บททั้งหมดของ Mr. Bodyguard, It's Hard To Love You [Filipino]: บทที่ 61 - บทที่ 70
83
CHAPTER 61: Protection
Ang unang ginawa ni Erin matapos makabalik ng Bel-Air ay binisita ang bahay nina Lily dahil naroon si Lacey. Iniwan niya si Orion sa hotel sa Berlin dahil ayaw niyang kasabay ang lalaki pabalik ng bansa. Hindi niya alam kung ano ang nakain nito at sobrang clingy sa kanya. “Mommy!” Mabilis na humakbang ang maliliit na biyas ni Lacey patungo sa gate nang malaman ng Pamilya Walton na naroon siya. Agad niyang niyakap ang kanyang anak at saka ito paulit-ulit na binigyan ng halik sa pisngi. “I miss you so much, baby!” “Mommy! Novella and I baked cookies!” pagyayabang nito. “Really? Patitikim mo ba kay Mommy?” Nakakatuwa na maayos ang pakikipagkaibigan nito kay Novella. “Of course!” Nakangiti na nilapitan siya ni Lily. Niyakap ito ni Erin at saka nagpasalamat sa pagbantay sa kanyang anak sa loob ng ilang araw. “Pasensiya ka na talaga. Wala akong maisip na mapagkakatiwalaan kung saan ko pwedeng iwan ang anak ko,” paumanhin ni Erin sa babae. “Ayos lang iyon. It must be
Read More
CHAPTER 62: New Neighbors
Matapos makausap ni Erin si Orion sa telepono, hindi niya inaasahan na tatawagan siya ni Mr. O’Sullivan. Nabasa nito ang lahat ng kanyang hinaing sa text message, ang pagsisi niya sa lalaki sa ginawa nitong kapahamakan sa kanya. “What are you doing here?” direkta ang tanong ni Orion sa Irish. Tulad niya ay sigurado na ikinabigla ni Orion na makita roon si James. "Erin texted me. I'm currently tied up with business matters at a few casinos in the city, so I've been here since last night. Upon receiving word from my men about Erin's message, I made the choice to come here." Nilingon ni Orion si Erin na tila nang-aakusa. ‘Wait lang! Bakit parang kasalanan ko?’ with Bea Alonzo’s famous character line. "Now that I'm here, Mr. O'Sullivan, you are free to go. We appreciate your help. Thank you!" sabi ni Orion. Nagtaas ang kilay ng Irish sa pagkaaliw. “Orion!” tawag ni Erin sa pangalan nito. “What?” “This is my home. Bakit ikaw ang magde-decide ng mga bagay-bagay sa
Read More
CHAPTER 63: Neighbors' Disturbance
Hinilot ni Erin ang kanyang ulo habang nasa harapan ng kanyang laptop para harapin ang ilang problema. Pinanood niya ang advertisement ng resort sa Bali na magaganap sa loob ng ilang linggo. May mangilan-ngilan siyang napansin na kailangan ng polish at ibinigay muli ang detalye sa kanyang team. May nag-doorbell sa kanyang bahay na sigurado si Erin na isa sa dalawang lalaki ang nangungulit sa umagang iyon. Hinayaan niya ang maingay na tunog, lalo na nang bumilis ang pagpindot-pindot niyon na halatang naiinip na ito sa paghintay. Sigurado siya, walang duda na si Orion o James ang nasa labas. Iniangat ni Lacey ang tingin nito sa kanya nang mapansin na wala siyang plano na harapin ang kanilang bisita, at saka nito nilingon ang direksiyon ng kanilang gate. Kasalukuyan din itong nagkukulay sa drawing book dahil umaga pa ang oras. May ilang oras pa bago ang punta nito sa nursery school. “Huwag mo nang pansinin iyon, anak,” ani Erin. Tumayo siya at saka sinilip sa monitor kung
Read More
CHAPTER 64: A Mistress
Isang tawag ang gumambala sa umaga ni Erin habang naglilinis ng bahay. Kinabahan siya nang makita ang pangalan ni Tanya sa screen. Nakaramdam siya ng takot at hindi niya magawang sagutin ang tawag ng babae dahil sigurado siya na tungkol sa gossip news nila ni Orion ang dahilan nito. Nilingon niya ang lugar ni Orion na kalaro si Lacey, na nagkataon na nakatingin din sa kanya. Nasa mata nito ang katanungan kung bakit patuloy lang niyang pinagmamasdan ang ring. Nagpasalamat siya na umalis si James nang hindi na nakipagkulitan pa sa kanya. Sa palagay niya ay may business din itong ginawa. Hindi naman siya ganoon kaimportante sa buhay nito para basta nito pabayaan ang trabaho. Kinuha ang lahat ng lakas ng loob, sinagot niya ang tawag ni Tanya. “Hello!” “Meet me at the office right now!” malamig na wika ng babae bago nito pinutol ang tawag. Kinabahan si Erin. Alam niya na haharapin niya ang babae isang araw. Iyon ang kapalit ng kapusukan na ginawa nila ni Orion. Nilapitan si
Read More
CHAPTER 65: Bravery
Hindi mapigilan ni Erin ang kanyang mga pagluha habang naroon sa labas ng emergency room matapos dalhin doon si Tanya. Tinawagan niya si Lily dahil hindi niya alam ang gagawin. Wala siyang kaibigan at hindi niya alam kung paano haharapin ang kanyang takot dahil sa muli niyang pagkakadawit sa pamilya Arvesso.Takot siya sa nakaraan. Takot siya na magalit sa kanya si Orion.Humahagulgol lang si Erin sa labas ng emergency room. Hindi niya kasi alam ang gagawin. Bakit biglang napahamak ang anak ni Tanya?Hindi niya inaasahan na pupuntahan siya ni Lily sa ospital para siya hanapin matapos siya nitong makausap sa telepono. May kasama itong driver o bodyguard.Natagpuan siya nito na wala sa tamang pag-iisip sa hallway. Niyakap niya ang babae na para bang nakakita siya ng kakampi at saka nagpatuloy sa paghagulgol. Inalok siya ni Lily sa canteen ng ospital dahil dama nito ang panginginig ng kanyang katawan. Binigyan siya nito ng tubig.“What happened?” usisa ng asawa ni Drew. Mahigpit na hi
Read More
CHAPTER 66: Reputation
Naroon si Orion sa meeting kaharap ang ilang shareholders para talakayin ang usap-usapan sa relasyon niya kay Erin at Tanya. Ipinagtanggol ni Orion si Erin at desidido siya na itama ang relasyon niya sa babae. Handa siyang magbigay ng danyos sa pamilya ni Tanya kung kinakailangan, ngunit iniipit siya ng shareholders. "Mr. Arvesso, we've talked about this a lot, and you promised to marry Ms. Tanya in exchange for property in Madrid. Wasn't this the deal you offered her? If you go back on your word, it could really hurt the company's stability," katwiran ng isa. "The Arvesso Group's future is now in jeopardy over a mere romantic entanglement with a simple model," komento ni Mr. Gray. "Heh, Mr. Gray probably needs some rest in his old age," pagbabanta ni Orion. “Erin is no ordinary woman. I hope you're not trying to insult the mother of my child!” nangigigil na sita ni Orion, matalim ang tingin na ipinukol sa lalaki. Napalunok naman ito. "I-I meant..." Naputol ang sasa
Read More
CHAPTER 67: Marco’s Return
“Hi!” Napaatras si Erin nang makita si Marco, ang isa sa matalik na kaibigan ni Orion na nagbantay sa kanya noon. “M-Marco?” Hindi siya makapaniwala na makita ang lalaki sa labas ng kanyang gate. “The one and only!” anito, malapad ang ngiti. “Oh, my God!” Niyakap niya ang lalaki na para bang walang namagitan na pagtatampo sa kanilang dalawa. Ihahatid na dapat ni Erin ang kanyang anak sa nursery, at pagkatapos ay plano niyang puntahan si Tanya sa ospital. Kailangan niyang ipagpatuloy ang buhay at wala siyang oras na magmuni-muni. Nabigla na lang siya nang kumatok ang lalaki sa kanyang gate. Ibinaba ni Marco ang tingin sa kanyang anak na si Lacey. “Wow! Bulinggit ni Erin!” bulalas ng lalaki. “Hello!” bati ng kanyang anak kahit naguguluhan. Iniangat nito ang tingin sa kanya. “Mommy, who is he?” “He’s a friend, Uncle Marco,” simple niyang sabi bago binalingan ang lalaki. “Why are you here?” Nagpalinga-linga ang lalaki. “Pinapunta ako ni Orion dahil ako ang magbabantay sa in
Read More
CHAPTER 68: Evidence
“Inutos ni Ms. Tanya na siguruhin ko na mahuhugasan ang baso na iniwan at ginamit niya rito kahapon. Alam ko na mayroong hindi tama sa naganap kahapon. Medyo nagi-guilty pa nga ako sa ipinakita kong emosyon sa iyo, Miss Erin…” paliwanag ni Sandra. Nagsimulang mamasa ang mga mata ni Erin. Totoo ang sinabi ng babae. Ibang-iba ang akusasyon na isinasama ng mga mata nito ng nagdaang araw. “I felt bad. I’m really sorry. Alam ko rin naman na hindi mo magagawa ang ganoon kay Ms. Tanya kaya… itinago ko ang tasa,” dagdag ni Sandra. Umaliwalas ang mukha ni Erin. “Nasaan na iyon?” tanong niya. “Iniuwi ko sa kagabi para ipa-check sa isang kaibigan.” Ibig sabihin ay iba ang tasa na naroon sa gilid na nasisilayan nila. Ngunit hindi maiwasan ni Erin na magtaka at magkaroon ng duda sa assistant lalo na't si Tanya ang madalas na makasama nito. Paano kung panibagong pagsubok na naman nito na susubukin ang kanyang tiwala? “Paano ako makasisiguro na nagsasabi ka ng totoo?” tanong ni Erin
Read More
CHAPTER 69: Livestream
Isang linggo pa ang lumipas, hindi nakita ni Erin si Orion. Ayon kay Marco ay nagpunta ito sa Greece para ayusin ang problema kay Tanya. Kinausap yata nito si Mr. Niel. Nakapag-file na si Erin ng reklamo kay Tanya; ang mga akusasyon nito sa kanya na may kinalaman siya sa ‘miscarriage’ issue para sirain ang kanyang pangalan sa publiko. Agad naman na bumuwelta ang team ni Tanya at sinabi na hindi nito pinagbibintangan si Erin. Ngunit witness si Assistant Sandra at ilan pang guwardiya na inakusahan siya ng babae sa mismong opisina ng Elusion. Naroon si Erin at nakaharap sa kanyang camera para magbigay ng live broadcast sa kanyang Instagrab. “Ang problema na lang ay kung paano mo sasabihin sa publiko ang rason kung bakit nagkakasama kayo ni Orion. Sigurado na tatanungin sa ‘yo ang bagay na iyon,” paalala ni Marco. “Malaking katanungan kung bakit magkasama kayo sa Bali at pagkatapos ay nasundan pa iyon sa Berlin. Nakakainis pero may ilang mga keyboard warrior ang nagsasabi na ka
Read More
CHAPTER 70: Mommy’s Secret
“Why the fuck did you do that, Orion?!” asik ni Tanya kay Orion sa telepono. Nagkikiskis ang ngipin ni Tanya sa prustrasyon habang mahigpit ang hawak sa kanyang telepono. Naroon siya sa kanyang bahay at hindi mapakali. Ginusto niyang pakasalan si Orion dahil hawak nito ang buong Arvesso Group. Nasa posesyon ni Orion ang lahat ng shares na ipinasa ni Mr. Niel Arvesso. Ipinagtaka niya iyon noong una kung bakit hindi man lang ginusto ng kapatid nitong sina Lily at Danica na makihati sa yaman ng mga Arvesso. She wanted the Arvesso Group. Ngunit ngayon ay itinapon nito ang posisyon. Ibinigay ni Orion ang lahat ng shares na hawak nito sa kapatid na sina Lily at Danica. At ang hindi niya inaasahan sa lahat, ipinasa nito ang ilang property sa pangalan ng anak ni Erin na si Lacey! Nagkikiskis ang kanyang ngipin dahil sinira ni Orion ang kanyang plano! Akala niya ay nagsisinungaling si Erin na anak ni Orion si Lacey at walang alam ang lalaki sa bagay na iyon. Ngunit pinatotoo ng inakto ni
Read More
ก่อนหน้า
1
...
456789
DMCA.com Protection Status