Habang abala ang mga kaibigan ni Luke sa pambobola sa bartendress ay abala naman siya sa pagmamasid-masid. Ito ang unang beses na nakapasok siya sa isang bar, bilang kustomer. Kahit na anak mayaman, simula pagkabata hanggang edad labing lima ay wala siyang ibang inatupag kung hindi ang manatili sa kanilang manor upang mag-aral at matuto ng iba't-ibang kaalaman mula sa iba't-ibang kilala at sikat na guro at eksperto, na nagmula sa iba't-ibang panig ng mundo. Pagsapit ng kanyang ikalabing anim na taong gulang ay isinabak siya sa isang digmaan, na siyang kanyang naging ikatlong pagsasanay. Dito ay naranasan niya ang matinding hirap at mga buwis buhay na pagsubok. Kung hindi dahil sa una't ikalawang pagsasanay, malamang sa malamang ay nabigo at bumagsak na siya sa ikatlo. Sa tulong din nito ay mas napabuti pa nang husto ang kanyang pakikipaglaban, mapa long-range man o hand-to-hand combat. Pagkatapos ng isang taong 'war training', ay agad na sumabak siya sa kanyang ikaapat na pagsasana
Last Updated : 2023-11-27 Read more