayo ang edad nila ng babae at kung ituring siya ay parang ka level lang nito. Well, sino ba ang gagalang sa kaniya kung mismo ang asawa at kapatid nito ay parang katulong ang turing sa kaniya?Sa halip na patulan ang pagtataray ng katulong ay minabuti na lang ni Stella na pumuntang kusina. Hindi rin siya ipinaghahanda ng pagkain ng katulong kapag wala ang asawa niya. Mabait lang ito sa kaniya kapag nasa paligid si Charles, ang kaniyang asawa.Sinundan ni Marimar si Stella sa kusina at pinagsabihan ito." Bilisan mo riyan at linisin agad ang pinagkainan dahil darating si Senyorita Sophie at Donya Magda."Parang walang narinig na nagpatuloy sa pagluluto ng itlog
Magbasa pa
Chapter 2-Pagsuko
Nanghihinang nakahiga si Stella sa hospital bed. Hindi pumayag ang doctor na hindi siya ma-confine dahil delikado ang kalagayan niya. "Hija, hindi mo ba tatawagan ang asawa mo upang may magbabantay sa iyo?" untag ng doctor na babae kay Stella.Pilit na ngumiti si Stella sa doctor, "na text ko na po."Nakangiting tumango ang doctor sa dalaga. Nakaramdam ito ng awa sa bagong pasyente at halatang hindi naalagaan ang katawan. Napabuntonghininga si Stella nang wala na ang doctor. Muli niyang hinaplos ang impis na tiyan at kahit papaano napangiti siya. Sa wakas, magkakaroon na sila ng anak ng asawa. Magkaroon na ng dahilan upang mahalin siya ng asawa at mabuo na ang pamilya nila. Mabuti at naagapan ang ipinagbubuntis niya. Hindi niya alam na five weeks pregnant na pala siya. Ang kailangan niya ngayon ay ibayong pag-iingat upang hindi mahulog ang anak na nasa sinapupunan na niya."Ipapaalam ko na po ba—" Mabilis na nilingon ni Stella ang lalaking kanina pa niya kasama at umiling. "Maari
Magbasa pa
Chapter 3-Pagpirma
Napalunok si Stella ng sariling laway at parang biglang nanuyo iyon bago tuwid na tumingin muli kay Charles. "Gusto ko lang malaman kung nagkaroon ba ako ng puwang diyan sa puso mo kahit kaunti lang?"Blangko ang tinging ipinukol ng binata kay Stella. "Alam mong pinakasalan lamang kita dahil sa abuelo ko. Kunin mo ang perang habol mo sa akin kaya mo ako pinakasalan kapalit ng kalayaan ko.Pilit na sinupil ni Stella ang paghulma ng mapait na ngiti sa kaniyang labi. Hindi niya masisi ang asawa kung iyon ang nasa isip hanggang ngayon. Wala siyang maidahilan noong tinanong siya kung bakit gusto niyang magpakasal dito. Naidahilan niya ay noon pa niya pangarap makapag-asawa ng mayaman. Isa pa ay kahit hindi iyon ang isagot niya noon ay talagang mukhang pera ang tingin nito sa kaniya. Pero sobra siyang nasasaktan ngayon dahil hindi manlang siya nagawang mahalin ni Charles sa loob ng tatlong taon nilang pagsasama. Mahinang buntonghininga ang pinakawalan niya at marahang tumango sa asawa."Kun
Magbasa pa
Chapter 4-Kasunduan
"Babe, good morning!" Masiglang bati ni Elizabeth sa binata nang maabutan ito sa kusina at nagkakape.Nangunot ang noo ni Charles nang makita ang dating nobya. Inilibot niya ang tingin sa paligid at mukhang namali ng bahay na tinulugan."Dito na ako natulog kagabi kasama si Sophie. Ayaw mong magpa isturbo kaya hindi ko na naipaalam." Ngumiti siya sa binata habang nagpapaliwanag."Have a sit."Mabilis na tumalima si Elizabeth at umupo sa tabi ng binata. Ngayong wala na si Stella, siya na ang makasalo ng binata sa hapagkainan simula sa araw na ito. Walang mapagsidlan ng tuwa ang puso niya dahil ramdam niyang muli na kaniya na si Charles. "Marimar, gisingin mo na rin si Stella upang makapag almusal."Hindi naituloy ni Elizabeth ang pagdampot sa tinidor at hindi makapaniwalang napatitig kay Charles."Sir, mula nang umalis kahapon si Ma'am Stella ay hindi na siya bumalik." Nag-aalinlangang sagot ng katulong. Kahit hindi maayos ang pagsasama ng dalawa ay hindi maaring hindi sabayan ito sa
Magbasa pa
Chapter 5-Welcome home
"Wala pa rin bang balita?" naiinip na tanong ni Charles kay Roy."Sorry, sir, lahat ng hotel maging small apartments ay pinatingnan ko na pero wala siya roon."Galit na binitawan ni Charles ang hawak na pen at masama ang tinging ipinukol sa tauhan. "Wala na ba kayong ibang paraan upang mahanap siya at maibalik sa bahay?"Napayuko ng ulo si Roy, kapag ganoong tumaas na ang timbri ng boses ng binata ay nawalan na ito ng pasensya. Gusto nitong ibalik sa bahay na ibinigay nito ang dating asawa bago pa dumating ang abuelo nito."Get out!" muli niyang bulyaw sa tauhan nang wala na itong maisagot na tama sa kaniya.Ilang araw na rin ang lumipas at hindi niya makuntak si Stella. Ang ikinagagalit niya ay kinuha lang nito ang pera pero hindi sinunod ang isa sa kasunduan na nasa kasulatan. Nakalakip doon na kailangan pa rin nitong magpakita sa abuelo niya at tulungan siyang makumbimsi ang matanda na naghiwalay sila ng maayos. Na walang third wheel namagitan kaya nakipag divorce siya.Nahulog sa
Magbasa pa
Chapter 6-Makalipas ang ilang taon
"Ngayong malakas ka na, ano ang balak mong gawin?" tanong ni Lauro sa anak.Nakangiting hinaplos muna ni Stella ang maliit na pisngi ng anak bago nilingon ang ama. "Sa ibang bansa po muna kami. Saka na ako babalik pagdating ng takdang napagkasunduan."Napatitig si Lauro sa mukha ng apo. Ang guwapo ng bata at matangos ang ilong. Mukhang wala manlang nakuha mula sa dugo nila. Ayaw pa rin ng anak na ipaalam sa abuelo nito kung sino ang una nitong naging asawa. At siya ay nanatiling tikom ang bibig at hindi pinapangunahan ang anak. Mahal niya ang kaisa-isa niyang anak kaya lahat ng gusto ay ibinigay niya. Ang isa lang pagkakamali ay hinayan itong mamuhay mag-isa noon. Huli na nang malaman niyang nagpakasal ito sa isang lalaki at hindi naman ito mahal."Ipaayos ko na ang papelis niyong mag-ina.""Salamat, dad! Puwede mo po kaming dalawin doon madalas."Nakangiting tumango si Lauro bago hinalikan sa noo ang natutulog na apo. Masaya na siya para sa anak dahil may makasama na ito hanggang sa
Magbasa pa
Chapter 7-Masamang balita
Napaiyak si Stella nang makatanggap ng balita mula sa Pilipinas. Nanghihinang napaupo siya sa sofa at dahan-dahang binalingan ng tingin ang abuelo."Ano ang nangyari at sino ang kausap mo?" tanong ni Fausto sa apo.Lalong napaiyak si Stella at halos hindi maibuka ang bibig. Ilang ulit na bumuka ang bibig ngunit walang salitang lumalabas."Stella, tell me what happened?" Sinigawan na ni Fausto ang apo at kinakabahan sa nakikitang pagluha nito."Lo-lolo, si Daddy..."Napatiim bagang si Fausto at unting-unting bumagsak ang mga balikat. Umiling-iling siya habang hindi hinihiwalaya ang tingin sa umiiyak na apo."Wala na po si Daddy, lolo!" Napahagulhol na siya ng iyak at nanghihinang bumalik sa kinaupuan.Mabilis na nilapitan ni Fausto ang apo at niyakap ito ng mahigpit. Biglang namanhid ang puso niya at hindi magawang lumuha."Lolo, ano na po ang gagawin ko ngayong wala na si Daddy? Bakit po nagkaganito? Kanina lang ay kausap ko pa siya at papunta na siya rito." Pati balikat niya ay yumug
Magbasa pa
Chapter 8-Insulto
Excited na nagkita sa isang shop ng mga branded na damit sina Elizabeth at Sophie. Kinalimutan muna nila ang tungkol sa paghahanap kay Stella. Inuuna nila ngayon ay ang pagbili ng magandang damit para sa event na dadalohan sa sunod na lingo."Sa tingin mo, maging kaibigan natin siya?" tanong ni Sophie sa kaibigan. "Of course, sa ganda nating ito? Kapag naging kaibigan natin siya ay tiyak na marami lalo ang mainggit sa atin." Liyad ang dibdib at kumindat si Elizabeth sa kaibigan. Halos ang nasa pahayagan ngayon ay ang tungkol sa apo ng isang pinakamayang negosyante, hindi lang sa kanilang bansa kundi sa labas din. Nasa balita rin na namimili ng kaibigan ang babae at masungit. Natigilan si Stella sa pagpili ng dress nang marinig ang dalawang babaing nag-uusap. Alam niyang siya ang pinag-uusapan ng mga ito. Pamilyar sa kaniya ang boses ng dalawa kaya nakinig pa siya sa mga ito. Kababalik niya lang ng Pinas pero walang ibang nakakaalam maliban sa kaniyang abuelo."Miss, bibili po ba k
Magbasa pa
Chapter 9-Pagkapahiya
Unang tingin pa lang ay alam agad ng manager na maling tao ang nahusgahan ng kaniyang staff. Galit na tingin ang ipinukol niya sa tauhan bago lumapit sa babaing simple lang manamit. "Ma'am, pasensya na po sa ginawa ng staff ko."Lalong nagulat sina Sophie at Elizabeth dahil sa ginagawa ng manager."Hey, ano ang ginagawa mo? Alam mo bang hindi lang ang staff niyo ang ginawan ng hindi maganda ng babaing iyan?" sita ni Sophie sa manager.Sandaling nagpalipat-lipat ang tingin ng manager sa dalawang babae. Biglang nag-alinlangan sa sunod na gagawin. Kailangan niyang e priority ang good customer dahil business is business. Inilahad ni Stella ang kamay sa harap ni Alex at agad naman nitong ibinigay ang gold card. "Puwede mong panoorin ang kuha sa surveillance camera upang malaman mo kung sino ang totoong may kasalanan dito.""Huh, ang yabang mo talaga! Sino ang ipinagmamalaki mo, ang matandang iyan na kalaguyo mo?" nang-iinsultong tanong ni Elizabeth kay Stella.Umangat ang isang sulok ng l
Magbasa pa
Chapter 10-Hinala
"Inutil! Paanong hindi niyo ma trace kung nasaan na siya? Malinaw na nasa paligid lang siya at hindi lumabas ng bansa!" Galit na naihampas ni Charles ang hawak na forlder sa lamesa.Si Sophie na tahimik lang sa loob ng opisina ng kapatid ay napapiksi dahil sa galit ng kapatid. "Sorry, sir, pero kahit ang record niya sa pagbili ng damit ay hindi available." Nakayuko ang ulo ni Roy at kinakabahan.Muling napukpok ni Charles ang lamesa gamit naman ang kamao dahil sa galit."Kuya, sa tingin ko ay mas malaki ang connection ng taong ipinagpalit sa iyo ni Stella. Marahil ay pinalitan niya rin ang pangalan niya upang itago sa pamilya ng ipinagpalit sa iyo ang kaniyang background."Matalim pa rin kung maningin na binalingan ni Charles ng tingin ang kapatid. Maaring tama ang kapatid at hindi matanggap iyon ng kaniyang ego. Pakiramdam niya ay naisahan siya ng dating asawa at ginawa siyang tanga. Hindi na nakapagtaka noong pinirmahan nito ang divorce paper. Marahil ay matagal nang napaghandaan
Magbasa pa
PREV
123456
...
25
DMCA.com Protection Status